ʚ 02 ɞ

51 9 38
                                    

"Huwag kang titikim ng masarap
para hindi ka maghanap.
Huwag mo ring sasarapan
ang pagpapatikim
para hindi ka hanap-hanapin."

──ʚ♡ɞ──

MELA woke up with a massive headache. Hinilot-hilot niya ang kaniyang ulo habang unti-unting pinapaupo ang sarili sa malambot at malawak na kama. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at ganoon na lamang ang pamimilog ng mga ito nang mapagtanto niyang wala siya sa kaniyang sariling silid. At hindi lang iyon, tanging ang manipis na kumot na gawa sa seda lamang ang bumabalot sa hubo't hubad niyang katawan!

Napayakap siya sa kaniyang sarili habang inaalala kung ano ang nangyari nang nagdaang gabi. She remembers a man kissing her neck and a small moan escaped her lips. Napanganga pa siya nang maalalang ikinawit niya ang kaniyang binti sa baywang ng binata!

"Punyeta ka, Melchora!" Halos masampal niya ang sarili. "Isinuko mo ang iyong perlas ng silangan sa lalaking hindi mo kakilala?!" Hindi makapaniwalang bulalas niya sa kaniyang sarili.

She quickly got up from bed, while the silk sheet is still hugging her nakedness, picking her clothes that were neatly placed in a single seater sofa. May isang malaking flat TV na nakatapat sa king sized na kama, maliit na closet malapit sa pintuan, at may pintuan rin sa tabi ng full length window. "In fairness, mukhang hindi cheap ang sumakop sa iyong perlas, Melchora!" Pakunswelo nito sa kaniyang sarili nang mapagtantong nasa isang mamahaling hotel siya.

Madali nitong binihisan ang sarili nang makita ang oras. "Hala! Alas dos na pala!" Banggit nito. May raket siya ngayong alas sais ng hapon sa isang cafeteria malapit sa kanila.

Walang permanenteng trabaho si Mela. Pinakamatagal na ang isang linggo sa kaniya. Simula nang maulila sila, wala na siyang ibang ginawa kundi ang maghanap ng trabahong magbibigay ng pera para sa pang-araw-araw nilang gastos na magkakapatid. Nasubukan na niyang magtrabaho ng isang buwan bilang sales lady noong nineteen years old pa lamang siya ngunit hindi talaga kasya sa isang buwan ang kinikita niya lalo na't kailangan nina Sef at Gabbie ng baon araw-araw.

Kinuha na rin niya ang kaniyang body bag at sinuring mabuti na lahat ng gamit niya'y nasa loob nito. Tumingin ito sa magulong kama. "Kung ano man ang nangyari sa ibabaw mo..." inilapat niya ang kaniyang hintuturo sa kaniyang mga labi at pinanlakihan ng mga mata ang kamang akala mo'y isang batang pinagagalitan niya. "Quiet ka na lang!" Pagtatapos niya sa kaniyang sinabi at tuluyang lumabas ng kuwarto.

──ʚ♡ɞ──

"SO..." tumayo ang dalagang nakauniporme ng pang-Head Nurse. Tumabi ito sa binatang kanina pang nakangisi sa kawalan. Nasa roof top sila ng Orient Pearl Luxury Hospital dito sa Makati City. "Not only that she vomited on you but she also passed out when you're supposed to do the deed?"

Napapailing ang dalaga habang pinapanood ang pagtango ng binatang doktor sa tabi niya habang tatawa-tawa. Matagal na niyang kaibigan ito at alam niyang kahit na sinong babae ang ngitian niya'y siguradong laglag ang suot pang-ibaba.

"She was really cute, Macey!" Natatawang sambit ni Hanz habang inaalala ang lasing na babae kagabi. Ikinuwento nito sa kaniya ang pagkakakilala niya rito — kung paano silang nagkakilala at kung ano ang kinahinatnan nila.

PASARA na ang Hypnos Bar ngunit dahil kakilala niya ang may-ari nito'y maaari siyang manatili hanggang closing hours. Mela was cleaning the counter bar, making sure that the shot glasses are spotless.

Melchora (The Modern Filipina Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon