Riverain
"Alam mo kahit buong araw mo titigan 'yan, hindi maayos 'yang plate mo."
"Alam mo Athena, ang epal mo." Badtrip natapunan pa ng kape, mamaya na pasahan nito.
"Eh kung sinimulan mo na? Sana may nagawa ka na."
Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis, "Eh kasi naman! Pinagpuyatan ko 'to tapos hay nako!"
"May 4 hrs ka pa! Dalian mo na!"
Walang nagawang naglabas ako ng bristol para makapagsimula ulit. Walangya talaga buti sana kung ang dali lang gawin nito eh. Ilang oras din ang ginugol ko dito kagabi, naka-ilang kape din ako para lang manatiling gising tapos kape lang din pala sisira ng pinaghirapan ko. Lintek na kape, ang hirap mong mahalin.
Nagsimula na kong gumuhit ulit, nag-isip na lang ako ng mas madali pero unique na concept. Hindi ko puwedeng ulitin yung ginawa ko kanina dahil hindi sapat ang 4 hours para doon. Nasa kalagitnaan ako nang pagdo-drawing nang biglang nag-ring ang phone ko, hindi ko ito pinansin dahil nakukuha ko na ang ritmo ko. Patuloy lang ako sa pagguhit nang muli na naman itong tumunog.
"Hoy River! Mukhang may tumatawag sa phone mo, pangalawa na 'yan ah."
"Mamaya na 'yan, naka-focus ako wag mo kong guluhin."
"Malay mo about work 'yan, baka pagtrabahuin ka mamaya."
Napahinto ako dahil sa sinabi ni Athena. Oo nga ano? Baka tungkol sa trabaho 'to, baka grasya na ang lumalapit sa'kin. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at sinagot, "Hello?"
"River! Umuwi ka ngayon din, si bunso!"
Kumunot ang noo ko nang marinig ang nagpa-panic na boses ng panganay namin na si Oceana, "Oh napano si Kailani?"
"Hindi maganda ang lagay niya, sobrang taas ng lagnat niya tatlong araw na." Nanlaki ang mata ko sa gulat at agad pinatay ang tawag.
Nagmamadaling niligpit ko ang mga lapis at pang kulay na nakalatag sa lamesa, itatago ko na sana ang ginagawa kong drawing kanina nang maalala na pasahan na nito mamaya. Maaaring maapektuhan ang grades ko kapag hindi ako makapagpasa, worst case scenario baka bumaba ang grades ko at hindi ako makakuha ng scholarship sa susunod.
"Ba't ka nagmamadali? Napano si Kai?"
Pero kailangan ako ng kapatid ko ngayon, hindi ko puwedeng isantabi 'to. Kung mamaya naman after class ako aalis baka wala na kong masakyan dahil gabi ang labas ko. Ah bahala na, hindi rin naman ako makakapag-focus sa pagdo-drawing kakaisip sa kaniya. Susubukan ko na lang bawiin ang grades ko sa ibang bagay. Tuluyan ko na itong tinago at isinara ang bag.
"Teka River, anong nangyari?" Pagpigil sa'kin ni Athena, hawak niya ngayon ang kanang braso ko.
"Hindi raw maganda ang lagay niya." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at agad tumakbo.
Narinig ko pa siyang sumigaw, "Paano yung plate mo?!"
"Bahala na!" Sagot ko nang walang lingon. Mas mahalaga ang kapatid ko.
Pagkasakay ko nang jeep ay hindi ko maiwasan isipin kung bakit hindi man lang ako nasabihan o hindi man lang ako sinabihan ni Kai? Madalas tumatawag ito o nagte-text kapag may hindi magandang nararamdaman. Nasaan ba si Loi? Siya dapat ang nagbabantay at naga-update sa'kin sa kapatid ko, ba't wala man lang siyang sinabi?
Sinubukan kong tawagan si Loi para tanungin, pero hindi ko ito ma-contact. Ilang ulit ko pa sinubukan pero wala talaga. Ano ba pinagkakaabalahan ng lalaking 'to at hindi ma-contact. Hay nako. susubukan ko na nga lang ulit mamaya, baka busy siya. Pero lagot siya sa'kin mamaya kapag nagkita kami.
BINABASA MO ANG
Cafuné (GxG)
RomanceIn this world where Agatha Mendrado captivates with her poisonous allure and Riverain Samonte navigates a labyrinth of mysteries, the true face of reality is unveiled. It is a world where dreams and nightmares intertwine, where the past and present...