ʚ 04 ɞ

45 10 69
                                    

"Ang taong
makapal ang mukha,
hindi alam ang
salitang hiya."

──ʚ♡ɞ──

INAYOS ni Mela ang sarili at gumamit pa ng breath freshener upang masiguradong mabango ang hininga nito. "Mabuti na'ng sigurado. Baka sabihin pa ng doktor na ang ganda ko pero 'yong hininga ko puwede nang pumatay ng tao." Sambit nito sa kaniyang sarili.

Inilabas niya ang pocket mirror at nag-practice kung paanong ngiti ang gagawin niya. Natigilan lang siya sa ginagawa nang mapansing pinagtitinginan siya ng mga student nurse at ang iba pa nga'y tatawa-tawa pa. She closed her pocket mirror and waved at them na para bang kasali ito sa Miss Universe. "Wish me luck, guys! May interview ako! Sana maiuwi ko ang korona na walang virus!" Tumawa lang ang karamihan habang nag-thumbs up naman ang mga binata sa kaniya, sign that they are wishing her luck.

Ibinalik na ni Mela ang pocket mirror sa loob ng kaniyang lumang shoulder bag. Simple lang ang get-up niya — t-shirt, rubber shoes, at black leggings. Her long hair is tied up. May mga umuusli pa ngang baby hairs sa noo niya. Tagalinis lang naman ang ina-apply-an niya kaya hindi na siya nag-abala pang mag-ayos. Hindi naman siya nasabihan na doktor pala ang mag-i-interview sa kaniya.

Kumatok ito sa pintuan. "Come in." A man's voice responded.

Pinihit ni Mela ang pinto upang buksan iyon. She let herself in and closed the door behind her. Nakatalikod ang upuan ng doktor sa kaniya. "Good afternoon, ho, doc." Rinig sa boses niya ang sigla. Ipinatong ni Mela ang kaniyang resume sa mesa ng doktor kung saan nakalagay ang desk name plate nito na gawa sa kahoy. "Ako po si Melchora Dimagiba-Kabayan at narito ako para mag-apply as..."

"...my secretary." Pagtatapos ng doktor na nagngangalang Hanziel Montesilva.

"...as your sec—" natigilan si Mela. Muntik na niyang kopyahin ang sinabi ng doktor. "Se-Secretary?" Pag-uulit nito at nanatili pa ring nakatalikod sa kaniya ang doktor. "Ay... hindi ho. Tagalinis po ang ina-apply-an ko at..."

Natigilan siya sa pagsasalita nang unti-unting nag-rotate ang swivel chair ng doktor. Tinitigan niya ang guwapong mukha nito — ang singkit nitong mga mata, ang matangos na ilong, at ang mga labi nitong parang masarap halikan.

Namilog nang husto ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ang kaharap nito. "I-Ikaw 'yong..." mahina ang pagkakasambit niya. She covered herself using her own hands, especially her private parts, dahilan kaya napatawa ang binata sa kaniya. "Kay lakas ng loob mong tumawa! Palibhasa nakuha mo na ang aking..."

Tumayo si Hanz mula sa kinatatayuan niya upang pakalmahin ito. "Miss..."

"Huwag kang lalapit!" Banta ni Mela at dinuro pa ang doktor. Matatalim rin ang mga mata nitong tiningnan siya. "Nakuha mo na ang gusto mo mula sa akin kaya puwede ba? Huwag kang ngumiti na akala mo good boy ka!"

Mas lalong natawa ang binatang doktor sa tinuturan ni Mela. "Look, I think there's a misunderstanding here."

"Naku! Ano'ng misunderstanding-misunderstanding ka d'yan?" Halos humiyaw ito sa inis. "Oh, hindi ba pinagsamantalahan mo ang pagkababae at kalasingan ko noong nakaraang linggo?"

Nalilito siyang tiningnan ni Hanz. "W-What?"

"What-What-in mo mukha mo!" Pabalang na sagot nito. "Huwag kang mag-alala! Hindi naman ako 'yong tipo ng babae na maghahabol dahil lang sa nakuha na ng lalaki ang pagkababae ko!" Paglilitanya nitong si Mela kaya naman napakagat ng ibabang labi si Hanz upang pigilan ang kaniyang pagtawa. "Pero ito lang ang masasabi ko sa 'yo..." she pointed a finger again at Hanz. Pinaningkitan pa niya ito ng mga mata. "Hindi porque isinuko ko ang Bataan ko sa 'yo, eh, kaladkaring babae na ako! Nakuha mo man ang aking perlas ng Silangan, mayroon pa rin akong dignidad at paninindigan dahil ako si Melchora Kabayan!"

Melchora (The Modern Filipina Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon