"Nasaan?! Hindi mo ibibigay, ha? Gusto mo pang masaktan!
Wala nang tutulong sa'yo ngayon. Patay na lola mong ipinagmamalaki!", sigaw si Celina sa pamangkin niyang si Sanda (Cassandra). Hinihingi niya rito ang kinita nito sa paglalabada. Natalo na naman kase siya sa majong, at wala na siyang pangtaya.
"Tiya, wala po. Huhuhuhu! Maniwala kayo. Hindi po ako binayaran nang pinaglabadahan ko. Huhuhu!
Kase madumi pa daw ang mga damit.
Hindi pa daw ako pwede maglabada.
Ang bata ko pa raw po, tiya. Huhuhu!", sagot naman ng kawawang si Sanda.
Nakasiksik na ito sa sulok, at na-corner na ng tiyahin na galit na galit ng mga sandaling iyon.
Nanlilimahid na ang mukha nito sa pinag-halong sipon, at luha.
Naghahari ang matinding takot sa dibdib ng batang si Sanda.
Alam niyang hindi nagbibiro ang tiyahin. Masasaktan na naman siya nito.
"Hindi pwedeng wala! Aaaah! Malas ka talagang bata ka! Simula nang iniwan ka dito ng kapatid kong malandi, at ni hindi na nagparamdam ay inabot na kami ng malas! Bwiset ka!", patuloy na sigaw pa ni Celina, habang nakaharap sa walang kamuang-muang na paslit.
Namataan nito ang sinturon sa 'di kalayuan, at kinuha nito.
Sabay lumapit sa batang si Sanda.
Sapilitan niya itong hinila sa sala.
"Tiya, 'wag po. Maawa ka, tiya, huhuhuhuhu!",pagmamakaawa na ni Sanda. Subalit bingi ito. Nalamon na nang galit ang puso nito, sabayan pa ng pagkatalo sa sugalan ay talaga wala na itong maiisipan na matino.
"Ito ang bagay sa'yo! Nang magtanda ka! Simula ngayon, dapat may maibigay ka s'kin araw-araw. Kapag wala! Bugbog ang aabutin mo.
Pak! Pak! Blag, blag!", litanya ni Celina, kasabay nang tunog ng pagpalo niya sa kawawang pamangkin.
"Aaaaah, tiyang, tama na po. Huhuhuhuhu!", ani Sanda. Patuloy itong umiiyak.
Kahit saan tamaan ng sinturon ang kanyang katawan ay nag-iiwan ng mga latay, at matinding sakit.
Tiniis iyon ng batang katawan niya.
Sigaw ng pagmamakaawa, pagluha, at pighati. Subalit naging bingi ang katarungan para sa kanya.
Walang araw na hindi siya nakaranas na bugbog sa poder ng tiyahin.
Walang makain, at panay latay ang katawan.
Natuto siyang mamalimos sa mga kapitbahay nila nang kaunting barya, o kaning lamig man lang para malamnan ang kanyang sikmura.
Tiniis niya ang bawat sakit ng hampas ng tiyahin.
Ang bawat tadyak, at masasakit na salita nito sa kanya.
Siyam na gulang. Payat. Gusgusin ang suot na damit. Puro latay ang katawan. Nakadungaw lagi sa mga mata nito ang luha, dahil sa iniindang mga pagsubok sa buhay.
Ni hindi nakahawak ng lapis, at papel.
Laging uhaw sa kalinga, at pagmamahal.
Walang kinagisnang pamilya, subalit laging nangangarap sa mura niyang isipan.
Lumipas ang isang taon na gano'n ang naging buhay niya sa poder nang kanyang tiyahing malupit.
Ni minsan hindi nito naalalang tanungin man lang siya kung kumain na ba?
Palaging nakahanda ang sinturon nitong pinambubugbog sa kanya, kapag wala siyang maibigay na pera.
Naging impyerno ang buhay niya nang kabataan.
Sa kabila no'n, makikita mo sa tindig ng paslit na ito, na may hitsura.
Maputi, matangkad, kaakit-akit na mga mata, at malalantik na pilik-mata.
Samahan pa ng natural na kissable lips nito.
Lumaki-laki lang ito, ay pagkakaguluhan ito ng mga hayok sa laman.
Sampu na ang edad ni Sanda, nang makita niya ang kanyang tiyahin na may kaakbayang lalaki.
Sumusuray ito, at tila inaalalayan ng lalaki ang kanyang tiyahin.
Malalagkit pa ang tingin sa isa't-isa.
Nang makapasok ito sa bahay ay tinawag agad siya nito, na noo'y nasa kusina, at namimilipit sa sakit nang tiyan, dahil sa gutom.
"Sanda! Pumarito ka, bilis! Masasaktan ka na naman!
Ipaghain mo kami, at itimpla mo ako ng kape.", sigaw pa nito.
"N-naku a-andiyan na naman s-siya! Huhuhu!", ani sa isip ni Sanda.
Pinilit niyang tumayo kahit nanlalambot ang kanyang tuhod.
Kinuha niya ang plastic na dala kanina.
Naroon ang pagkain na binili niya para dito.
Luto na iyon.
Mabuti nalang, at sinamahan niya na rin ng isang stick na kape, at tig-dos na asukal.
Kaya lang naubos na ang kanya pinag palimusan, dahil do'n.
ITUTULOY. . .
BINABASA MO ANG
Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )
RomanceTeaser Biktima si Cassandra Perez ng human trafficking. Huli na nang madiskubre niya na ibubugaw sila ni Aling Trudis. Dinala sila nito sa casa, o bahay aliwan kapag gabi. Walang nagawa ang pagtutol niya. Subalit kung kailan naman na niyakap na niy...