7 am to 10 pm ang close ng resto ko. Kaya't kung nakakauwi man ako ay madalas di ko na naaabutang gising si Leon.
Hinaplos ko ang bilugang pisngi nito ng maabutan kong mahimbing ang tulog niya sa car bed niya.
Ang itim na buhok nitong binabagayan ng maamo niyang mukha sa pagtulog.
I call him a miracle baby, dahil aksidente na iyon ay nagawa pa naming mabuhay dalawa.
Sa lahat ng alaala na nabura ay ang pagbubuntis ko ang huli kong natandaan.
When I opened my eyes at that time, puno ng pag aalalang si Aaron ang nakita.
He introduced himself as my husband, at ipinaliwanag niya ang lahat ng nangyari.
Sinabi niyang nag ddrive ako pauwi sa bahay kung saan kami nakatira ngayon. Nang biglang may sumalubong sa akin na truck at yun ang kinalaglag ko sa bangin.
But it's hard to believe what he said, parang may kulang sa sinasabi niya. Parang isang puzzle ang utak ko ng oras na iyon.
Tila nag hahanap ng mas malinaw na paliwanag.
May mga pangalan akong naalala at mga lugar. Nguni't hindi ko iyon maiproseso dahil sa tuwing pinipilit ko ay pagsakit ng ulo ang nangyayari sa akin.
Hinalikan ko ang tulog parin na si Leon, at pinatay ang lampshade sa tabi niya.
Pag labas ko ng silid ay na abutan ko si Nanny Rosali sa dining table.
"Mam, ipinag luto po kayo ni Sir, bilin niya kumakain oh kayo pag uwi niyo." Anito at inilabas sa reff ang Tupperware na may iba't ibang putahe na luto.
"Paki init na lang Nay." Aniko at naupo sa Table.
"Mam, bilin po ni Sir na huwag muna kayong mag deliver sa ibang mga lugar sa atin." Aniya habang inilalagay sa microwave ang food.
Minsan ay maraming gustong mag pa deliver sa amin kaysa mag tungo sa resto. Minsan kung wala si Ced o si Tom ay ako mismo ang nag dadala sa mga nais bumili.
Hindi naman nakaka abala iyon, dahil bukod sa wala naman akong gaanong ginagawa sa resto at na lilibang ako sa magandang tanawin habang nag ddrive.
"Masyado naman si Aaron, nag aalala." Simpleng tugon ko lang.
"Oo nga po Mam, sobrang maalalahanin ang asawa niyo ang swerte niyo oh." Anito at inilapag ang masarap na Presto pasta sa harap ko.
Bago ko lantakan ang pasta ay kinuha ko muna ang MacBook ko para tawagan si Aaron.
Nakita ko ang profile nitong may green sa tabi kaya't mabilis akong nag call sa kanya.
Medyo inayos ko ang aaking hanggang balikat na buhok upang hindi ito maging abala sa akin pag kain.
Nang mag ring iyon ay kaagad niya itong sinagot.
"Nasa manila kana?" Tanong ko bago isubo ang pasta sa aking bibig.
Kita ko sa camera ang pag aayos nito ng tie niya.
"Yes, a while ago." Anito tila hirap na hirap sa pag aayos ng tie.
"Where are you going?" Tanong ko sa kanya dahil casual ang suot nito. Siguro naman ay may karapatan akong mag tanong dahil asawa ko siya.
Kita ko ang pag kurba ng kabi nito dahil sa bigla kong pag tanong.
"Ngayon mo lang ako tinanong ng ganyan." Anito na tila natatawa.
"I have a dinner with Mr. Herra para sa branch opening ng Coffee shop." Anito at naupo sa harap ng camera.
"Kaakauwi mo lang?" Tanong nito sa akin.
"Yes, I'm just finishing my dinner and I'm going to sleep." Sabi ko.
"Puwede bang huwag ka muna mag deliver sa kahit ano lugar ngayon sa Gorgons." Pag segunda nito.
"Are you still worried about the accident before?" Tanong ko.
"Please Halsey, listen to me first." Anito.
"I will send a delivery boy to help you at the restaurant." Pinal na sabi nito.
"No Aaron. I don't need that, kaya kong mag deliver at nalilibang rin ako sa ginagawa ko." Pag di sangayon ko.
Kita ko ang pag pikit nito dahil sa hindi ko pag sunod sa kanya.
"I will send delivery boy tomorrow morning. You should sleep." Anito ay nawala sa linya.
"I love you." Anito sa message.
Kinabukasan ay may dalawang delivery boy na pinadala nga si Aaron.
Hindi ko na iyon pinaalis dahil maraming taong kumakain ngayon.
Halos di rin mag kamayaw ang mga order sa iba't ibang lugar.
Ang dalawang delivery boy ay nag hatid sa Bispo, malayo layo dito sa lugar namin.
At ang isa naman ay sa Calderia.
"Naku Mam may order tayo ulit." Ani ni Lea na siyang mag mamando ng manitor at telephone para sa mga nag memensahe nais mag order at tumawag.
"2 grilled salmon, one seafood rice skillet and 2 orders of seafood stew." Ani ni Lea habang binabasa ang Monitor.
"Saan ang location?" Tanong ko kay Lea dahil wala pa ang dalawang delivery si Tom ay wala rin.
"Isla Quadra Mam, naku malayo po ito." Anito.
"Ako na ang mag de-deliver." Aniko.
"Mam huwag na po tatawagan ko na lang si Ced. Pauwi na siguro iyon." Ani ni Cony.
"Kaylangan rin po sumakay sa banka para makarating duon baka po mapano kayo mam Halsey." Ani ni Lea.
"No. Ibigay niyo sa cook ang order." Ani ko ay lumabas sa resto, upang kunin ang kotse sa parking lot.