Chapter 19

5.4K 68 7
                                    

Chapter 19

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 19

WARNING: BAD WORDS AND SOME SENSITIVE TOPICS AHEAD. IT IS NOT SUITABLE FOR YOUNGER AUDIENCES. PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK. 17 AND YOUNGER IS NOT ADVISABLE TO READ THIS.

Nauna muna si Ren at Trevin sa ospital. Kinailangan ko muna kasing tawagan sila Aling Nenita para bantayan si Zai dahil hindi ko siya maiwanan.

Habang nakaupo kasi ito sa may couch ay patuloy pa rin ang pag-iyak nito at pagtawag sa kapatid. Kaya naman imbes na kumalma ako ay natataranta na rin ako.

Mabuti na lang at malapit na rin sila Aling Nenita.

Sinunod ko namang tinawagan ay si Tito Fred. Ipinaalam ko sa kaniya ang buong nangyari. Hindi ko na hinintay pa ang reaksiyon ni Tito Fred dahil gusto ko nang puntahan si Ren.

Lumuhod ako sa harap ni Zai. “Zai, sweetheart, iiwan muna kita kila Aling Nenita. Hindi kasi kita pwedeng isama sa ospital.” Wika ko.

“M-mama, si Kuya. H-hindi naman n-niya tayo i-iwan ‘di ba?”

Hinaplos ko ang kaniyang  kanang pisngi. “He’ll be fine, sweetheart. Hindi tayo iiwan ni Kuya. Mahal niya tayo.”

Hinalikan ko ang noo ni Zai bago siya inihabilin kay Aling Nenita.

Nang makarating naman ako sa ospital ay dumiretso ako sa emergency room. Pero wala na roon si Ren. Nasa isang room na siya kaya naman tinanong ko ang room number ng anak ko.

“Ren, anak?” Naabutan ko si Ren na nakahiga sa hospital bed. Agad ko siyang nilapitan at maingat na niyakap. Wala namang nakatusok sa kaniya.

“Sweetheart. My baby.” Hinalikan ko ng marahan ang kaniyang noo.

“Clari, pwede naman na raw umuwi si Ren. But I want to make sure that he’s okay. Kaya naman pina-admit ko siya.” Salubong na saad sa akin ni Trevin.

Hindi ko siya agad napansin dahil kay Ren nakalaan ang isipan ko.

“Mama, okay lang ako. You don’t need to worry. Where is Zai?”

“Naiwan siya sa bahay. Kasama niya sila Aling Nenita.”

Katahimikan ang bumalot sa buong paligid pagkatapos kong magsalita. Sa buong minutong lumipas ay nakayakap lang ako sa anak ko.

Humuhugot din ako ng lakas para magsalita at sabihin ang buong katotohanan kay Ren. Ang balak ko kasing pagsasabi ng totoo sa kanila matapos makalipas ng ilang araw ng birthday ni Zai ay naudlot.

Sa tuwing sisimulan ko kasi ay nauumid ang dila ko.

“Mama, I’m sorry. Wala akong nagana noong binababoy ka lang ni Papa pati na rin ng mga kaibigan niya. I wanted to save you. I wanted to run to your side. But I can’t. I was too scared that time. I was too weak.”

Nanlamig ang buong kalamnan ko dahil sa narinig. Para akong nahuli sa isang kasalanan at hindi ko na maaari pang matakasan.

“Hindi kita naprotektahan, mama. That’s why when I saw him, I wanted to run to him. Not because I miss him. But because I wanted to kill him for you, mama.”

WS: Like a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon