Sanhi naman para ikalingon 'yun ni Ronald kay Celine.
Itinigil na muna niya ang gagawin at binalak na tuluyan na ito.
Subalit nakabangon nang ganap si Celine.
At hinagip ang gunting na malapit lang sa kanya.
Mahigpit iyong hinawakan nito.
Nanlilisik ang mga mata nito sa galit.
Nagtagis naman ang bagang ni Ronald.
Sandali pa'y nagpambuno na ulit sila.
Pero naagapan ni Celine ito, at nakubabawan si Ronald.
Dahil mas may pwersa si Celine ay natuluyan niya itong masaksak sa braso.
Bumaon iyon nang may kalaliman, at sagad hanggang sa buto.
Hindi pa nakuntento si Celine ay binunot niyang muli iyon.
Umagos ang napakaraming dugo.
Habang iniinda ni Ronald ang sakit nang dalawang pagkaka-saksak niya'y hindi naman niya napaghandaan muli ang pag-atake nito.
Derechong nasaksak ni Celine ang bandang may dibdib nito.
Nanlalaban pa si Ronald sa kanya. Pero sinunod-sunod na niya ang pangsasaksak sa dibdib nito.
Dahilan para tuluyan nitong ikasawi.
Doon pa lang natauhan si Celine sa kanyang nagawa.
Nilingon niya ang pamangkin, at nahabag siya sa kalagayan nito.
Lalapitan niya sana, subalit umurong si Sanda sa kanya.
Natakot kase ito sa kanya.
Sa ginawa niyang pagpatay sa lalaki kanina.
Husto namang dumating ang mga baranggay tanod, at kapitan del Barrio na tinawag ni Aling Trudis kanina lang nang makita niya sa bintana ng bahay ang nangyayaring kaguluhan sa mag-tiya.
Tatakbo pa sana si Celine upang tumakas, subalit huli na ito.
Nasakote na siya.
Malungkot namang tinanaw ni Sanda ang tiyahin.
Kahit pa'nu sa huling sandali'y iniligtas siya nito.
...
Nilitis ang kaso, at napatunayang guilty si Celine Perez. Nahatulan ito nang life sentence.
At dahil sa wala naman silang abugado hindi na nakuha pang ipagtanggo ni Celine ang sarili.
Kahit pa sabihing self defense ang nangyaring pamamaslang nito.
Base din sa sumuri kay Celine, napatunayan na positive itong gumagamit nang drugs, na lalong ganap na nagpalakas sa kaso nito para madiin nang mga kamag-anakan ni Ronald.
Tuluyang nang na-ulila si Sanda.
Ang bhay naman na tinitirhan nila ay na nakuha na nang pinag-sanglaan ni Celine noon.
Wala nang ibang matatakbuhan pa si Sanda, kundi magpalaboy-laboy sa kalye.
Sa 'di inaasahang pagkakataon muling nag-krus ang landas nila ni Aling Trudis.
Mabait ito sa kanya kung tutuusin.
Binigyan pa siya nang pera nito, bago sila naghiwalay.
May inaalok itong
tulong sa kanya, ngunit 'di na muna niya tinanggap.
Magbabaka-sakali muna siyang makahanap nang trabaho kahit pa'nu sa bayan lang nila.
Sinabi na lang niya dito na pupunta na lang siya sa bahay nito, pag walang wala na talaga siyang mapagkakitaan pa.
Sa edad na katorse ni Sanda, naging laman siya ng kalye.
Namalimos. Ang mga damit ay nasa plastic bag lang nakalagay. Tanging gusgusing kumot lang ang isinasapin niya kapag matutulog na siya sa tabing kalsada.
Kung makaligo ay dalawang beses lang sa isang buwan.
Isang beses namang masayaran ng pagkain ang kanyang sikmura sa isang araw.
Kapag minalas pa.
Wala. Tanging paglumod lang nang laway ang kanyang pamatid gutom o pag inom nang tubig galing sa gripo sa bayan.
Sa ganu'ng buhay pinapalampas ni Sanda ang kanyang bawat araw.
Subalit may hangganan din ang katawan.
Napapagod ito.
Nagkasakit siya. Nilagnat nang napakataas, at hindi makabangon sa kinahihigaan.
Bumuhos pa ang napakalakas na ulan, at nabasa siya.
Hindi na niya kaya pang magmulat nang mga mata. Dahil nagdedeliryo na siya.
"Diyos ko! Kung ito na po ang katapusan ko, masaya ko pong tatanggapin. Pagod na din po ako.", nausal niya sa pagitan nang pagpatak nang kanyang mga luha.
Alam niyang walang makakatulong sa kanya sa mga sandali na 'yun.
Pagkat bukod sa malalim na ang gabi'y, sinabayan pa nang napakalas na buhos ng ulan, kulog, at kidlat.
Wala na siyang nagawa pa kundi hayaang mabasa ang buo niyang katawan.
At sa kadiliman ay may natanawan siya babaeng naglalakad.
Dinig pa niyang tinawag ang pangalan niya nito.
Subalit unti-unti nang pumipikit ang kanyang mga mata, at nawawalan na siya na pakiramdam.
.
.
.
Itutuloy. . .
BINABASA MO ANG
Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )
RomanceTeaser Biktima si Cassandra Perez ng human trafficking. Huli na nang madiskubre niya na ibubugaw sila ni Aling Trudis. Dinala sila nito sa casa, o bahay aliwan kapag gabi. Walang nagawa ang pagtutol niya. Subalit kung kailan naman na niyakap na niy...