Chapter 16

5.2K 62 0
                                    

Chapter 16

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 16

Quincie didn't really stay long, but she made the most of it. She stays long in the water and swims like there is no tomorrow. She had been sunbathing to really tan her skin, and she had made progress in that regard.

“Do you really have to leave that early, Sey? Why don’t you stay here for another two days?” I said it in a convincing tone.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at malungkot na nagsalita. “I want too, but you know that someone has been bombarding me with calls, right? Hindi ko lang sinasagot dahil i-ni-enjoy ko ang maiksing bakasyon ko.”

“Siya, sige na nga. Hindi na kita pipilitin. Basta, mag-ingat ka sa flight mo. Ayaw mo naman kasing magpasundo gamit ang family chopper namin.”

“I will be fine, Clari. Huwag mo na akong alalahanin. Besides, okay rin naman sumakay sa airplane. Makikita ko pa rin naman ang mga ulap.”

Binitiwan ni Quincie ang mga kamay ko para bigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Sinuklian ko rin iyon ng isa ring mahigpit na yakap. “Ingat kayo rito ng mga bata. You can stay here as long as you want. I promise that Jairon will not find you.”

Pinikit ko ang mga mata ko bago nagsalita. “Thank you, Sey. You really are the best. Sobrang swerte ko dahil ikaw ang matalik kong kaibigan at itinuturing na kapatid.”

“That’s nothing, Clari. Basta ikaw.”

Nagpaalam na rin ang mga bata kay Quincie at tuluyan na nga siyang umalis.

Naging tahimik ulit ang buong kabahayan. Babalik na ulit ngayon si Teacher Elya dahil dalawang araw ko siyang hindi pinapunta rito para masulit ng mga bata ang pagbisita ni Quincie.

Nakita ko naman na nag-enjoy sina Ren na kasama si Quincie. Naglaro sila ng habulan habang nasa may dalampasigan. Gumawa rin sila ng sand castle.

“Sunshines, what do you want to eat for breakfast?” Hindi na kasi kumain ng agahan si Quincie kaya hindi pa ako nakakapagluto.

Mag-aalas siyete pa lang naman ng umaga. Pagpatak ng alas otso y medya ay darating sila Aling Nenita para silipin kaming mag-iina at maglinis na rin.

Hindi naman gaanong madumi ang kabahayan dahil naglilinis din naman ako kapag wala akong ginagawa.

“I want pancakes, mama.” Saad ni Zai.

Hinintay ko naman ang sagot ni Ren pero nakatutok ito sa screen ng television. Noong isang araw lang nagkaroon ng television dahil sa pag-aalburoto ni Quincie. Kaya agad kong kinontak ang pinsan para magpadala ng television.

“Ren? How about you?”

Agad na lumingon sa gawi ko si Ren. “Oh, sorry, mama. I’m busy watching. Pancakes, too.” Sambit niya at muling ibinalik ang paningin sa panonood.

Isang educational program ang palabas na pinapanood nila. Hindi ko alam kung nagrereklamo ba si Zai sa gustong panoorin ng kaniyang kapatid o nakikinood na lang siya dahil wala siyang choice.

Hinayaan ko na lang muna sila dahil hindi ko pa naman naririnig na nag-aaway sila dahil sa palabas. Pumunta na lang ako sa kusina para mag-luto ng pancakes.

Nang matapos akong magluto ay siya namang pagtunog ng doorbell. Ang inaasahan ko ay sina Aling Nenita kaya naman agad akong nagtungo sa pinto.

“Aling—” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko sana dahil ibang tao ang nasa harapan ko ngayon.

“Hi! Good morning!” Masayang bati nito.

Nangunot ang noo ko. Ngayon na lang kasi siya ulit nagpakita. Akala ko nga ay natigilan na ang kakulitan niya.

“Oh, anong ginagawa mo rito? I thought you already left.”

“Hala siya. Namiss mo ako noh? Don’t worry, I didn’t left. May inasikaso lang ako patungkol sa business ko.”

‘Naknang, ang hangin talaga ng gunggong.

“Excuse me? Ikaw namiss ko? Bakit naman kita mamimiss? Hello, I am already married.”

“Talaga ba? Akala ko pa naman ay divorce na kayo. Wala ka na kasing singsing diyan sa daliri mo.”

