Chapter 25

7.3K 63 0
                                    

* * FLASHBACK CONTINUE * *


 Nasa marangyang kwarto na ng magkamalay si Cristy. Hindi niya alam kung ga'nu siya katagal na hindi nagising. Maraming katanungan sa kanyang isip. Akmang babangon sana siya ng mahila niya ang hose ng dextrose na nakakabit sa kamay niya. Sanhi para matumba ang stand nito. Natakot bigla si Christy kaya napasigaw siya.


" Waaaah! "

Nadinig iyon ng mag-asawa at nagmamadali nilang pinuntahan ang tinulungan nilang dalaga sa kwarto kung saan nila ito iniwan.


" Anong nangyari? " Tanong agad ni Raquel pagkapasok nila sa kwarto. Naabutan nila ang dalaga na namamaluktot sa isang sulok ng kwarto at takot na takot. Binalot ng habag ang puso ng mag-asawa, at simula nu'n ay napagpasyahan nila na tulungan ito't kupkupin nalang.


Sila na ang nagpa aral kay Cristy. Isang alagad ito ng batas. Pagkat criminology ang kinuha nito na kurso sa kolehiyo. Tinumbasan naman iyon ng dalaga ng sikap at katapatan sa mag asawa. Ni minsan hindi niya naramdaman na iba siya sa mga ito, kaya napaka swerte niya sa mga taong nagbigay ng pangalawang pagkakataon para mabuhay siya ng maayos.


* * END OF FLASHBACK * *


Hindi namalayan ni Cristy na tumulo ang kanyang luha sa paggunita sa nakalipas. Parang kailan lang kase nangyari. Umayos siya ng upo at pinunasan ang mga mata. Nilingon nya muna si Sanda bago nagpasyang iwanan sandali ito. May aasikasuhin siya sa computer. Kailangan niya makontak ang kanyang partner dahil ito ang naiwan para bantayan ang kilos nila Larry. 


Pagkaupo niya sa kanyang table ay awtomatikong binuksan agad niya ang emails sa kanyang computer. Naroon ang mga mensahe at reports ng partner niya. Nang mabasa ay napakuyom siya ng mga kamay. Dahil sa nalaman na isa rin pala itong alagad ng batas ngunit hindi ginagamit sa tama ang tungkulin bagkus inaabuso ito. Doon siya galit na galit.


" Okey, Ronnie i-save mo lahat ng ebidensyang magdidiin sa Larry Sandoval na 'yan! " Reply niya sa kasama.


" Copy! " Sagot naman agad nito.

Tumayo na muna ang dalaga para magligo at maghanda ng lunch. Baka kase magising si Sanda ay kailangan nito ng makakain.

~


Sa hide out naman nila Larry ay naroroon sila lahat. Pati si Hanah na galit na galit dahil sa nangyaring pagkakatakas ng dalawa nilang alaga. Mahirap na kaseng makapag sumbong ang mga ito. Lagot silang lahat at kalaboso ang bagsak nila.


" Edwin, nasundan mo ba? " Tawag ni Larry sa isang tauha. Mahaba ang buhok nito. Maraming pimples. Maitim ang balat. Maskulado. Ang labi ay maitim din dahil sa sobrang paninigarilyo. Armado ito ng baril lagi.

" Oo naman boss! Ako pa! " Sagot naman ni Edwin kay Larry. Nagmamayabang pa ito sa mga kasama.

Tinawagan kase ito ni Larry nu'ng may sumabotahe sa casa niya. Pinaabangan niya ito sa may exit ng subdivision at pinasundan.

" Good! Nakilala mo ba kung sino ang tumulong sa bata? " Ani Larry muli.


" Yes boss, ito sya! Isang newly hired police. Dalaga.. "

May ibinabang folder si Edwin sa table na kinauupuan ni Larry. Kinuha iyon ng huli at binuklat.

Sandaling nanahimik bago humalakhak ng malakas.

" Ha ha ha ha ha! Ang lakas ng loob ng batang pulis na ito ha! Baka 'di niya kilala kung sino binangga niya! "

" Boss itumba na yan! " Banat ng isa sa mga tauhan. Nasisiyahan ito sa reaksyon ng amo.


" Gago! Wag padalos-dalos at ayoko ng maulit yung naisahan kayo!


Edwin alamin mo kung tagasaan ang pamilya nyan... Pati mga kaibigan. Mag antay tayo ng tamang oras para isagawa ang pagtumba dyan. Nakialam na rin lang siya, pwes damay-damay nah! "

" Ok boss, copy! "


Saka nagpa alam na muna si Edwin. Para gawin ang iniutos ni Larry. Subalit may isang kinabahan sa narinig na usapan. Nakakubli ito sa may lumang balde. Iyon si Ronnie. Kailangan niya maabisuhan si Cristy subalit aksidente niyang natabig ang basag na timba na katabi niya. Naglikha iyon ng ingay na kumuha sa atensyon nila Larry.


...itutuloy...

Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon