ʚ 07 ɞ

14 4 38
                                    


Puppy Love...
'Yan 'yong panahong na-inlove tayo sa mukhang aso.

──ʚ♡ɞ──

Napansin ni Mela ang isang pamilyar na pigurang nakatayo malapit sa entrada ng pinagta-trabahuan niya nang matapos ang shift nito – ang ex niyang si Christian! Isang taong matagal na niyang hindi nakikita o nakakausap. Magkahalong pagtataka at pangamba ang bumalot sa dibdib niya habang nakita niyang naglalakad ito papalapit sa kaniya. Nagpalinga-linga pa siya at baka ibang tao ang lalapitan nito ngunit wala pang limang minuto ay nasa harapan na niya ito.

Nakangiti ang loko habang nakapamulsa. Akala niya'y nalimutan na ni Mela ang panlolokong ginawa niya, "Hi, Mela. Kamusta ka na?"

Awtomatikong napataas ang kilay ni Mela sa inasta ni Christian. Halatang namayat ito kumpara noong sila pa at tila mukhang problemado rin. "Ano'ng 'hi' ka d'yan? Close ba tayo para kamustahin mo 'ko?" pagtataray niya rito, kunot ang noo at halatang nais niyang iwasan ang dating kasintahan.

"Mela naman..."

"Hep! Hep! Hanggang diyan ka lang, huwag kang makalapit-lapit sa 'kin kundi ihahambalos ko sa mukha mo 'tong bag ko!" idinamba nito ang kaniyang kamay na para bang handa na niyang hampasin ang ex gamit ang sling bag niya.

Kaagad namang humakbang paatras ang lalaki sa postura ni Mela, "T-Teka... mag-usap naman tayo."

"Usap?!" Singhal ni Mela na para bang wala na ang anumang natitirang pasensya sa katawan niya. "Gago ka ba? Three years ago na simula no'ng lokohin mo 'ko tapos ngayon ka magpapakita para sabihing mag-usap tayo?" Halos nakukuha na niya ang atensyon ng mga taong dumaraan dahil lumalakas na ang boses nito.

Christian looked very uneasy and lost. Siya mismo ay hindi alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob upang magpakita muli kay Mela gayong alam niyang galit na galit ito sa kaniya dahil sa panlolokong ginawa nila sa kaniya. Paalis na sana si Mela nang pigilan niya ito. Hinawakan niya ang kanang braso ng dalaga at may kahigpitan iyon.

"Bitawan mo 'ko!" may halong pananakot ang boses ni Mela.

Hindi naman siya pinagbigyan ni Christian at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ng dalaga, "Mela, wala lang akong malapitan ngayon at alam kong maganda na ang trabaho mo. Hindi mo na rin problema ang mga kapatid mo kaya nagbabakasakali lang ako na baka mapautang mo ako."

Hindi makapaniwala si Mela sa kaniyang narinig. Isang malaking 'O' ang gumuhit sa mga labi niya kasabay ng halos pagluwa ng mga mata niya.

"Limang libo lang, Mela," pagpupumilit pa ng dati nitong kasintahan.

"Utang?" Ulit ni Mela. "Hoy, Christian, ni hindi na nga kita siningil sa utang mong tatlong libo no'ng tayo pa tapos ngayon..." hindi maituloy ni Mela ang kaniyang sasabihin.

Ngunit nagpupumilit si Christian at hindi niya binibitiwan ang dalaga. Mas humihigpit na rin ang hawak niya sa braso nito at nakakaramdam na ng sakit si Mela. "Sige na, Mela. Limang libo lang. Para naman tayong walang pinagsamahan." Inilapit niya ang bibig sa tainga ng dating nobya na ngayon ay nagpupumiglas na. Pinipilit rin nitong ipaharap ang mukha niya habang inaamoy nito ang buhok ng dalaga.

"Christian, bitiwan mo 'ko!"

──ʚ♡ɞ──

Palabas na si Dr. Hanz mula sa kaniyang opisina nang may kumatok bago tuluyang pumasok ang isa sa mga staff nurse na naka-assign ngayon sa admission. May dala-dala itong malaki ngunit tagpi-tagping wallet. Halatang napag-iwanan na rin ito ng panahon dahil kupas na ang kung ano mang naka-design doon.

Melchora (The Modern Filipina Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon