Hindi mo pa nga
ako binabato,
tinamaan na ako sa 'yo.──ʚ♡ɞ──
Napabalikwas si Mela mula sa pagkakahiga. Napasarap ang tulog niya dahil sa malambot na sofa at aircon. Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nakitang wala na si Hanz sa tabi niya. Tuluyan itong napabangon nang mapansing gabi na!
She reached for her phone to check for the time. She tried to turn it on but failed. Tuluyan na itong tumayo mula sa pagkakahiga at napatigil nang makita ang likuran ni Hanz habang nagluluto sa kusina.
Ngumiti ang binata sa gawi niya nang lingunin siya nito and she felt blood rushing to her cheeks. Literal na nag-init ang kaniyang mga pisngi nang maalala kung ano ang nangyari kani-kanina lamang. "You're awake!" Masayang sambit ni Hanz habang tinatapos ang kaniyang niluluto at nagmadaling puntahan ang dalaga.
Bahagyang natawa si Hanz nang umiwas ito ng tingin sa kaniya. "Halika na, kumain na tayo." anyaya niya rito.
Inipit ni Mela ang magulong buhok sa kaniyang kanang tainga, patuloy ang pag-iwas niya sa mga titig ng binata. "Ah... k-kailangan ko nang umuwi..." her voice was soft.
He cupped her face and forced to meet him in the eye. "Ano'ng iniisip mo?"
"Iyong mga halik mo kanina!" sigaw ng kaniyang isipang hindi niya kayang isatinig. Umiling na lamang ito at pilit ngumiti. "W-Wala naman. Iniisip ko lang kung ano'ng niluluto ni Sef ngayon." pagdadahilan niya.
Nagtaka ito nang unti-unting tanggalin ni Hanz ang pagkakahawak niya sa kaniyang pisngi. Sadness became evident in his eyes. "I... cooked dinner in case you want to eat." malamlam ang mga boses nito bago tinungo ang kusina at kumuha ng mga plato.
Palihim niyang sinapok ang kaniyang sariling noo habang pinagagalitan ang sarili. "Wrong move ka yata, Melchora!" she bit her lip before finding the courage to make a step towards Hanz. "Tulungan na kita." Alok niya at napatingin lang sa kaniya ang binata. "Mukhang masarap 'to ah!"
Hanz leaned against his counter island and met Mela's gaze. "It's ribeye steak. I cooked it just for you." Naramdaman na naman niya ang pag-init ng kaniyang mga pisngi lalo na'ng mag-angat ito ng tingin at mabilisang dumampi ang mga labi ng binata sa labi niya. Kinuha ni Hanz ang mga plato ng steak saka pumunta sa dining table. "Kain na tayo."
Alas otso y media pa lamang ng gabi at nagkasundo silang ihahatid siya ng binata sa kanilang bahay pagkatapos nilang kumain. Wala naman silang ibang pinag-usapan kundi ang tungkol sa pagkain. Naikwento rin ni Mela ang tungkol sa mga naging trabaho niya, maging ang paglalambing ng kaniyang pamangkin kapag inaalagaan niya ito. He looked at her dreamily while listening to her stories.
──ʚ♡ɞ──
Alas diyes na noong maihatid ni Hanz si Mela sa bahay nila. As usual, ipinarada niya ang kaniyang sasakyan sa 'di kalayuan. Akmang bababa rin sana ang binata upang ihatid ito sa pintuan nila nang pigilan siya ni Mela. "Huwag ka nang bumaba." Nagtataka siyang tiningnan ng binata. "Baka kung ano pang itanong na naman sa'yo ng mga kapatid kong baliw."
Tumango na lamang si Hanz bilang pagsang-ayon. Nirerespeto nito ang desisyon ng dalaga kahit na ang totoo'y nais niya pa sanang makasama ito ng mas matagal. "Mela..." nanlaki ang mga mata niya nang bigla siyang siilin ng mga halik nang lingunin niya ang binata.
Hindi nila namalayang lumabas si Gabbie upang ilagay ang basura sa kanilang basurahan. Isang perpektong hugis 'O' ang namuo sa kaniyang mga labi at dali-daling tinawag ang kaniyang ate Sef.
