Gusto ko sanang ipagsigawan
ang mga salitang
"NAGSESELOS AKO".
Kaso humaharang ang katagang
"HINDI NAMAN TAYO".──ʚ♡ɞ──
Hindi maiwasan ni Mela ang mapansin ang isang pigura sa 'di kalayuan nang pumasok siya sa mataong hospital. Dumaan siya sa East Wing kung saan naroon ang Bubble Tea and Siomai shop, ang paborito niyang tambayan rito. Hindi maipagkakaila ang katangkaran nito at ang kaguwapuhang taglay ngunit ang nakatawag pansin sa kaniya ay ang nagniningning nitong ngiti sa kaniyang mukha.
As she approached, Mela caught a glimpse of Dr. Hanz chatting enthusiastically with an attractive nurse. She was giggling, and it was obvious that he was thoroughly enjoying their conversation. Bakas sa kanilang mga tindig na malapit sila sa isa't isa. Hindi maitatanggi ni Mela ang selos at kawalan nito ng kompyansa sa sarili.
"Nako, hija... huwag kang masyadong umasa ha? Kasi ang mga mayayaman at guwapo, mga magaganda at mayayaman lang din ang gusto."
"Pinaglalaruan ka lang no'n!"
Kaagad na pumasok sa isipan niya ang mga salitang iyon. She shook her head as if those were enough to shake off the negative thoughts. "Umagang-umaga, Melchora. Bawal ang nega vibes!" paalala niya sa kaniyang sarili at nagsimula nang humakbang.
Gayunpaman, napatanong siya sa kaniyang sarili kung ano ang kaniyang lugar sa buhay ng binatang doktor nang makita si Hanz na abala sa pakikipag-usap sa magandang nurse. An overwhelming feeling of insecurity swept over her as she watched the way they communicate. Napaisip siya sa kaniyang kakayahan upang hindi mawala ang interest ni Hanz sa kaniya, nangangamba na hindi siya karapat-dapat kumpara sa ganda ng nurse na iyon.
Huminga ito ng malalim at nag-iba ng direksyon. Ayaw niyang daanan ang dalawa dahil sa pangamba na baka may marinig siyang hindi niya gusto mula sa pag-uusap nila. Imbes na bumili ng paborito niyang siomai, nagpasya na lamang itong dumeretso na sa opisina ni Hanz.
──ʚ♡ɞ──
Earlier that day, mabilis na naglakad si Dr. Hanz sa corridors ng magarbong hospital, may ngiting naglalaro sa kaniyang mga labi. Nasilayan niya si Nurse Macey nang marating niya ang Nursing Station, isang tao na kaniyang pinagkakatiwalaan. He approached her with enthusiasm as he saw an opportunity to confide in her.
"Macey!" He called her name in a sing-song manner. Ginawaran naman niya ng ngiti ang ibang nurses na bumati sa kaniya.
Macey gazed at him while checking a patient's chart. "Mapupunit na yang labi mo sa sobrang pag-ngiti," pang-aasar niya sa kaibigang doktor saka ibinaba ang chart na hawak. "Patapos na ang sixteen hours of shift ko. Ilibre mo ako milk tea."
They both went to a shop called Bubble Tea and Siomai on the ground floor of the prestigious hospital. Naka-order na ang dalawa at naisipan nilang tumambay sa terrace area upang maarawan. "Kanina pa 'yang mga ngiti sa labi mo, ha. Spill!" panunukso ni Macey sa kaniya habang kumakain ng siomai with chilli garlic oil and calamansi.
"Remember the woman I was talking about?"
"Alin? 'Yong umutot kaya hindi kayo nakapag—mfpht!!!"
Hindi naituloy ni Macey ang sasabihin dahil kaagad na tinakpan ni Hanz ang binig nito bago pa siya may masabi. She playfully hit his hand covering her mouth and stared at him with her eyebrows in unison.
Hanz burst out into laughter upon remembering his first night with Mela while nodding in response. "Yes, and her name is Melchora."
"Melchora..." pag-uulit ni Macey habang inaalala ang kanilang subject na Philippine History noong estudyante pa lamang sila. "Naalala ko si Tandang Sora, the Mother of the Philippine Revolution!"
BINABASA MO ANG
Melchora (The Modern Filipina Series)
RomanceMelchora Kabayan, fondly known as Mela Raketera, is the family's bread winner. Palibhasa panganay kaya lahat ng pressure ay napunta sa kaniya, at siya na rin ang tumayong magulang para sa dalawang kapatid niya. Wala siyang panahon para sa isang rela...