Agad akong napalingon sa mga daliri ko. Tama nga siya, wala na ang wedding ring na lagi kong suot noon. Naalala kong itinapon ko nga pala iyon sa dagat.

“We’re not divorced yet, but we’re getting there. Pero hindi ibig sabihin niyon na mag-aasawa ulit ako. Diyan ka na nga. Aasikasuhin ko pa ang mga anak ko. Bye!”

Hindi ko na hinintay pa ang ibang sasabihin niya. Agad ko na siyang pinagsarhan ng pinto.

Agad ko na ring inasikaso ang mga anak ko. Pinakain ko muna sila bago ko pinaliguan si Zai. Hindi ko naman kailangan pang paliguan si Ren dahil marunong naman na siyang maligo mag-isa. Pero inaalalayan ko pa rin naman siya at baka madulas.

At habang nasa may tabi ako ni Ren habang naliligo siya ay nakita ko ang kuryusidad sa kaniyang mga mata. Para bang may gusto siyang itanong sa akin pero natatakot lang siyang magsalita.

Hinayaan ko na lang muna dahil alam ko namang magsasabi rin siya sa akin kapag nagkaroon na siya ng lakas ng loob.

Kung minsan nga ay gusto ko na ring ipaalam sa mga anak ko ang buong katotohanan pero natatakot pa rin akong makita silang nasasaktan.

Hindi ko kayang makita na kinamumuhian nila ang kanilang ama. Baligtarin ko man ang mundo, hindi mabubuo o mabubuhay sa mundong ibabaw ang mga anak ko kung wala si Jairon.

Bumalik kaming mag-iina sa salas pagkaligo nila. Pina-upo ko sa mga hita ko si Zai dahil susuklayin ko ang kaniyang buhok.

At habang sinusuklay ko iyon. Isang tanong ang dahilan kung bakit ako napahinto sa pagsuklay ng buhok ni Zai. “Mama, why papa’s not here? Busy pa rin ba siya sa work niya?”

Tila naumid ang dila ko dahil sa tanong na iyon. Hindi ko alam kung anong kasinungalingan ang sasabihin ko sa bunsong anak ko.

When I was about to speak, Ren butt in. “Nag-eenjoy naman tayo rito, Zai, hindi ba? Maybe, papa’s really busy with his work. Kaya, huwag mo nang kulitin si mama.”

“Pero, Kuya. I was just curious. Kahit tawag hindi ginagawa ni papa.”

“Maybe there is something wrong in his company that needs his attention. Iyon na lang ang isipin mo, Zai.”

“Pero, Kuya…”

“Zai, please. Let us leave it that way. Huwag nating pahirapan si mama. ‘Tsaka nag-usap na tayo, hindi ba? You promise me, Zai.”

Malungkot na yumuko si Zai habang nakanguso. “I’m sorry, Kuya. I just miss papa.”

Banayad kong hinagod ang likod ng aking anak. Malungkot ko siyang tinitigan.

Gusto ko na ring sabihin sa kanilang magkapatid ang buong katotohanan pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula nang hindi nasisira sa paningin nila ang kanilang ama.

“Don’t be sad, Zai. Everything will be alright. Ang importante naman ay mahal na mahal tayo ni mama, hindi ba?” Pang-aalo ni Ren. Lumapit na rin ito sa kapatid.

Lumuhod si Ren para hawakan ang mga kamay ni Zai. Ngumiti ito sa kapatid. Pagkatapos niyon ay niyakap niya si Zai.

Pinanood ko ang madamdaming tagpo na iyon. Dinama ko ang lungkot na nakikita ko sa kanilang mga mata. Alam kong malungkot din si Ren. Hindi niya lang iyon pinapakita sa akin.

Pero ramdam ko talaga na may gusto siyang sabihin sa akin.

“Mahal na mahal ko kayo, mga anak.” Mahina kong bulong at nakiyakap na rin sa kanilang yakapan. May munting luha na tumulo sa aking mga mata. Agad ko naman iyong pinalis.

Balang araw, masasabi ko rin sa mga anak ko ang buong katotohanan. At sana, sa balang araw na iyon ay hindi sila masaktan kapag nalaman nila ang lahat.

WS: Like a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon