AnR 29

4.1K 190 88
                                    

Riverain

Nagising ako sa pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko at dahil inaantok pa ako at gusto ko pa matulog, kinuha ko ang unan sa tabi ko at tinakip ito sa mukha ko. Pabalik na sana ako sa pagtulog nang maalala ko na kailangan ko na paghandaan si Kai ng almusal.

Napabalikwas ako ng bangon ngunit napahiga ulit dahil biglang sumakit ang ulo ko. Lintek na 'yan ang sakit! Hinilot ko muna ang ulo ko saglit bago dahan-dahan bumangon. Napatingin ako sa kapatid ko na nasa tabi ko, mahimbing itong natutulog. Pagtingin ko sa orasan ay napansin ko na tanghali na pala.

"Hindi na talaga ako magpapakalasing." Bulong ko sa sarili ko.

Tumayo ako at nag-ayos ng sarili bago tumungo sa kusina. Nagbukas ng ref at tinignan kung anong puwedeng lutuin. Itlog lang ang laman ng ref kaya ito na lang lulutuin ko. Pambihira may pambiling alak pero walang laman yung ref.

"Ayain ko nga mamaya si Athena mamili."

Nandito kami ngayon sa bahay ni Athena, simula ngayon dito na kami ni Kai titira. Mas okay na din dito, mas malapit sa school kesa doon tsaka mas safe. Mas mabuti din dito dahil malayo sa kaniya.

" Hoy River! Ba't absent ka ng ilang araw?"

Tahimik akong naglalakad papasok ng gate ng school nang bigla ako nitong inakbayan.

"May nga nangyari lang." Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko.

Napabitaw ito sa'kin at sumeryoso ang mukha, "Anong problema? May pinag awayan ba kayo ni Ms. Agatha?"

"Hindi kay, gurang." Lumingon ako sa kaniya, "kay Kai."

"Anong nangyari?"

" Mamaya na natin pag-usapan after class. Hangga't kaya gusto ko mag-focus sa klase."

Pinatong ni Athena ang kamay niya sa kaliwang balikat ko, "Basta nandito lang kami ni Charlotte." Sinuklian ko lang ito ng ngiti.

Tulad nga ng napagusapan ay pinagkwentuhan namin ito after ng class namin. Hinayaan muna ako ni Charlotte na wag mag duty sa library pero doon din naman kami nag usap para maka sama si Charlotte.

Ilang araw na ang nakalipas muna nang makuha ko si Kai. Lumalala ang kondisyon nito, hindi rin nakakatulong ang stress ko sa school at trabaho. Dagdag mo pa na sa tuwing nakikita ko si gurang at hindi ko maiwasan na maalala sila nanay sa kaniya.

"Lilipat kayo sa dorm niyo ni Kai? Baka nakakalimutan mong masikip doon?" Kontra ni Athena nang sabihin ko sa kaniya ang plano ko.

"Hindi safe si Kai doon." Napahilamos ako ng mukha ko, "Kailangan na namin lumipat."

"Bakit? Ang ganda na nga ng tinitirhan niyo eh." Kunot noong tanong ni Athena.

Humalumbaba si Charlotte, "I agreed, may katulong ka pa sa pagbabantay sa kapatid mo."

"Mas malapit sa school ang dorm, mas madali ko mapupuntahan si Kai kung sakali." Pagdadahilan ko.

"Oh sino magbabantay kay Kai?" Tanong ni Athena, "Nasabi mo na ba 'to kay Ms. Agatha?"

Napaiwas ako ng tingin. Paano ko sasabihin kung siya talaga ang dahilan kung bakit kami aalis.

"River." Pagkuha ng pansin sa'kin ni Athena, "May hindi ka ba sinasabi sa'min?"

Tumayo ako at sinukbit ang bag sa kanang balikat ko. "Pinagiisipan ko pa naman." Tumingin ako sa orasan ko, "Mauuna na ako at maya maya wala ng kasama doon si Kai."

Cafuné (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon