Chapter 12

5.3K 75 11
                                    

Chapter 12

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 12

Nakatayo ako sa harapan ng puntod ni mommy. Sa kanang gawi naman niya ay ang puntod ni daddy. Nandito ako ngayon sa museleo nila.

Habang nakatingin sa puntod ni mommy ay tahimik lang akong lumuluha. Padilim na pero hindi ko pa rin magawang maihakbang ang mga paa ko para umalis.

“Sana nandito na lang kayo, mommy, daddy.” Saad ko habang susinghot-singhot. Patuloy pa ring umaagos sa aking pisngi ang masasaganang luha na nanggagaling sa aking mga mata.

“I need the warmth of your embrace. I feel so alone and lonely. I feel so helpless.” I wipe my own tears.

“Kung nandito lang sana kayo, mommy, daddy. Hindi ko na kailangan na pahirapan ang sarili ko. Tatakbo lang ako sa tabi niyo. Sigurado akong mauunawaan niyo na agad kung ano ang nangyayari sa akin.”

Isang malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa balat ko. Para bang niyayakap ako niyon. Hindi ko napigilan ang sariling humagulgol at paulit-ulit na tinawag sila mommy.

Niyakap ko ang sarili ko habang dinarama ang malamig na simoy ng hangin.

Hindi ko alam kung anong oras na nang tuluyan akong magpaalam sa mga magulang ko at umalis sa sementeryo.

Habang nakasakay sa taxi ay taimtim akong nagdarasal na sana ay maayos na ang maging pakitutungo ng asawa kapag umuwi ito.

Kinuha ko ang phone ko para sana i-text si Tito Fred pero nakapag-send na pala siya sa akin ng mensahe kanina pa. He send that message at exactly 5:00 PM.

Tito Fred:
Clari, ipapahatid ko na lang bukas kay Siyan sila Ren. If ever you have a problem. Please, anak, don’t hesitate to tell me. You are my brother’s daughter and I promise to him that I will always going to protect you. I love you, anak. Take care on your way home.

Umukit sa aking mga labi ang isang maiksing ngiti.

Hindi ko pa kayang sabihin kay Tito Fred ang nangyayari sa akin. Natatakot ako. Hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ni Tito Fred. Kaya sasarilinin ko na lang muna ang lahat.

Hahayaan ko ang sariling maubos hangggang sa tuluyan na akong sumabog.

Nag-type ako ng mensahe kay Tito Fred.

Ako:
Salamat, Tito Fred. Don’t worry too much about me. Okay lang ako. I love you, Tito. Please, do remember that you are the best uncle in the whole wide world. I am thankful because I have you.

Itinatago ko na ang phone ko nang tumigil naman ang taxi na sinakyan ko sa gate ng mansiyon. Hindi ko na sinilip sa metro kung magkano ang babayaran ko.

Kumuha ako ng dalawang libong piso sa wallet ko at agad na ibinigay iyon sa driver. Nakita ko naman ang pag-aalinlangan ni Manong. “Sige na po. Kunin niyo na. Salamat po sa safe na paghatid. Ingat kayo, Manong.”

WS: Like a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon