AnR 25

5.2K 228 30
                                    

Riverain

"Sasama ko si gurang ah."

Pinaguusapan namin ang trip na gagawin namin sa darating na week ends. Nasa bahay kami ni Charlotte, dito naisipan ni Athena na gumawa ng plates namin. Nagulat na lang ako na after ng duty ko sa library ay may plano na agad silang magpunta dito. Sakto rin naman na wala akong pasok sa work kaya hindi na ko tumanggi.

"Kahit isama mo pa buong angkan mo." Sagot ni Athena na busy rin sa pag gawa ng plates.

"Sige buong baryo namin isasama ko na rin." Sagot ko.

"Umayos nga kayong dalawa. Next week na yung trip tapos wala pang plano." Saway ni Charlotte.

Nilapag ko ang hawak kong sketch pad at maayos na hinarap silang dalawa, "basta isasama ko si gurang."

"Puro ka isasama wala pa ngang plano."

"Kaya nga nandiyan ka Athena para mag-isip." Sagot ko pabalik.

"Ano ba hindi ba kayo titigil?" Napahilot si Charlotte sa sintindo nito, "Kung hindi bangayan, kalokohan yung ginagawa niyong dalawa."

Napa buntong hininga si Athena bago ilapag ang sketch pad niya. "Ayos na nga. Tutal decided naman na yung pupuntahan. Kanino kotse gagamitin? Sayo ba?" Tanong nito kay Charlotte.

"Hindi puwede, gagamitin ni papa."

"Hindi rin puwede yung kotse ko, nasa talyer pa."

Dito na papasok si gurang, "Si gurang may sasakyan 'yon, kaniya na lang gagamitin,"

"Hindi ba nakakahiya?" Alanganin na tanong no Charlotte.

"Akong bahala!"

Sinundo ko si gurang sa Frisson sky, dinaan lang ako dito ni Charlotte bago niya ihatid sa dorm si Athena. Tahimik ako naghihintay dito sa kotse niya, dito ko na lang pinili maghintay. Pinaglalaruan ko ang maliit na bato sa paa ko nang may anino na huminto dito. Pag angat ko ng tingin ko ay napapikit agad ako nang maramdaman kong may lumapat na labi sa'kin.

"Why are you waiting here? It's cold outside, you can wait inside my dressing room."

"Naka kunot na naman 'yang noo mo." Nakangiting inayos ko ang magkasalubong na kilay nito, "Okay na 'yan, nandito ka naman na." Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Next time you'll wait inside, okay?"

"Yes po, boss." Tsaka siya pumasok sa loob.

Sinara ko ang pintuan niya at umikot ako sa kabila. Kinabit ko ang seatbelt pagkasakay ko. Nang masigurong okay na kami parehas ay pinaandar niya na ito.

Sumulyap siya sa'kin sandali, "Where do you want to eat?"

"Sa penthouse mo na lang." Inabot ko ang kanang kamay niya na nakapatong sa kambyo, "Ako na lang magluluto, alam kong pagod ka"

"Mag-order na lang tayo."

"Aba! Ayaw mo ba sa luto ko?" Ang sarap ko kaya mag adobo.

Natawa ito ng mahina, "What you intend to cook? Adobo again?"

"Oo! Masarap naman eh." Tumawa siya ulit, "tuwang tuwa ka na masiyado sa'kin ah."

"Di mo sure." Aba't saan siya natuto niyan?

"Gumaganiyan ka na ah." Aasarin ko pa sana siya nang maalala ko yung trip namin, "nga pala, free ka ba this week ends?"

Nag-isip siya panandalian, "I'm not sure, why?"

"Kailangan libre ka, aalis tayo."

"I'm not really sure."

Napa ayos ako ng upo bigla, "Ba't naman? Dali na gurang."

Cafuné (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon