Chapter 6

3.8K 63 0
                                    

Chapter 6

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 6

Binanggit ng mga bata na gusto nilang sumakay sa ferris wheel kaya bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa Enchanted Kingdom na nasa Santa Rosa, Laguna. Ang kilalang theme park na kadalasang pinapasyalan ng mga magkakaibigang kabataan at ng buong pamilya.

“Thank you, mama, papa. I enjoyed it a lot.” Zai said joyously. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kamay ko at itinaas niya ang mga braso niya. “Hug, mama.”

Agad naman akong lumuhod para magpantay kami ng anak ko. She immediately took me into her arms. Sinuklian ko rin ng isang mahigpit na yakap at isang matamis na halik sa kaniyang pisngi.

“Papa and I will never get tired of giving everything just to see your happiness, my children.”

“Ako rin, mama. Hug.” Pagkasabi ni Ren niyon ay agad din siyang nakiyakap. Sumama na rin si Jairon. Katulad ko ay lumuhod din siya.

Ilang minuto ang itinagal niyon bago nagreklamo si Zai na hindi na siya makahinga. Tinawanan lang namin siya pero agad din naman kaming kumalas sa pagkakayakap sa isa’t isa.

Naging tahimik naman ang biyahe pauwi dahil nakatulog ang mga bata sa likod. Nakahiga sa hita ni Ren si Zai. Yakap-yakap nito ang paboritong teddy bear na pinangalanan niyang Iya na galing sa pangalan niya.

Regalo iyon sa kaniya ni Ren. At simula ng ibinigay iyon sa kaniya ng kapatid ay hindi na siya makakatulog hangga’t hindi niya kayakap si Iya.

Sa isang hotdog na unan naman nakasandal ang ulo ni Ren.

“Life of a kid is really simple. Hindi ba, hon?” Tanong ko sa asawa ko habang ang paningin ko ay nasa mga anak namin.

“Yeah, you’re right, hon.”

“They are growing up too fast, hon. Ayaw ko pang mag-dalaga at mag-binata sila.”

“Hon, you can't stop the inevitable, hon. Katulad natin, balang araw ay magkakaroon din sila ng kaniya-kaniyang pamilya. But, we can still spend so much time with them, hon. Kaya huwag mo munang isipin ang iba pang pwedeng mangyari sa future.”

Bumaling ako ng tingin sa asawa. Seryoso itong nagmamaneho. Ang kaniyang mga mata ay nasa daan nakatingin.

Sumulyap siya sa akin. “If the kids find their own family, someday. Hindi ka pa rin mag-iisa, hon. You still have me. We will forever be each other’s home and rest. I love you, wife.” Habang sinasabi niya iyon ay pasulyap-sulyap siya sa daan dahil nga nagmamaneho siya.

He took my right hand that was on my thigh. He brought it close to his lips and planted a small kiss on it.

“I love you so so much, hon. Please, do remember that you are my everything, my world, my universe, my life, and my love.”

Napapangiti na lamang ako sa matatamis na salitang lumalabas sa bibig ng asawa ko. Pero alam ko rin namang totoo ang kaniyang mga sinasabi.

He really knows how to win my heart. “I know all that, hon. Since the very beginning of our lovestory. I love you, hon. Thank you so much for fulfilling your vows.”

WS: Like a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon