Chapter 17

5.1K 61 0
                                    

Chapter 17

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 17

Lumipas man ng anim na taon ang panahon ngunit ang mga sugat ay hindi pa tuluyang naghihilom. Nasa proseso pa rin ako ng buhay ko na nagnanais ng isang tunay na kalayaan at kasiyahan.

Hindi ko pa rin maiwasang hindi matakot sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang nakaraan. Ngunit nakatulong naman sa akin ang doktor na may kaugnayan sa psychology. Kada buwan ay bumibisita siya sa resort kasama ni Siyan.

Bumisita na rin sa amin si Tito Fred dahil hindi na napigilan ni Siyan ang sarili niya noong magwala sa opisina si Jairon at hinahanap kami.

“I’m sorry, Tito Fred. Hindi ko gustong mag-alala ka sa akin kaya pinakiusapan ko si Siyan na itago muna sa inyo ang nangyari sa akin.”

“Clari, pamangkin kita. Anak ka ng kapatid ko. Kaya talagang mag-aalala ako sa iyo. Nangako ako sa kapatid kong hindi kita pababayaan.”

“Tito, hindi mo naman ako pinabayaan, eh. At isa pa ay nandiyan naman si Siyan. Hindi niya rin ako pinabayaan.”

“Mangako ka sa akin, Clari. Kapag may nangyari ulit. Ako ang una mong tatawagan. Naiintindihan mo ba?”

Tumango na lamang ako para matapos na ang usapan namin.

Ipinulupot ni Tito Fred sa akin ang kaniyang mga bisig. “Mahal na mahal kita, Clari. Handa kong isakripisyo ang buhay ko para sa iyo. Kung ang kamatayan ko ang magiging kapalit para maligtas ka. Gagawin ko.”

“Tito naman eh. Huwag kang magsalita ng ganiyan. Kailangan pa kita. Pati na rin nila Siyan at ng mga apo niyo.”

“Alam ko.”

Sa anim na taon ding iyon ay tuluyan kaming naging magkaibigan ni Trevin. Walang mintis kasi tuwing umaga ang naging pangungulit niya. Kaya naman hinayaan ko siyang pumasok sa buhay naming mag-iina.

Pinapasok ko na rin sa malapit na eskwelahan ang mga bata makalipas ang isang taon naming pananatili sa resort. Si Trevin ang naging taga hatid-sundo nila kaya naman hindi rin naiwasang hindi mapapalapit ang loob nila sa binata.

Mas naging malapit ang loob ni Ren kay Trevin. Si Zai kasi ay hindi gaanong nakikisalamuha sa binata. Napansin ko nga rin na tila may pagkakapareha si Ren at Trevin.

Sa kung paano sila kumilos katulad ng paraan ng paghihiwalay nila ng sibuayas at bawang sa kinakain nila. Kung paano nila madalas na hawiin ang hindi kahabaang bangs nila.

Hindi ko alam kung naggagayahan lang ba ang dalawa o sadyang coincidence lang talaga iyon. Kaya naman hindi ko na lang pinansin.

Hindi ko na lang iyon binigyan ng kahulugan.

“Happy birthday, amore.”

Lumapit ako kay Zai na tumigil sa kaniyang paghakbang dahil narating na niya ang huling palapag ng hagdan.

“You are so heavy na, anak ko. Hindi na kita kayang buhatin.” Sambit ko. Hindi ko na lang siya binuhat dahil baka ma-out balance pa ako at maaksidente pa kaming dalawa.

Zairen Caila is now 12 years old, and today is her birthday. Time flies really fast. I thought that I could stop her from becoming a teenager, but growing up is really inevitable.

“Hindi na kasi ako bata, mama. I am almost a teen. Just like, Kuya. And thank you for the birthday greetings, mama. I love you still.”

“Aww, I love you too, my love. You will always be my little sweetheart even if you grew older. But, please, promise me that you won't have a boyfriend first. Okay?”

My daughter crossed her arms. “Mama naman. Ang iba ko ngang ka-age may mga boyfriend na. Bakit hindi pa ako pwede?”

“Zairen Caila.” Banggit ko nang buo sa pangalan niya.

Namuo naman ang mapang-asar na ngiti sa mga labi ni Zai. “Chill. Mama. I may not be a kid anymore, but my age is still too young to have a boyfriend. And as long as my dearest Kuya doesn’t have his own love life. Hindi ako mag-bo-boyfriend. Promise.”

