Chapter 7
WARNING: BAD WORDS AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK.
Nagising akong masakit ang buong katawan. Hindi ko na naman namulatan ang asawa. I hoped that maybe he was just taking a shower but I didn't see Jairon in our bathroom.
Marahas na lamang akong bumuntong-hininga. Inayos ang aming higaan pati na rin ang sarili ko. Then, I decided to go to the kitchen.
Balak kong magluto na lang at surpresahin sa kaniyang opisina si Jairon.
“Gising ka na pala, Clari. Kaaalis lang ni Ren kasama niya si Ana. Si Zai naman ay nasa movie room kasama si Patty at Sheena. Hindi na muna kita pinagising kanina habang pinag-aalmusal ko ang mga bata. Alam ko kasing napuyat ka na naman kagabi.”
“Anong oras na po ba, Nanang?”
Tumingin si Nanang Lupe sa kaniyang pulsuhan para sipatin ang oras sa kaniyang relos. “Alas-diyes y medya na, Clari. Kumain ka na ng almusal.”
Tinungo ni Nanang Lupe ang lamesa kung saan may nakalagay na pantakip. Tinanggal niya iyon at bumungad sa akin ang isang plato na may lamang hotdog at itlog pati na rin sinangag.
“Sige po, Nanang. Nagugutom na rin po ako, eh.” Hindi na ako nakipag-debate pa kay Nanang Lupe dahil alam kong hindi rin naman niya ako titigilan hangga’t hindi ako nag-aagahan.
Umupo ako na ako at sinimulan nang kainin ang inihain sa akin. Sa kalagitnaan ng pagnguya ko ay siya namang pagsasalita ni Nanang Lupe.
“Nagkausap na ba kayong mag-asawa, Clari?”
Umiling ako. Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago sinagot ang tanong ni Nanang Lupe. “Hindi pa rin po, Nanang. Kaya balak ko sanang dalhan ng tanghalian si Jairon sa opisina niya ngayon. Baka-sakaling makausap ko na siya ngayon, ‘Nang.”
Muli kong isinubo ang kutsarang may laman ng pagkain. Mabilis kong inubos iyon habang si Nanang Lupe naman ay tahimik akong pinagmamasdan.
After I ate my breakfast, I went to the movie room where Zia is. Naging dahan-dahan lang ang pagbukas ko sa pinto para hindi ko maistorbo kung anuman ang ginagawa niya sa loob.
Tahimik itong nakaupo sa kaniyang paboritong upuan. May popcorn sa kaniyang harap at iyon ang kaniyang kinakain habang seryosong nakatutok ang kaniyang paningin sa palabas. It was a princess movie. Her favorite of all the movies she have watched.
Tungkol kasi iyon sa isang reyna na may kapangyarihan at ang kapatid naman nito ay wala.
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko bago sinara ang pinto at umalis sa movie room.
“Nanang, balak ko sanang menudo ang ulam na lulutuin ko na dadalhin ko sa asawa.” Saad ko nang makabalik na ulit sa kusina.
“O siya sige. Ihahanda ko lang ang mga rekados pati na rin ang paglulutuan mo.” Tumingin si Nanang Lupe kay Thea na may hawak pang pampunas. “Tulungan mo muna akong magbalat, apo para mapabilis ang trabaho.”
BINABASA MO ANG
WS: Like a Promise
Ficción GeneralLike a Promise WIFE SERIES COLLABORATION Genre: General Fiction Status: COMPLETE A collaboration under PaperInk Imprints Marriage isn't the end of happily ever after. It will always be the beginning of a new chapter in your life. That's why, never b...