Napapikit ito at gumanti rin ng halik. Ninamnam ni Mela ang malambot at matamis na labi ng doktor. Her mind is telling her to stop at baka may makakita pa sa kanila, subalit iba ang gusto ng katawan at emosyon niya. Hanz broke off their passionate kiss, pareho nilang hinahabol ang kanilang mga hininga.
Kaagad na nagtago ang mga kapatid niya nang mapansing kumalas ang dalawa sa kanilang halikan.
"I think you better go." bulong ni Hanz sa kaniya. "Baka mag-U turn ako't iuwi kita."
She playfully hit his arm before finally leaving the car. Pinaandar na rin ni Hanz ang sasakyan nang makapasok ito sa kanilang gate. Nadatnan niya sina Gabbie at Sef na magkatabing nanonood habang kumakain ng ice cream. Tumikhim ito at hindi nakaligtas ang mga tinging iginawad ng kaniyang mga kapatid.
Sef and Gabbie nudged each other while watching their elder sister walk towards the kitchen to wash her hands. Simula nang magtrabaho siya sa hospital ay nahawa na siya sa mga medical staff na panay hugas ng kanilang mga kamay.
Pinaggitnaan siya ng dalawa niyang kapatid, nagsesenyasan kung sino ang mauunang kakausap sa kaniya.
"Kumain ka na, ate?" sa wakas ay naitanong ni Sef. "Masarap 'yong niluto ko... kaldereta." halos pakanta niyang sambit ng niluto niya.
Mela cleared her throat. "K-Kumain na ako, eh." she tried to sound lively. Nagi-guilty ito dahil hindi niya sinabihan ang mga kapatid na hindi siya kakain kasabay nila.
Tinugo niya ang ref kung saan nakasabit ang pamunas ng kamay at sinundan siya ng dalawang kapatid. "Ano'ng kinain mo, ate?" usisa ni Gabbie. "Jumbo hotdog na may dalawang hard boiled eggs?"
Pigil ang pagtawa ni Sef saka pinalo ang braso ng kanilang bunsong kapatid. Kahit kailan talaga'y walang preno ang bibig nito. Isang malapad na ngiti naman ang iginawad ni Gabbie sa namimilog na mga mata ng ate nila. Palibhasa guilty.
"A-Ano'ng pinagsasasabi mo, d'yan?" gusto niyang umiwas sa tanong ng mga kapatid. "May alam kaya sila?" Tanong ng isipan niya. "Imposible namang alam nilang muntik ko nang isuko ang perlas ng silangan kay Doc!"
Sinundot ni Sef ang tagiliran ng kaniyang kapatid. As if on cue, her younger siblings chanted softly, "Melchora and Doc Pogi sitting in the car. K-I-S-S-I-N-G."
Itinago niya ang kaniyang mukha gamit ang dalawa niyang palad dahil sa kahihiyan. Sinubukan niyang kurutin ang singit nina Sef at Gabbie ngunit hindi siya nagtagumpay. Para silang mga batang naghahabulan habang nag-aasaran. Mabuti na lamang at kinuhang muli ni Tita Starla si Tori dahil kailangang tapusin ni Gabbie ang isang project.
Napayakap sina Sef at Gabbie sa kapatid nila at sabay-sabay silang naupo sa sofa. "So... kayo na ba, ate?" tanong ni Sef.
Ang malapad na ngiti ni Mela ay unti-unting naging isang simangot. She heaved a sigh. Nagpalitan ng tingin ang dalawa niyang kapatid. Nagkibit-balikat na lamang ito bago sumagot, "h-hindi ko alam eh."
This time, sina Sef at Gabbie naman ang namilog ang mga mata. "Ang intense ng halikan niyo tapos walang kayo? Ano 'yon? Palitan lang ng laway?" komento ni Sef.
Ngumisi naman si Gabbie sa gawi ng kaniyang ate Mela. "Nakipaghalikan ka sa lalaking hindi mo jowa?" she acted surprised ngunit ang totoo, proud siya sa ginawa ng ate niya. Nagiging moderno na ang isip. "Nasaan ang delikadesa mo, ate?"
BINABASA MO ANG
Melchora (The Modern Filipina Series)
Roman d'amourMelchora Kabayan, fondly known as Mela Raketera, is the family's bread winner. Palibhasa panganay kaya lahat ng pressure ay napunta sa kaniya, at siya na rin ang tumayong magulang para sa dalawang kapatid niya. Wala siyang panahon para sa isang rela...