ʚ 01 ɞ

66 13 25
                                    

"Kapag mahal mo,
mahalin mo ng totoo
para hindi kayo
umabot kay Tulfo."

──ʚ♡ɞ──

February 14, 2019

HINDI mawala-wala ang ngiti sa labi ni Melchora Kabayan, o mas kilala bilang si Mela. Nasa loob siya ng taxi, bitbit ang maliit na round, chocolate cake na binili niya sa Red Ribbon. Nakasuot ito ng mini dress na kulay pula at hindi aabot sa tuhod ang haba. Labas rin ang cleavage niya ngunit pinatungan niya iyon ng puting manipis na scarf dahil hindi naman talaga ito mahilig magpa-sexy.

Sa unang pagkakataon ay nag-make-up rin ito. Kulay pula ang lipstick, sumasabog na pink naman ang blush on niya, at kulay blue ang eyeshadow. Iyon raw ang uso sabi ng beki friend niya sa parlor na kontesera. Nagpakulot na rin ito at nagmukha siyang si Madonna.

Alas otso na ng gabi at palakas ng palakas ang pagkabog ng dibdib niya habang nalalapit na siya sa destinasyon niya. "Tonight is the night!" Bulong nito sa sarili. Ilang beses rin niyang pinag-isipan ang bagay na ito, kung handa na ba talaga siyang ibigay ang virginity sa long time boyfriend niyang si Christian.

Four years na rin naman sila at sigurado siyang sa kasalan ang bagsak ng relasyon nila. Loyal sa kaniya ang boyfriend niya at talagang nirerespeto siya nito. Sa apat na taon nilang magkasintahan ay hindi niya ipinilit na may mangyari sa kanila dahil iklinaro ni Mela na ibibigay lamang niya ang kaniyang virginity sa gabi ng kasal nila.

"Nandito na tayo, ma'am." Saad ng taxi driver at pumarada na sa tapat ng isang bahay.

Ibinigay na ni Mela ang bayad niya sa driver at bumaba na ng taxi. Sa maayos na subdivision naman nakatira si Christian. Isa siyang real estate agent at commission-based ang sweldo nito.

Sementado ang bahay ng nobyo. Gawa sa itim na rehas ang gate nito at dahan-dahang pumasok si Mela upang sorpresahin ito. May susi siya ng bahay ni Christian kaya malaya itong makakapasok.

Maingat niyang binuksan ang pinto. Sarado ang mga ilaw ngunit bukas ang ilaw sa silid ni Christian, kitang-kita mula sa siwang ng pinto nito. Ibinaba niya ang cake sa coffee table at tinanggal na ang scarf na tumatakip sa kaniyang cleavage, itinaas rin niya ng bahagya ang laylayan ng dress, at nag-tiptoe ito patungo sa kuwarto ng binata.

She was about to shout "surprise" pero napatigil siya nang makarinig ito ng ungol mula sa loob.

"F*ck me harder." Boses ng isang babae kasunod ng malakas na ungol.

She was confused and scared at the same time. Takot siyang malaman kung sino ang mga taong nasa loob ng silid na iyon kahit umakyat na ang libo-libong pagdududa sa katawan niya.

"Hindi magagawa ni Christian na lokohin ako..." pagkukumbinsi ng isip niya.

She heard some spanking, moaning, and the bed banging against the concrete wall.

"Damn! Your wet p*ssy feels so damn good, Carina!"

Hindi siya maaaring magkamali. Boses ni Christian iyon at tinawag niya ang pangalan ng katrabaho niya.

"F*ck me harder and deeper... f*ck me the way you can't f*ck your damn, stupid girlfriend!" She tempted him even more in between moans of pleasure.

Melchora (The Modern Filipina Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon