Riverain
"Bubuka ang bulaklak sasayaw ang reyna." Bakit parang baliktad? Diba dapat mas lasing ako e bakit mas lasing tong si Norma?
"Gagi mali naman ata lyrics mo." Binatukan ko ito. Dalawa lang kami ni Norma sa sala at si Athena busy magluto, nasa bahay nila kami ngayon at nag-iinom. Dapat sa dorm kaso mahuhuli kami lalo na parang takas mental kami pagnaka-inom.
Nilayo ko ang baso ni Norma, "Dapat ako yung lasing! Take 2!" at tinungga ko naman ang nasa pitsel na may gin na hinaluan ng juice. Hindi ko napansin na maya't-maya na ang tagay namin dalawa.
"River bashik ka umishak?" Bakit may dalawang Norma sa harap ko.
"Hoy! Ba't dalawa na kayong Norma! Sakit na nga sa ulo yung isa tapos dalawa pa!" Sigaw ko habang nakatingin ng masama sa kanila.
Binatukan ako neto, aba pumapalag pa. "Tanga! Lasing ka lang!"
"Sinong tinatawag mong lasing? Ako? Ako ba?" Turo ko sa sarili ko.
"Pinagsasabi mo? Paano ako tatawag eh wala nga kong load!"
Sasagot sana ako nang biglang may bumatok sa'kin ng malakas, "Aray!" Paglingon ko si Athena pala, "Ang daya naman, ba't ako lang?!"
"Eh ikaw malapit eh." Saad niya bago dumaan sa harap ko para ilapag ang niluto niyang sisig.
"Buti nga say-" Naputol ang sasabihin ni Norma nang may lumipad na tsinelas sa mukha niya, "Aray ko naman! Ba't mo yun ginawa?"
"Mukha ka kasing paa." Sagot ni Athena bago umupo at magbukas ng isang bote. "Hay sa wakas naka-inom rin." saad niya nang makainom siya.
"Hoy akin na 'yan!" Sinubukan kong agawin yung bote sa kaniya pero agad niyang iniwas. "Ako lang dapat lasing dito!"
"Magtigil ka River ah, pinagluto ko kayo."
Bumusangot ako, "Magluto ka ulit doon!" Hindi niya ako pinansin, "Athena!"
"Luh parang bata." Singit ni Norma.
"Wag kang epal, Norma."
"Wag kang epal, Norma." Pang gagaya niya sa sinabi ko.
"Aba't!" Babatukan ko na sana si Norma nang biglang tumunog ang doorbell.
"Ako na magbubukas." Bago siya umalis ay nilingunan niya muna kami at pinaningkitan ng mata, "Umayos kayong dalawa."
Tumango kaming dalawa ni Norma at nanahimik. Pinili na lang namin na tikman 'tong sisig na luto ni Athena. Basta si Athena nagluto masarap talaga, mukhang nasarapan din si Norma dahil kuha din siya ng kuha. Para na naman siyang patay gutom.
"Pambihira naman kayo, inubos niyo agad yung pulutan." Reklamo ni Athena nang makabalik siya.
Nagturuan naman kami ni Norma, "Siya 'yon!" Sabay namin sabi.
Napa-face palm na lang si Athena at bumuntong hininga. "Grabe kayong dalawa."
"Hi guys!" Bati ni Charlotte mula sa likod ni Athena, "May dala akong food, hayaan mo na sila." saad niya kay Athena at ipinakita ang dala niyang plastic bag.
"Pagpasensyahan mo na sila. Akin na ililipat ko sa plato." Kinuha niya mula kay Charlotte ang dala nito at dumiretso sa kusina.
Umusog ako para bigyan siya ng space sa sofa, "Buti nakapunta ka."
"May tinapos lang akong school works kaya natagalan."
"Eto oh." Inabutan ko siya ng isang bote, "Damayan mo ko."
"Ano ba meron?"
"Oh ayan! Buti na lang may dalang pagkain si Charlotte." Paglapag ni Athena ng pagkain sa lamesa.
BINABASA MO ANG
Cafuné (GxG)
RomanceIn this world where Agatha Mendrado captivates with her poisonous allure and Riverain Samonte navigates a labyrinth of mysteries, the true face of reality is unveiled. It is a world where dreams and nightmares intertwine, where the past and present...