Chapter 9
As I open my eyes, I felt a pain in my head. Mahina akong napaungol at hinawakan ko iyon.
Ilang minuto kong dinama ang sakit bago nagdesisyon na tumayo at magtungo sa banyo. Pero agad na napatigil ang paglakad ko patungo sa banyo nang ma-realize ang isang bagay.
Paano ako nakauwi ng bahay?
Ang huli ko kasing naaalala ay pagkatapos kong sumayaw muli akong bumalik sa bar counter para umorder ulit ng iinumin kong alak.
I was so confused when the door of the master’s bedroom opened. Iniluwa niyon si Jairon. May hawak itong tray na may lamang pagkain.
Biglang kumulo ang dugo ko. “Ang kapal naman ng mukha mong magpakita ngayon sa akin.”
Ngumiti si Jairon. “Hon, you should be thankful to me. Nakauwi ka ng safe kagabi dahil sa akin.”
Nagtagis ang aking bagang. “Gago!” Malakas na sigaw ko. Walang pakialam kung marinig man nila Nanang Lupe.
“Kung sa tingin mo ay mapapatawad kita dahil lang sa ginawa mong iyon. Tanga ka kung ganoon.”
Inilapag ni Jairon ang hawak niya sa side table. “Hon, look, I’m sorry, okay? Nagkamali ako. Alam ko iyon pero dapat nga ay matuwa ka pa dahil hindi ko naman ibinabahay si Laica. Tawag lang iyon ng kalibugan. Ikaw pa rin ang mahal ko. Ang asawa ko.”
Mas lalong nanggalaiti ang buong pagkatao ko dahil sa nakakagagong dahilan niya.
“Lahat naman ng lalaki ay dumadating sa punto ng buhay nila na maghahanap ng ibang klase ng putahe na ihahain sa kanila. Pero hindi ibig sabihin niyon ay mas nakakalamang na ang babaeng iyon sa mga asawa nila.”
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga braso ko. “You are my everything, hon. My life. My sunshine. I’m sorry. I won’t do it again. I will now behave.”
Nagngitngit ang kaloob-looban ko. I was biting my lower lip because I don’t want to shred any tears. This man doesn’t deserve my everything. “Sa tingin mo ba ay ganoon ganoon na lang iyon? You b–broke my trust. A–and you b–broke me into pieces.” Pero hindi ko napigilan ang sariling hindi umiyak.
My voice broke in the middle of telling what I feel right now. “I thought I was more than enough. That I was so lucky that my husband loves me so much. Pero kasinungalingan lang pala ang paniniwala kong iyon.”
“You are no saints, I know that. But it doesn’t mean that you should cheat on me.”
Humagulgol ako. Itinakip ko ang aking mga palad sa aking mukha. “M-minahal kita. I-ibinigay ko a-ang lahat. H-hinayaan kitang m-magdesisyon para sa p-pamilya natin.” Saad ko sa gitna ng aking paghagulgol.
Ipinaloob ako ni Jairon sa kaniyang mga bisig. “I’m sorry, hon. I’m so sorry. Please, forgive me. I promise, I won’t do it again. I’m really sorry.”
BINABASA MO ANG
WS: Like a Promise
General FictionLike a Promise WIFE SERIES COLLABORATION Genre: General Fiction Status: COMPLETE A collaboration under PaperInk Imprints Marriage isn't the end of happily ever after. It will always be the beginning of a new chapter in your life. That's why, never b...