Chapter 10

4.6K 70 4
                                    

Chapter 10

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 10

WARNING: PHYSICAL ABUSE AND RAPE CONTENT AHEAD. NOT SUITABLE TO BE READ BY YOUNGER AUDIENCES. READ AT YOUR OWN RISK. R-18.

Taimtim akong nananalangin sa taas. Humihingi ng gabay. Nagpunta ako sa chapel na nandito lang din sa loob ng subdivision.

Limang bahay muna ang nadaanan ko bago makarating sa chapel.

I wasn’t really a religious person. But in times of trouble, I always go to Him. He is a listener. He is truly the way and light.

Nang matapos na akong magdasal ay agad na rin akong umalis sa chapel at bumalik sa mansiyon.

Nabungaran ko sa pagpasok ko sa loob si Zai na naglalaro ng kaniyang Ipad. Katabi niya si Sheena na tahimik namang pinapanood ang ginagawa ng aking anak.

“Hi, sunshine! What are you doing?”

Lumakad ako papunta sa kinaroroonan ni Zai. Pinagitnaan namin siya ni Sheena. Pero agad na tumayo si Sheena nang maupo ako sa tabi ng anak.

“Iwan ko po muna kayo, ate. Titignan ko po muna sila lola kung nakaluto na.”

Tumango lang ako bilang tugon. Umalis na siya pagkatapos niyon.

Binalingan ko si Zai na hindi pa rin maalis ang paningin sa kaniyang Ipad. Imbes na guluhin siya ay pinagkaabalahan ko ang kaniyang buhok.

Gamit ang aking mga daliri sa mga kamay ay marahan kong sinuklay ang kaniyang buhok. Habang ginagawa ko iyon ay dinadampian ko rin siya ng mumunting halik sa tuktok ng kaniyang ulo.

“I love you so much, my sweet.” I whispered. I tell it to her many times.

“Mama, are you okay?” Biglang pagsasalita ni Zai na siyang nagpatigil sa akin sa ginagawa ko.

Natahimik ko sa tanong anak. Dahil hindi naman talaga ako maayos. Wala akong ganang kumilos pero kailangan kong ipakita sa mga anak na maayos lang ako.

That I was fine and everything is fine. I don't want them to worry about me. I know my two children are smart so I am very thankful that they are not so inquisitive.

“Mama’s fine, my love. Masaya ako lalo na kapag kasama ko kayong dalawa ni Kuya. At kapag nakikita ko ang mga ngiti niyong kaytatamis. You don’t have to worry about mama, sweetie.”

“I love you, mama. So so much.” Matapos niyang sambitin iyon ay tumayos siya at ipinulupot niya ang kaniyang mumunting mga braso sa aking leeg.

Pinugpog niya rin ako ng mga halik sa aking buong mukha. Napabungisngis na lang ako sa kaniyang ginawa. Ginawaran ko rin siya ng halik sa pisngi na may kasamang pagtunog.

Nagtawanan kaming mag-ina dahil doon. Ilang minuto kaming nagkulitan bago iyon naputol dahil naman sa pagdating ni Ren.

Nabaling ang atensiyon ni Zai sa dalang pasalubong na donut ng kaniyang kuya.

WS: Like a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon