Chapter 2
I take a sip on my coffee. Sitting beside me is my best friend, Quincie. She's been my companion since high school.
“Nasabi mo na ba sa asawa mo ang gusto mong mangyari?”
Ibinalik ko muna sa lamesa ang tasa bago ko ibinigay ang buong atensiyon sa kaibigan. Umiling ako sa kaniya bilang tugon sa kaniyang tanong.
Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. “Amerie, its not hard to talk, you know. To express your feelings. Besides, the kids aren’t young anymore.”
“I know that, Sey. Humahanap lang talaga ako ng tiyempo para sabihin kay Jairon ang gusto kong gawin. Alam mo naman ang deal namin, hindi ba?”
“Alam ko naman iyon, Amerie. But you have your own mind. Hindi naman pwedeng ang asawa mo lang ang nagde-decide para sa pamilya niyo. Kung gugustuhin mo talaga. Magagawa mo ang mga bagay na gustuhin mo...”
Saglit na nanahimik si Quincie. Matiim lang siyang nakatingin sa akin. Pagkatapos niyon ay muli siyang nagsalita. “You are an heiress, Amerie. Mayaman ang pamilyang pinanggalingan mo. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit pumayag ka sa gusto ni Jairon.”
“You have a point, Sey and I get it. Just give me some time. Masasabi ko rin kay Jairon ang gusto kong mangyari.”
Umiling na lang si Quincie. Kinuha niya ang tasang may lamang kape at nilagok iyon.
Tumingin siya sa kaniyang phone na nasa lamesa bago muling tumingin sa akin. “I have to go. May appointment pa pala ako.”
Kinuha na muna niya ang maliit niyang purse pati na rin ang phone pagkatapos ay tumayo na. Lumakad siya ng ilang hakbang para puntahan ang kinauupuan ko.
Tumayo na rin ako. Yumakap siya sa akin kaya niyakap ko rin siya pabalik. “Talk to your husband, Amerie. Don’t prolong what should be done already. Love you!”
“Love you, too. Promise, kakausapin ko na talaga mamaya si Jairon. Para bukas ay may maibabalita na ako sa iyo.”
Kumalas na siya sa yakapan naming dalawa kaya kumalas na rin ako. Inihatid ko siya hanggang sa may elevator. Nang nasa loob na siya ng elevator ay kumaway ako sa kaniya.
Siya naman ay nagbigay ng flying kiss sa akin. Natawa na lang ako sa ginawa niya.
Nang makabalik na ako sa loob ng apartment ay dumiretso ako sa kusina. Malapit na kasing magtanghalian. Pauwi na si Ren galing eskwela. Si Patty ang kasama nito.
Habang si Zai naman ay nasa kuwarto nito. Hindi ko lang sigurado kung tulog ba dahil kanina nang iwan ko siya para kausapin si Quincie ay naglalaro ito ng paborito niyang manika.
I was humming while cooking our lunch for today. Naisip kong magluto ng caldereta dahil gusto naman iyon ng mga bata. Pero mas paborito ni Ren ang adobo habang si Zai naman ay menudo.
BINABASA MO ANG
WS: Like a Promise
General FictionLike a Promise WIFE SERIES COLLABORATION Genre: General Fiction Status: COMPLETE A collaboration under PaperInk Imprints Marriage isn't the end of happily ever after. It will always be the beginning of a new chapter in your life. That's why, never b...