"Aanhin pa ang gravity
kung ako'y nahuhulog na sa tuwing ika'y ngingiti?"──ʚ♡ɞ──
Sa unang araw ni Mela sa trabaho bilang sekretarya ni Dr. Hanz, tila nalula siya sa dami ng mga papeles sa kanyang mesa. Bilang isang taong hindi bihasa sa medikal na terminolohiya na ginagamit ng kanyang mga kasamahan, nahirapan siyang makasabay sa mga gawaing itinalaga sa kanya. Sa kasamaang palad, humantong ito sa isang negatibong engkwentro sa Head Nurse na si Ms. Ayumi Gavieres.
Napansin ni Ayumi ang mabagal na pagkilos ni Mela at nagpasyang ipahayag ang kanyang pagaka-disgusto sa dalaga. Pinagalitan niya ito at pinuna sa harap ng iba nilang mga katrabaho dahil hindi man lang niya nauunawaan ang basic medical terminology at ipinapahiwatig na hindi siya karapat-dapat para sa trabahong iyon.
Inaamin ni Mela ang kaniyang kakulangan ngunit nagpatuloy pa rin si Ayumi sa panggigisa kay Mela dahil nadi-delay raw ang mga reports na kailangang pirmahan ng doktor at maging ang pagbibigay ng gamot at scheduled surgeries ng doktor ay delayed rin.
"Ewan ko ba naman kasi kung bakit sa dinami-daming qualified na maging assistant, ikaw pa ang kinuha ni Doc!" halos mag-180 degrees ang pag-ikot ng mata ni Ayumi habang nakapamewang nitong pinagagalitan si Mela sa harap ng iba nilang mga kasamahan. Nanatili namang nakayuko ang dalaga, unang araw sa trabaho kaya pinipigilan niyang uminit ang ulo niya, at inaamin naman niya ang kaniyang kakulangan.
Sa kabutihang palad, may isang tao na naglakas-loob upang awatin na ang Head Nurse dahil magkakalahating oras na yata niyang sinusungitan si Mela. "Ms. Gavieres, she already acknowledged her shortcomings and it's her first day. Give it a rest!" pag-aawat ng dalagang naka-white laboratory gown and may suot ng dark rimmed glasses. Balingkinitan ang pangangatawan nito at kahit may kalahating metro ang layo ay amoy na amoy ni Mela ang mamahaling pabango ng dalagang umaawat kay Ayumi.
"Rich kid siguro." ani ng isipi ni Mela.
Ang babaeng iyon naman ang hinarap ni Ayumi na nakataas pa rin ang kilay. "Ms. Ortega, can you mind your own business?"
Namilog ang mga labi ni Mela. Hindi niya intensyon na magkaroon ng alitan ang mga katrabaho niya dahil sa kaniya kaya naman sinubukan niyang pumagitnasa dalawa, lalo na't mukhang mataray pa man din ang Head Nurse.
"I should tell you the same thing, Ms. Gavieres!" the lady's response drew attention. Ikinagulat rin iyon ng Head Nurse. Tila ba ngayon lang nila narinig na sumagot ang dalaga sa pabalang na paraan. "She's Doc Montesilva's secretary and the only person who can educate and scold her is the doctor himself, not you."
Ayumi looked taken aback. "Aba, Kalixta! Nangangatwiran ka na? Dahil lang hindi ikaw ang na-promote, nagta-tantrums ka na?"
Ipinagkrus ni Kalixta ang kaniyang mga kamay at nilapitan si Ayumi na siyang napaatras. "If being promoted in this hospital means kailangan kong mang-power trip at mamahiya ng katrabaho para lang ma-satisfy ang ego ko... huwag na lang!"
Tila nawalan ng sasabihin ang Head Nurse dahil sa mga binitiwang salita ni Kalixta ng mga sandaling iyon kaya. Maging ang mga katrabahong nakakakilala sa dalaga ay nagulat rin sa tinuran niya.
Humakbang muli papalapit si Kalixta kay Ayumi na siya namang humakbang patalikod. "And need I remind you that this is a hospital and you are still wearing your uniform? Kindly act accordingly!" Hindi na hinintay ni Kalixta na makasagot si Ayumi sa kaniya. Inirapan niya ito at tinalikuran na. Agad namang nagsibalikan ang mga katrabaho nila sa kani-kanilang ginagawa, tila nakaramdam ng takot sa inasal ng dalaga kanina.
Kaagad ring sumunod si Mela sa dalaga, "M-Miss Ortega? T-Thank you sa pagtatanggol mo sa 'kin." Halos nahihiyang sambit nito at natigil silang pareho sa paglalakad. Nagulat siya nang bigla siyang lingunin ng kausap. Inaasahan nitong maging siya ay tatarayan niya.
BINABASA MO ANG
Melchora (The Modern Filipina Series)
RomanceMelchora Kabayan, fondly known as Mela Raketera, is the family's bread winner. Palibhasa panganay kaya lahat ng pressure ay napunta sa kaniya, at siya na rin ang tumayong magulang para sa dalawang kapatid niya. Wala siyang panahon para sa isang rela...