Mas masayang pakisamahan
ang mga taong
malakas ang saltik
kaysa sa mga taong plastik.──ʚ♡ɞ──
"Oh, alagaan niyo'ng mabuti itong si baby Tori natin ha?" magiliw at halos mapunit na ang labi ng kanilang Tita Starla habang maingat na ibinibigay niya ang maputi at malusog na batang babae kay Gabbie. Sadyang nilakasan rin niya ang pagkakasabi nito at nilingon ang gawi ng nakatatanda niyang kapatid na si Tita Joy.
Pasimpleng umismid at umirap ang magkakapatid sa tinuran ng kanilang tiyahin habang hindi ito nakatingin sa kanila. Alam naman nilang sinasadya na iyon upang ma-good shot siya kay Tita Joy.
Kaagad na kinuha ni Gabbie ang bata sa kaniyang mga braso, maging si Sef ay napayakap rito na tila pinoprotektahan ang bata mula sa kanilang tiyahin.
Narito sila ngayon sa Taal Vista Hotel sa Tagaytay kung saan naka-check in ang kaniyang bakasyunista at pensyonadang tiyahin mula sa California. May dalawang double bed na nasa gitna ng suite, isang three-seater sofa katabi ang entrance door, built-in closet sa kabila, in-suite bathroom, at balcony overlooking the Taal Lake.
Dating caregiver ang kanilang Tita Joy at nakapangasawa ito ng isang milyonaryo ngunit may malubhang sakit. When the man died, he left eighty-five percent of his possessions to their Tita Joy while the rest was donated to different charities.
"Mela, sa inyong magkakapatid ito." Tita Joy, although with grey hair, looks elegant and younger than her age. She handed them a large-sized shopping bag full of grocery items, chocolates and new clothes from the U.S. "Pasalubong ko." magiliw niyang hinaplos ang mga pisngi ng kaniyang mga pamangkin.
Kay Tita Joy lang nila naramdaman ang pagmamahal ng isang tiyahin. Palibhasa'y hindi na rin ito nabiyayan ng pagkakataon upang magsilang ng sariling anak. Wala ring ibang nabubuhay na pamilya ang napangasawang iyon ni Tita Joy because his ex wife divorced due to being sterile.
Siya ang kumupkop sa tatlong magkakapatid. Hindi naman lingid kina Mela ang katotohanan na kaya mabigat ang loob ng iba nilang kamag-anak sa kanila ay dahil sa kanilang ina na si Leonor Dimagiba-Kabayan.
Tita Starla glared at the three from a corner of the room. Para itong bata na ninakawan ng kendi! Ang kaniyang lukot na mukha ay kaagad ring pinalitan ng isang sapilitang pagngiti nang bumaling muli si Tita Joy sa kaniya. "Pakiabot 'yong bag ko, please," pakiusap ni Tita Joy rito.
Iniabot naman niya ang bag sa nakatatandang kapatid. Inilabas ni Tita Joy ang kaniyang makapal na kulay pink na Saint Laurent Wallet. Punong-puno iyon ng mga dolyares at tig-iisang libong piso na pera kung saan napako ang titig ni Tita Starla.
Hindi na binilang ni Tita Joy kung ilang piraso ng tig-iisang libo ang kinuha niya at ibinigay niya iyon kay Mela. Her eyes widened in disbelief. Iniangat nito ang ulo bago tumayo upang salubungin ang titig ng tiyahin. "T-Tita Joy... S-Sobra po yata ito..." She was handling the money back to their aunt.
Bakas naman sa mukha nina Sef at Gabbie na tila hindi sila sang-ayon sa planong iyon ni Mela. Marami silang mabibiling groceries lalo na ng gatas at diapers ni Tori.
"Oo nga naman, ate. Hindi naman kailangan nila Melchora 'yan, eh." Sulsol pa ng Tita Starla nila.
Tita Joy, on the other hand, reached for Mela's hand. Ipinagtiklop niya iyon habang magiliw na nakangiti sa pamangkin. "Para sa inyo talaga 'yan." Sagot niya rito saka bumaling kay Sef. "Isa pa, birthday mo na sa makalawa, hindi ba?"
Unang napatingin si Sef sa kaniyang ate Mela bago ito tumayo at halos ninenerbyos na sumagot sa kaniyang tiyahin. Ayaw niya sanang ipapaalala pa ito dahil sa presensya ng kanilang isang tiyahin ngunit huli na. "O-Opo, Tita." nahihiyang sagot niya.
BINABASA MO ANG
Melchora (The Modern Filipina Series)
RomanceMelchora Kabayan, fondly known as Mela Raketera, is the family's bread winner. Palibhasa panganay kaya lahat ng pressure ay napunta sa kaniya, at siya na rin ang tumayong magulang para sa dalawang kapatid niya. Wala siyang panahon para sa isang rela...