Chapter 13
Inabot ng tatlong buwan ang paulit-ulit na gawaing iyon. Tuwing umaga, isang maayos, masayahing Clari ang ipinapakita ko kina Nanang Lupe at sa mga bata.
Ang ginagawa ko bago mangyari ang lahat ng iyon sa akin ang siyang ginagawa ko tuwing sasapit ang liwanag. Ngunit puno ng takot, hinagpis, at pagkasuklam ang siyang nararamdaman ko tuwing sasapit ang dilim.
There was one time that I wanted to call Quincie to tell her what was going on in me, but then I realized that I should not be including her in my problems. She may be my best friend, but she also has her own problems to solve.
But now, I can’t take it anymore. I need to run. I need to get away from this hell. And I need someone’s help.
May mahinang katok akong narinig habang nagtitipa ng mensahe para i-send sa pinsan kong si Siyan.
“Clari, si Nanang ito. Kaninang umaga ka pa hindi lumalabas ng kuwarto mo. Hindi ka pa kumakain. Gising ka na ba? Nag-aalala ako sa iyo.”
“A-ayos lang ako, Nanang. Kagigising ko lang po.”
“Sigurado ka ba? Gusto mo bang pumasok ako riyan?”
Agad akong napatingin sa buong katawan ko na punong-puno ng mga pasa. Ang ilan ay nangingitim na. May ilang paso rin dahil sa upos ng sigarilyo. At ilang latay ng belt.
“H-hindi na, Nanang. Baba rin ho ako.”
“O, sige. Bumaba ka na agad. Ipaghahanda kita ng makakain.”
Hindi na ako sumagot pa. Hindi ko alam kung umalis na ba si Nanang Lupe. Bumalik ako sa ti-na-type kong mensahe.
Ako:
Siyan, are you busy? Kailangan ko nang tumulong mo, please. Kailangan kong makatakas sa mala-demonyong mansiyon na ito. Ayaw ko na.I-send ko na iyon agad. Biglang kong naalala si Tito Fred kaya muli akong nagtipa.
Ako:
Huwag mo munang sasabihin kay Tito Fred. Pakiusap. ‘Tsaka ko na i-ku-kwento sa iyo ang lahat.Inayos ko ang sarili ko muna ang sarili ko bago nag-impake ng ilang mga damit. Dumaan muna ako sa kuwarto ng mga bata para i-impake rin ang ilan nilang mga damit.
Nang maayos ko na ang lahat ay bigla akong napasigaw dahil sa pagsulpot ni Nanang Lupe. Nasa kuwarto kasi ako ni Ren at palabas na sana.
“Nanang?” Mahigpit kong hinawakan ang dalawanng duffle bag kung saan nakalagay ang mga damit nila Ren.
“Clari, magsabi ka nga sa akin ng totoo. Ano ang tunay na nangyayari sa pagitan niyong mag-asawa?”
Umiling-iling ako pagkatapos niyon ay siya namang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata.
“Hindi ko na kaya, Nanang. Ayaw ko na. Please, tulungan niyo ako.”
“Clari? Clari?” Malakas na sigaw ni Siyan.
BINABASA MO ANG
WS: Like a Promise
Ficción GeneralLike a Promise WIFE SERIES COLLABORATION Genre: General Fiction Status: COMPLETE A collaboration under PaperInk Imprints Marriage isn't the end of happily ever after. It will always be the beginning of a new chapter in your life. That's why, never b...