Pinanggigilan ko na lang ang pisngi ng anak ko at bahagyang ginulo ang mahaba niyang buhok. “Siguraduhin mo lang, Zai dahil ipapakatay ko sa Kuya mo ang magiging boyfriend mo.”

Ipinagluto ko si Zai ng kaniyang mga paborito katulad ng kaldereta, shanghai, lasagna, at imbes na lechon ay pork belly na lang ginawa ko.

Nakita ko naman ang kasiyahan niya habang nakapikit at may hinihiling bago niya hipan ang kandila na nakatusok sa kaniyang birthday cake.

“What did you wish for, Zai?”

“Hmm... I wish that papa is here with us. Celebrating my 12th birthday.”

Nawala ang ngiti sa mga labi ko. “Oh, kumain na tayo. Mukhang nagugutom na ang Tito Trevin niyo, eh.” Pag-iiba ko ng usapan.

“Oo, nagugutom na talaga ako. Gusto ko na nga sanang hipan kanina ang kandila mo, Zai.” Hinawakan pa niya ang tiyan at umaktong nagugutom na talaga.

Tinawanan ko na lang siya. Gayundin sila Zai.

Pero malaki ang pasasalamat ko dahil nakisama si Trevin. I-kwinento ko na rin kasi sa kaniya ang tunay na nangyari sa akin. Ang dahilan kung bakit namin kinailangan na pumunta rito sa Leyte.

Tila naging katuwang ko si Trevin sa nakalipas na anim na taon. Sa tuwing nananaginip ako ng masama ay tinatawagan ko lang siya. Nagiging magaan na ulit ang pakiramdam ko pagkatapos.

Habang kumakain ay tinawagan ko si Tito Fred. Mabuti na lang din at kasama niya sila Siyan.

“Happy birthday, baby angel. Anong gusto mong maging regalo?” Wika ni Tito Fred sa kabilang linya.

“Thank you, grandpops. Pero hindi niyo na po kailangan mag-abala. Celebrating my birthday with all of you is already fine with me. You were all the best gift that I ever have. It’s just that, my birthday is not complete. Wala po si papa, eh.”

Nakita kong nag-iba ang timpla ng mukha ni Tito Fred. Biglang umigting umigting ang panga niya. Pero agad din naman niyang ibinalik ang masaya niyang ekspresyon.

“Don’t worry, sweet angel. Kung makita ko man ang papa mo ay sabihin ko sa kaniyang batiin ka niya. Maybe, he is really busy.”

“I guess so. But I don’t know, grandpops. It’s so weird. We’ve been here for six years and still papa is not visiting us.”

Imbes na pahabain pa ni Tito Fred ang usapan nila patungkol sa ama ay iniba iyon ni Tito Fred. Kinumusta ang kaniyang grades gayundin ang grades ni Ren.

Natapos ang usapan sa muling pagbati nila Tito Fred at pamamaalam.

Lumayo ako ng bahagya sa mga bata bago ko kinausap si Tito Fred. “Clari, how are you? Doktora Fideria told us that you are doing great. And I am so proud of you. You are so strong.”

“Hindi naman ako magiging ganoon kalakas kung wala kayo, Tito. Kayo at ang mga bata ang dahilan kung bakit nagpapatuloy pa rin ako sa buhay. Gustuhin ko mang kitilin ang buhay ko noong mga panahon na nahihirapan ako ay hindi ko magawa. Kaya salamat, Tito. For being my strength and support system.”

“Mahal kita, Clari. Lagi mo iyang tatandaan. O, siya, mag-iingat kayo riyan ng mga bata. Tumawag ka lang kung may kailangan ka. Bibisita kami ulit diyan sa bakasyon.”

“Opo, Tito. Thank you ulit. Ingat din po kayo riyan.”

Ako na ang tumapos nang tawag. Pinatay ko muna ang phone kp bago ko iyon itinago sa bulsa ng pantalon ko at nakisalo sa masayang kuwentuhan ng mga bata.

Masaya ang puso ko dahil kahit papaano ay nagagawa pa ring tumawa at ngumiti ng mga bata. Handa na akong ipaliwanag sa mga bata ang tunay na nangyari. Papalipasin ko lang ang ilang araw pagkatapos ng kaarawan ni Zai bago ko ikwento sa kanila ang buong katotohanan.

WS: Like a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon