Riverain
Nasa kalagitnaan kami ng klase nang naramdaman ko na nag-vibrate ang cellphone ko. Maingat na tinignan ko kung sino ang nag-text. Automatic na napangiti ako dahil si gurang lang naman ang nag-text. Mabilis pa kay Flash na in-open ang message niya.
I'll pick you up later.
Tinignan ko muna si prof kung ano ang ginagawa bago ako nag-reply.
Sure! See yah gurang ko. Ingat ka baka tanga ka 'di mo lang alam.
Ngiting-ngiti ako na binalik ko ang phone sa bulsa. Naramdaman ko na parang may nakatingin sa'kin. Nadako ang tingin ko kay Athena na naiiling sa'kin. "Hindi ko alam paano kita nagustuhan no'n. Ang pangit mo pala ma-in love."
"Pakyu." Kapal ng mukha parang hindi ako iniyakan no'n.
Dumating ang mga classmate ko na napag-utusan ni prof para kunin ang mga canvas. Ngayon kasi naisipan na ibalik. Hindi naman ako nababahala sa makukuha kong grades dahil alam ko sa sarili na na-paint ko 'to ng maayos.
"Hoy." Tinusok ko si Athena sa tagiliran. Galit na tumingin sa'kin to dahil muntik na siya mapasigaw. "Sasama ka ba ulit sa library mamaya?"
"Bakit ayaw mo?"
"Tangek. Balak ko sana na kausapin mo kaya si Charlotte na ikaw na lang pumalit sa puwesto ko, tutal mas masipag ka pa pumunta sa'kin."
"Hanggang kailan kayo magke-kwentuhan dalawa?" Sabay kaming napatingin sa harap nang magsalita si prof. Hindi namin napansin na halos sa'min na pala nakatingin.
"Sorry po." Sabay na sabi namin.
Nagsimula na si Prof na ipakita sa harap ang canvas bago ibigay sa may-ari. May mga naglalaitan ng gawa at nagpapagandahan kung sino ang mas better. Naunang natawag si Athena. "Naks, akalain mo yun marunong ka pala mag-paint."
"Ikaw lang naman ang hindi marunong dito." Inirapan niya ako bago siya umupo ng maayos. Ilang saglit lang ay natawag na rin ang pangalan ko. Taas noo akong pumunta sa harap.
"Good job, River." Kahit hindi na sabihin 'yan alam ko na. Never naman ako nagkaroon ng drawing na pangit. Ako pa ba?
"Ano gagawin mo d'yan sa paint mo?" Tanong ko kay Athena. Minsan kasi dinodate niya o kaya naman pinamimigay niya lang.
"Pamimigay na lang siguro. Hindi ko trip i-display sa bahay o kaya sa dorm." Pili lang din kasi ang mga inuuwi niya. Kahit pa na gawa niya, pag hindi niya bet kahit gaano pa kaganda ay hindi niya 'to iuuwi unless kung importante ka. "Ikaw ba?"
Isinandal ko 'to ng maayos sa pader. "Hinihingi nung model. Ibibigay ko sa kanya mamaya pag-uwian na."
"Kilala mo?"
"Hindi, bigla na nga lang 'to lumapit sa'kin para hingin yung paint kasama ko pa nga si gurang no'n."
Tumayo na kami nang mag-ring ang bell, last subject na namin 'to. Habang naglalakad papunta sa library, kinuha ko ang cellphone sa bulsa para i-text ang nagpapatibok ng puso ko. Shet ang astig ko talaga ma-in love.
Papunta na ako ng library, text kita pagtapos ko.
Try ko ngang kausapin si Charlotte na paalisin ako ng maaga para marami akong time kay gurang. Naririnig ko na nagrereklamo si Athena sa dala niyang canvas. Hindi ko rin siya masisisi malaki din kasi yung canvas.
"Wassap Char." Sinalubong niya kami nang makita niya kami papasok sa library. Napatingin 'to sa hawak namin canvas.
"Ano yan?"
BINABASA MO ANG
Cafuné (GxG)
RomanceIn this world where Agatha Mendrado captivates with her poisonous allure and Riverain Samonte navigates a labyrinth of mysteries, the true face of reality is unveiled. It is a world where dreams and nightmares intertwine, where the past and present...