Epilogue
Ang tanging hinihiling ko lang noon ay simple at mapayapang buhay. Kasama ang mga taong minamahal ko.
Nang mamatay ang mga magulang ko, akala ko katapusan na rin ng mundo ko. Pero tinulungan ako ng mga tao sa paligid ko na hindi dapat sa pagkamatay nila magwawakas din ang buhay ko.
Nang dumating naman ang anak kong panganay na si Zoiren Cailo sa buhay ko. Pakiramdam ko ay nanalo ako sa lotto. Mas matimbang ang kasiyahang nadama ko kaysa noong maka-graduate ako ng kolehiyo.
Gayundin ang kasiyahan ko nang dumating din sa aking mundo ang bunsong anak kong si Zairen Caila.
Like a promise, I got broken into pieces. It is really true that promises are made to be broken.
But even when I got broken, I managed to pick up all the pieces of my being because of my children and the people I tend to love and keep. They are the very reason why I choose to fight and stand up bravely.
Panahon ang makapagsasabi kung tuluyan na nga bang naghilom ang iniwang masakit na alaala ng kahapon. Kaya sangayon ay hahayaan ko muna ang lahat ng sugat at pilat na naiwan.
Hahayaan ko muna ang sarili kong masaktan para tuluyang makalaya sa nakaraan. At para sa oras na balikan ko ay wala na iyong sakit. Pati na rin ang namuong galit at pagkamuhi.
“Mama, are you really sure about this? Okay lang naman po sa akin kung hindi ko na kausapin si Papa.” Tanong ni Zai. Nakatingala siya sa akin.
Magkatabi kasi kaming nakaupo sa likod ng sasakyan na minamaneho ni Siyan. Si Siyan ang maghahatid sa amin sa kulungan kung nasaan si Jairon.
Inayos ko ang kaniyang buhok. “Darling, he is still your father. I know that you miss him and wanted to see him. Alam kong sa kaibuturan ng puso mo ay hinihiling mo pa rin na sana ay mayakap mo siya bago man tayo pumunta sa Australia.”
“Pero alam kong masasaktan ka, Mama—” Inilapat ko ang hintuturo ko sa kaniyang bibig.
“Shh, baby. Don’t worry about me. Ayos lang sa akin na makita mo siya.”
Yumakap sa akin si Zai kaya naman niyakap ko rin siya pabalik.
Nang makarating kami sa kung saan nakakulong si Jairon ay hinayaan ko silang mag-usap na mag-ama. Umupo kami ni Siyan sa may kalayuang distansiya.
Nakita ko ang paghagulgol ni Jairon at paulit-ulit nitong paghingi ng tawad sa anak. Sinabi niya ring mahal na mahal niya si Zai.
Nakagawa man ng malaking kasalanan si Jairon ngunit hindi ko maitatangging naging mabuti at huwaran siyang ama sa mga bata.
He was the best father that my children could ever have.
Nang matapos silang magkapag-usap ay lumapit ako para kausapin na rin si Jairon.
BINABASA MO ANG
WS: Like a Promise
General FictionLike a Promise WIFE SERIES COLLABORATION Genre: General Fiction Status: COMPLETE A collaboration under PaperInk Imprints Marriage isn't the end of happily ever after. It will always be the beginning of a new chapter in your life. That's why, never b...