Riverain
"Binibini, alam mo ba kung pano nahulog sayo? Naramdaman lang bigla ng puso." Kanta ko habang naglalakad papasok ng school. Muntik na ko sumubsob nang biglang may umakbay sa'kin. "Magdahan-dahan ka naman, Athena! Kala mo ang gaan eh."
"Sus! May pakanta ka pang nalalaman, para nang uulan oh." Saad niya habang nakatingin sa langit.
"Oh eh 'di ikaw na maganda yung boses."
"Ako na talaga." Pagmamayabang niya, "Ganda ata ng gising mo ah?"
"Oo kaso panira ka naman." Tinawanan lang ako ng tanga, kala niya nakakatuwa eh.
Binati ko ang guard nang makasalubong namin ito sa gate. Pati ang mga professors ko at mga estudyante na nakakasalubong ay binati ko. Kahit nga yung pusang gala na nakita ko ay hindi ko pinalagpas.
"Ba't good mood ka?" Takang tanong ni Athena.
"Maganda nga kasi gising ko."
Papasok na sana ako ng classroom nang biglang humarang si Athena sa harap ko, "Ano meron sa umaga mo?"
"Maganda ang panaginip ko, yumaman na daw ako ng sobra." Saad ko habang may malapad na ngiti sa labi.
Pinaningkitan niya ko ng mata, "Duda ako."
"Bahala ka kung ayaw mo maniwala." Lalagpasan ko na sana siya pero hinarangan na naman niya ako. "Tatadyakan kita."
"Sabihin mo muna yung totoo, si Ms. Agatha 'yan 'no?" Tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase.
"Pagtayo naabutan ni Miss dito ah."
"Sus ayaw pa aminin." Pagpupumilit pa niya.
Napalingon kami ng marinig ang boses ni miss, "Magpa-patintero na lang ba kayo diyan hanggang mamaya?"
"Sorry, Miss." Tinulak ko papasok si Athena at habang bumubulong sa tenga niya, "Kasalanan mo 'to."
Sa may bandang likuran sa tabi ng bintana kami pumwesto. Ang totoo niyan kaya maganda ang gising ko dahil may pasok ako mamaya, magpe-perform si gurang kaya panigurado marami na naman akong makukuhang tip. At syempre makikita ko na naman si gurang mamaya, hindi na agad ako makapaghintay na inisin ulit siya.
Pumasok si Miss at dumiretso sa lamesa niya sa harap. Naglabas siya ng laptop bago magsimula magturo, ine-explain niya kung ano ang plate na gagawin namin ngayon sa klase niya. Tahimik akong gumagawa ng plate nang maramdaman kong may huminto sa gilid ko, nang iangat ko ang tingin ko ay nakita ko si Miss na naka dungaw sa ginagawa ko. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko dahil akala ko ay wala siya sasabihin ngunit bigla niya ako kinausap.
"Riverain, see me after class."
"Bakit, Miss?" Hindi kaya dahil sa special project ko? Wala naman siguro balak si Miss na bawiin 'yon?
"Ie-explain ko mamaya yung tungkol sa special project mo. Hintayin mo lang ako sa faculty kung sakali man dumating ka na wala ako."
Napa ngiti naman ako sa narinig. "Thank you, Miss." Bumalik na ako sa paggawa ng plates nang maglakad na si Miss para tignan ang ibang kaklase ko.
Pagkatapos ng klase ay niligpit ko agad ang mga gamit ko para pumunta sa susunod kong subject. Hindi kami mag kaklase ni Athena no'n kaya tahimik na naman ang buhay ko. Bago kami maghiwalay sa hallway ay may pahabol na batok pa ito.
"See you sa lunch!" Langya, hindi man lang ako nakaganti.
Hayaan na nga, hindi ako papayag na isang katulad lang niya ang sisira sa araw ko. Dumiretso na ako sa next subject ko dahil baka ma-late pa ako. Dalawang subject ang in-attend kong class bago mag-lunch break. Pagka-dismiss sa amin ng prof ay nagtungo agad ako sa canteen para kitain si Athena. Nang makarating sa canteen ay namataan ko agad siya na naka-pila na sa counter. Nagmamadali na tumabi ako sa kaniya para maki singit sa pila.
BINABASA MO ANG
Cafuné (GxG)
RomanceIn this world where Agatha Mendrado captivates with her poisonous allure and Riverain Samonte navigates a labyrinth of mysteries, the true face of reality is unveiled. It is a world where dreams and nightmares intertwine, where the past and present...