Masarap mapunta
sa tamang tao.
Kaya puntahan mo na ako!──ʚ♡ɞ──
Message from: Doc Hanz
02:45 AM
Message:
Please go directly to the
University Hospital of
Santa Monica tomorrow.
09:00AM sharp.Napairap siya nang basahing muli ang mensahe. "Two forty-five? Eh 'di sila na ang nag-enjoy!". In-off ni Mela ang kaniyang cellphone para i-save ang natitirang twenty-five percent battery life nito. Nakalimutan kasi nitong mag-charge nang nakaraang gabi.
Ilang beses na niyang binasa ang mensahe na para bang hindi pa klaro sa kaniya kung ano ang nakalagay roon. She let out a deep sigh upon observing the back entrance of the hospital. This is only exclusive for hospital personnel.
Hindi ito ang unang beses niyang pasukin ang hospital na ito ngunit iba ang security system nila nang makaraan silang pumunta dito ni Doc Hanz. Dati-rati ay mga security guards ang nagbabantay sa entrance upang i-check ang mga IDs ng bawat empleyado, ngayon ay may makina nang nakaharang kung saan kailangan nilang i-tap ang kanilang keycards at kusa nang magpapakita ang information mo sa computer ng guard to verify your identity.
Naalala niyang ganito rin sa Orient Pearl Luxury Hospital ngunit imbes na keycard, isang emblem na kasinlaki ng piso ang ibinibigay sa bawat empleyado at nakasabit na ito sa kulay pearl white na retractable lanyard. It gives them access to certain parts of the hospital, depende sa tipo ng access na ibinigay sa kanila ng departamentong kinabibilangan nila.
Maganda rin naman ang hospital amenities dito sa University Hospital of Santa Monica. Mayroon din silang cafeteria ngunit sa ground floor lamang. Napansin niya rin ang mga bagong televisions na naka-install sa mga designated waiting areas, maging ang mga bagong elevators.
Isang linggo kada isang buwan dito naka-duty si Doc Hanz. Napag-alaman niya sa mga nakaka-chismisan niyang nurses na isa siya sa pinakamagaling na Cardiologist sa buong Asia kaya naman in-demand siya at hindi maipagkakailang marami ring nagkakagusto sa kaniya.
Hindi niya kabisado ang arkitektura ng hospital na ito kaya ninenerbyos niyang binabasa ang bawat ward na nakita niya. "Cardiologist si Doc Hanz..." mahinang sambit niya sa kaniyang sarili. "Sa cardio-something ward siya." Dagdag pa niya at napangiti nang makita ang sign kung saan matatagpuan ang Cardiothoracic Ward, patungo sa Building C sa kaniyang kaliwa. Agad siyang pumunta doon dahil ayaw niyang ma-late. Hindi niya napansin ang arrow kung saan naroon ang Cardiology Ward.
Agad siyang pumasok sa elevator nang bumukas ito. Sa third floor matatagpuan ang Cardiothoracic Ward. Malapad ang ngiti niya habang binabaybay ang hallway tungo sa ward na iyon ngunit panay sigaw ng mga nurses at doctor lamang ang naririnig niya.
"OUT OF THE WAY!" Napalingon siya sa kaniyang likuran at halos idikit na niya ang sarili sa pader nang makita ang isang grupo ng nurses na itinatakbo ang isang pasyenteng nasa stretcher. Isang matandang doktor na babae ang nangunguna rito. Matatalim ang tingin ng babaeng doktor, para siyang kinakain ng buhay. May katandaan na ito, siguro'y nasa singkwenta mahigit na; kulay puti na rin ang kaniyang buhok, matangkad, at mukhang halos lahat ay takot rito.
Pinanood niyang maglaho sa hallway ang mga ito when they turned to the left corner. Mukang kritikal ang kondisyon ng pasyente kaya sila nagmamadali. Napakamot ito ng ulo nang makitang kinse minutos na lamang ay kailangan na niyang makapasok sa opisina ni Doc Hanz. Ang problema, hindi niya ito mahanap.
──ʚ♡ɞ──
Nagising mula sa pagkakahimbing si Hanz nang marinig niyang tumunog ang kaniyang office phone. Nakaidlip ito sa kaniyang office desk. Kinusot-kusot niya ang kaniyang mga mata habang sinasagot ito. "This is Doctor Montesilva."
BINABASA MO ANG
Melchora (The Modern Filipina Series)
RomantikMelchora Kabayan, fondly known as Mela Raketera, is the family's bread winner. Palibhasa panganay kaya lahat ng pressure ay napunta sa kaniya, at siya na rin ang tumayong magulang para sa dalawang kapatid niya. Wala siyang panahon para sa isang rela...