"Dear crush,
Kung hindi mo mahanap
ang taong para sa 'yo,
dadaan ulit ako sa harapan mo.
Slow motion pa
para mapansin mo lang ako."──ʚ♡ɞ──
"KAKAPALAN ko na ang mukha ko. Puwede bang taasan mo ang alok mong sahod at kung puwede rin sanang humingi na rin ng advanced payment?"
Kumunot ang noo ni Hanz sa narinig. Sa unang pagkakataon ay may naglakas ng loob na tanungin kung puwedeng taasan ang ino-offer nitong salary lalong-lalo na ang humingi ng advanced payment kahit hindi pa ito nagsisimula sa trabaho.
"Gagalingan ko ang trabaho ko. Pramis!" Rinig niya ang sinseridad at desperasyon ng dalaga.
Kung ibang tao ito, hindi na niya pag-aaksayahan pa ng oras si Mela. Ngunit may kung ano sa kaniya na nagsasabing mabuting tao ang dalaga.
"Kahit weekends magta-trabaho ako!" Dagdag pa ng dalaga. "Kahit wala na rin akong bakasyon except lang sa birthday ng lola at ng mga kapatid ko."
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago sumagot. "Be here tomorrow at seven in the morning. The dress code is semi-formal." Ibinaba niya na ang tawag dahil ipinatawag siya ng Medical Director and CEO.
Kinatok ni Hanz ang pinto ng opisina ni Dr. Armeo Uytingco bago ito binuksan at tuluyang pumasok. His office screams luxury and elegance. The walls are painted in ivory. Behind his spacious office desk made in glass is a large built-in bookshelf filled with medical books, case studies, trophies, and certificates. It is made in black and gold marble. May dalawang cream-coloured, elegant four-seater sofa sa gitna na magkatapat at isang glass coffee table. Underneath is a white carpet with gold prints.
Dr. Uytingco's office is found at the top floor of their North Wing building. The hospital have forty-five floors that does not include their receiving area and waiting area on the ground floor. They also have a separate four-floored parking space aside from their basement parking area. Parang luxury hotels ang mga kuwarto rito at sinisigurado nila na komportable ang bawat pasyenteng ma-admit sa hospital na iyon.
Lahat ng kuwarto para sa mga pasyente ay may private bathroom with hot and cold shower, automatic faucet, and the separate urinating bowl flushes automatically as well. The economy room have one seater sofa, a sofa bed for the companion, and installed with twenty-inched flatscreen television; while their VIP room has more space with a thirty-two inch flatscreen television, a small kitchen, and extra bed for the companion.
Bukod sa man-made park na sumasakop sa ground floor ay may mga kainan rin doon upang hindi na mahirapan pang humanap ng kakainan ang mga empleyado at kasama o bisita ng mga pasyente. May mga kainan rin every three floors at coffee shop. May designated room area rin para sa mga taga-bantay na naninigarilyo.
"Hanz! I'm glad you're here." Ibinaba ni Dr. Uytingco ang binabasa nitong medical report at tumayo upang makipagkamay sa binata. Sinalubong niya ito at naupo sila sa magkatapat na sofa. "Handa ka na bang pumunta sa University Hospital of Santa Monica next week?"
Tumango si Hanz bilang tugon. He is being sent to Santa Monica University Hospital to make sure that Kalixta Uytingco, Dr. Armeo Uytingco's unica hija, is safe habang inaayos nila ang gulong nangyayari sa kanilang Research Institute sa Canada.
Nangangamba kasi ang matandang doktor na nasa panganib ang anak nito lalo na't isang doktor na corrupt ang namumuno sa department kung saan naroon si Kali.
"Yes. And I have found someone to bring with me as an assistant." Sagot ni Hanz. "Siguradong hindi magsusupetsa si Dr. Taberna lalo na't wala siyang makukuhang impormasyon sa sekretaryang dadalhin ko."
BINABASA MO ANG
Melchora (The Modern Filipina Series)
RomanceMelchora Kabayan, fondly known as Mela Raketera, is the family's bread winner. Palibhasa panganay kaya lahat ng pressure ay napunta sa kaniya, at siya na rin ang tumayong magulang para sa dalawang kapatid niya. Wala siyang panahon para sa isang rela...