Mas masayang pakisamahan
ang mga taong
malakas ang saltik
kaysa sa mga taong plastik.──ʚ♡ɞ──
"Taon-taon akong nagpapadala ng panghanda nila sa mga birthdays nila. Hindi niyo ba na-celebrate?"
Nagtinginan ang magkakapatid, wala ni isa sa kanila ang nakakaalam na nagpapadala pala ng pang-birthday celebration si Tita Joy para sa kanila. Ang tanging alam lang nila ay kinukuha ng kanilang mga pinsan ang mga gamit at damit na sana'y para sa kanila.
Mela and her sisters were playing at the gate when an LBC truck parked outside the ancestral house of their aunts. Simula nang naulila sila'y dito na sila nakitira.
Kaagad na nagtago ang magkakapatid sa likod ng poste patungo sa likuran ng ancestral house nang marinig ang boses ng kanilang Tita Estelita, o mas gustong magpatawag ng Tita Starla.
"Teresita! Mikaela! Narito na ang mga imported mula kay Ate Joy!" sigaw niya at mabilis pa sa alas kwatrong nagsitakbuhan ang kanilang mga tiyahin kasunod ang mga pinsan.
Ito ang unang pagkakataon na makakita sila ng tatlong malalaking kahon habang ipinapasok ang mga ito sa loob ng bahay. Nanatiling nakasilip mula sa pintuan ang magkakapatid, pinapanood kung paanong buksan ng kanilang mga tiyahin ang mga balikbayan box at pinaghahatian ang mga nakalagay sa loob.
Mula noong bumalik ang Tita Joy nila sa U.S. ay pinagbawalan sila ng kanilang Tita Starla na pumasok sa ancestral house. Papasok lamang sila sa tuwing maglilinis sila ng bahay at maghahanda sila ng makakain nila.
"Melchora." Narinig nilang banggitin ni Tita Starla ang pangalan niya. Ang malapad na ngiti ni Mela nang masilayan ang magadang bestida ay nawala nang agawin ni Tita Teresita iyon at isinukat kay Rosario. "Mas bagay sa anak ko. Sa kaniya na lang."
Sumimangot ang magkakapatid. Akmang susugod na si Gabbie nang pigilan siya ng mga Ate nito.
"Hayaan mo na, Gabbie. Isang damit lang naman 'yon. Baka may iba pang pinadala si Tita Joy." Nakangiting sambit niya sa kapatid.
Ngunit hindi na nila narinig pa ang pangalan niya, basta na lamang ipinamimigay kina Rosario o Shella Mae ang mga damit pambabae. "Oh, itong pink na palda mukhang bagay kay Rolliana!" Nagniningning ang mga mata ni Tita Mikaela habang ibinibigay iyon kay Tita Starla. "Kaya lang may pangalan na Gabriella."
Napaangat ng ulo si Gabbie at napako ang tingin sa pastel pink pleated skirt na ibinibigay kay Rolliana. "Akin po 'yan!" Hindi na napigilan ni Gabbie ang sarili at tuluyan itong tumakbo kung nasaan sila at pilit inagaw ang pinadala sa kaniya ni Tita Joy.
Ayaw namang bitawan iyon ni Rolliana at dahil sa ginawa nila'y napunit ang mini skirt at parehong napaupo sa sahig ang dalawang bata, kapwa umiiyak. "Napakasalbahe mong bata ka!" galit na galit ang kaniyang Tita Starla. Tumayo ito at pinalo ng ilang ulit si Gabbie.
Kaagad namang tumakbo sina Sef at Mela upang awatin ang kaniyang tiyahin ngunit pinigilan sila ng kanilang Tita Teresita at Tita Mikaela. Umiiyak ang mga ito, nagmamakaawang tigilan na ang pagpalo sa kanilang bunsong kapatid.
Nang gabing iyon ay ikinulong sila sa bodega kung saan sila pinapatulog ng kanilang mga tiyahin. Ni hindi sila pinalabas ng mga ito hanggang umaga na at natulog ang mga ito na kumakalam ang sikmura.
"O-Oo naman, Ate!" pagsisinungaling ng Tita Starla nila. "Taon-taon naming pinaghahandaan ang kaarawan ang mga bata. Hindi lang sila kasama sa mga picture na naipapadala namin noon dahil ayaw nila."
BINABASA MO ANG
Melchora (The Modern Filipina Series)
RomanceMelchora Kabayan, fondly known as Mela Raketera, is the family's bread winner. Palibhasa panganay kaya lahat ng pressure ay napunta sa kaniya, at siya na rin ang tumayong magulang para sa dalawang kapatid niya. Wala siyang panahon para sa isang rela...