" Tiwala lang Angel! Lakasan mo loob mo, huh?! " Ani Sanda sa kasama. Tinitigan pa niya ito ng matiim sabay niyakap.
" Oo Ate... Basta pangako mo susunod ka... " Sagot naman nito sa garalgal na tinig. Ang mga mata ay hilam na sa luha.
Parang dinudurog ang puso ni Sanda sa tagpo nilang 'yun. Hindi niya mapapatawad ang sarili pag may nangyari dito. Ayos lang kung siya. Pero ito? Napaka bata pa nito para mamatay nalang.
" kumilos kana. Oo pangako ko darating ako. Ingatan mo sarili mo habang wala ako, huh!
Sige nah!
.
.
.
Isa...
.
.
.
Dalawa...
.
.
.
Tatlo...!
Takbo Angel! Wag kang lilingon! " Huling salita ni Sanda dito, pagkatapos ay itinaboy na nya ito para makalayo.
" Ate...... " Nasabi nalang naman ni Angel at kahit labag sa kanyang sarili'y pinilit niyang tumakbo palayo sa impyernong lugar na nagpahirap sa kanila.
Naiwan si Sanda na tinatanaw ito sa huling pagkakataon. Nang may bigla siyang naramdamang malamig na bagay sa kanyang uluhan. Lilingunin na sana niya ito subalit bigla siyang hinampas nito sa batok. Sanhi para magdilim ang kanyang paningin.
Maraming mga lalaki ang nakita huli niyang nakita sa nanlalabo na mga mata, at ang isa'y pamilyar sa kanya.
Isa sa mga tauhan ni Larry.
" Tatakas kapa ha! Habulin nyo ang isa! Bilis! " Ani Gary kay Sanda. Binuhat nito ang dalaga, at akma na sanang ibabalik sa loob ng bahay nang may humugot bigla ng baril nito sa likuran niya.
" Nak ng! " Pagalit pa nitong naisigaw pero natigilan din dahil itinutok ng kung sino man sa likod ng ulo niya ang sarili niyang baril saka pinaputok ito ng walang kagatol-gatol.
" Bang!!! " Umilingawngaw iyon sa buong lugar, at napatigil ang iba pang tauhan ni Larry sa paghabol kay Angel.
" Baril yun ah! Si Gary 'tol! " Ani Elvis, bumalik ito sa pinanggalingan.
" Hulihin nyo ang isa! Hindi pwedeng makatakas 'yan! Sasabit tayong lahat pag kumanta yan sa mga pulis! " pahabol pa nitong habilin sa mga kasama.
Tumalima naman agad ang mga ito at ipinagpatuloy ang paghabol kay Angel.
Derecho namang bumagsak si Gary sa kalsaba. Mulat ang mga mata nito dala ng pagka bigla.
Kinuha naman ng pumatay dito si Sanda, at dinala sa nakapark na kotse sa may 'di kalayuan. Wala pa ring malay ito at hindi alam ang mga nangyayari. Saka pinasibad na nito ang kotse palayo sa lugar.
Napatigil naman si Elvis pagkakita sa kasama na nakahandusay at patay na.
" Tang-ina! Sinung gumawa nito sa'yo! Gary! Gary! Tang ina! Tang ina talaga! Waaaaah! Sinong pumatay sayo!!! Bang! Bang! Bang! " Galit na galit na sigaw ni Elvis. Nagwala na siya doon at pinagbabaril ang mga nasa paligid niya.
Doon naman lumabas si Larry ng bahay. Halata ang pagkagulat sa mukha nito dahil kagigising lang gawa ng mga ingay ng putok ng baril.
" Anong nangyari Elvis? Nasaan ang iba pang kasama mo? At si Gary? Sinong animal ang pumatay sa kanya?! " Ani Larry sa tauhan na galit ang anyo.
" N-Nakatakas ulit yung dalawa boss! " sagot naman ni Elvis dito. Bigla ito natakot kay Larry.
" Ano?! Sina Sanda at Angel nakatakas na naman! At hindi nyo man lang natunugan?! Mga inutil! Sayang lang pinapa— " Si Larry muli, pero naputol ang anumang sasabihin niya nga may magpaputok ng baril at paulanan sila nito.
" Bang! Bang! Bang! Bang! Bang! Bang! Bang! Bang! Bang! Bang! Bang! Bang! " Sakay ng kotse ang may kagagawan nito. Hindi iyon napaghandaan ni Elvis, kaya't ang katawan niya ang sumalo ng mga bala.
Si Larry nama'y agad na nakakubli sa gate ng kanyang bahay. Natakot din sa biglaang pagsugod ng kung sinuman.
Pagod na pagod na si Angel sa pagtakbo mula pa kanina. Parang nais na niyang sumuko at magpahuli na lang ulit. Natatakot pati siya sa putok ng baril na narinig niya. Malamang ang ate Sanda niya iyon. Nahuli na at pinatay.
" Ha ha ha! Huwag ka nang tumakbo bata! Maaabutan ka rin namin! Pinapahirapan mo pa sarili mo! " Sigaw ni Roel kay Angel. Ilang dipa nalang ang layo nito at maaabutan na.
" Wew...wew...wew...wew...wew! " Tunog ng isang patrol car sa may 'di kalayuan.
Naalarma ang mga tauhan ni Larry.
" Tol! Balik nah! Mga parak 'to! Wala tayong laban dito! Hayaan na natin 'yan! Bilis! Kesa sumabit pa tayo dito! " Sigaw naman ni Albert. Siya ang unang nakakita sa makakasalubong na patrol car.
" Gago! Maabutan na natin ah! " Si Roel naman, naiinis dahil makakatakas na si Angel.
" Sige habulin mo nang sa kulungan ang bagsak mo! " Sigaw pa ng apat na pabalik na. Wala ito nagawa kundi sumunod.
Sakto namang natalisod si Angel at hindi niya inaasahan iyon. Napabagsak siya sa semento at tumama ang noo sa bato sanhi para pumutok iyon at magdugo.
Alalang-alala naman siyang nilapitan ng isa bulto ng lalaki. Binuhat siya nito at dinala sa pinakamalapit na ospital. Kanina pa niya nais tumulong pero mahirap nang makilala siya at pagbalingan pa.
Itutuloy...
Sino kaya ang tumulong kay Sanda? Nasa mabuting mga kamay ba siya? Ano ang gagampanang papel ng isang tauhan na magbabalik galimg sa nakaraan?
Abangan!!!
BINABASA MO ANG
Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )
RomanceTeaser Biktima si Cassandra Perez ng human trafficking. Huli na nang madiskubre niya na ibubugaw sila ni Aling Trudis. Dinala sila nito sa casa, o bahay aliwan kapag gabi. Walang nagawa ang pagtutol niya. Subalit kung kailan naman na niyakap na niy...