Mula ng malaman ni Sanda na ibebenta si Angel ay palihim siyang nagmanman kina Larry, Hanah, at sa mga tauhan nito. Pinilit niya ring magpabili kay Randy ng cellphone patago para kahit pa'nu'y may kontak silang dalawa ni Angel kung magkahiwalay man. Nagpaturo siya kay Randy kung pa'nu gumamit nu'n, at madali naman niyang natutunan. Si Angel ay siya nalang ang nagturo dito tuwing nasosolo nila ang kwarto at wala si Hanah. O sa gabi na wala silang parokyano.
" Ate Sanda, sa Martes na daw nila ako ipagbibili... " Wika ni Angel kay Sanda, puno ng takot ang mga mata, at naiiyak. Magkatabi sila sa kama nito.
" Ou, alam ko! " Maikli namang sagot ni Sanda. Nagiisip siya ng malalim, at pinag aaralan mabuti ang gagawin nilang pagtakas ni Angel bago pa man sumapit ang Martes. Sabado na kase ng araw na iyon. May dalawang araw pa ang natitira bago sumapit ang araw na ipagbibili si Angel.
" Ate Sanda, ayoko maghiwalay tayo! Sino pa magiging kakampi ko kapag nagkahiwalay tayo. At saka ikaw na ang nag-iisang kapamilya ko. Mula noon, hanggang ngayon. " Pagpapatuloy ni Angel sa kanyang sinasabi.
" Makinig ka at kumalma Angel ha... Tatakas tayo dito kahit anong mangyari. Hindi ko hahayaang magkahiwalay tayo! " Ani Sanda muli sa sinabi ng katabing bata. Niyakap pa niya ito ng mahigpit para pakalmahin.
" Oo, Ate! " Paanas namang sagot nito. Tuluyan ng umiyak sa mga balikat ni Sanda. Nang bumukas ang pinto ng kwarto nila. Tumambad doon si Larry na naka-towel lang at bagong paligo. Nakangisi ito kina Sanda, at Angel.
" Sumunod ka Angel sa kwarto! " Utos nito, saka lumabas na rin. Nagkatinginan naman ang dalawang bata. Batid nila sa isip kung ano ang nais ni Larry. Yayariin na naman nito si Angel tulad ng nakagawian, kapag wala si Hanah, at hindi umuuwi.
" Sumunod kana Angel. Pagurin mo yang Larry na yan para mapasarap ang tulog! Tamang-tama at wala si Hanah! Ngayon tayo kikilos. Hintayin mong makatulog muna, bago mo iwanan. Mag-ingat ka! " Ani Sanda. Saka tinapik nito ang balikat ni Angel.
Sumangyon lang ito sa sinabi ng una, bago tumayo at nilisan ang kwarto kung nasaan sila.
Nang maiwan naman si Sanda ay inihanda niya ang ilang importanteng gamit nila. Isinilid iyon sa bag na tama lang ang laki para dalhin nila. Maging ang pera na naipo niya'y inihanda na rin niya. Saka naisipan niya puntahan si Randy.
" tok! Tok! Tok! Randy! Andyan ka ba? " Mahinang katok ni Sanda at tawag sa binata. Palinga-linga pa siya sa likuran niya. Baka kase may makapansin sa kanya na tauhan ni Larry.
Ang binata naman na kakapikit lang ay narinig ang katok sa pinto ng kwarto niyang inuukupa. Maging ang boses ay nakilala niya kung sino. Si Sanda iyon ang makulit na alaga ni Hanah. Tumayo siya sa kama at pinagbuksan ito.
" O, ano na naman? Gabing-gabi na nang-iistorbo ka! " Pagalit na wika niya sa dalaga. Subalit walang salita ang namutawi kay Sanda. Ilang minuto ito natigilan at parang wala sa sarili na sinugod nito ng yakap si Randy bago sinunggaban ng halik sa mga labi. Nag aalab iyon at puno ng pagmamahal para sa binata. Sa isip niya'y ito na ang huling pagkakataon na makikita niya ito dahil hindi naman sigurado kung ganap nga silang makakatakas ni Angel. At kung mahuli man muli sila ni Larry ay malamang katapusan na niya. Kaya sasamantalahin na niya ang pagkakataon habang may panahon pa. Minahal lang naman niya ang binata. Hindi siguro masamang kahit sa huling pagkakataon ay makasama niya ito.
" Huhppp! A-Ano ba Sanda! Nakakadiri ka! Pwe! " Naitulak ni Randy ang dalaga, at saka nagdudura. Nagpunta pa ito sa banyo para maghugas at magbanlaw ng bibig. Nandidiri siya sa ginawa ni Sanda. Isipin pang kung ilang lalaki na ang nagpasasa dito ay nakakasuka. At imposible na papatulan niya ito.
Hindi nawalan ng pag asa si Sanda. Sinundan niya si Randy sa banyo at mula sa likuran ay niyakap ang binata.
" Randy! Nais ko lang malaman mo na matagal na kitang mahal. Ewan pero sa twing makikita kita sobra akong masaya. Kahit sa huling pagkakataon nasabi ko sa'yo 'to, at nalaman mo. Paalam! Hiling ko'y magkita pa sana tayo! Yung hindi sa ganitong katayuan ko. Yung tipong nasa marangal nang trabaho ako... Alam mong hindi ko naman ginusto ang maging ganito. Nagkataon lang talaga na wala akong pagpipilian kundi sumunod kina Larry! " aniya, saka dahan-dahang kumalas sa pagkakayakap kay Randy. Umiiyak na siya, pero pilit pinatatatag ang sarili. Ayaw man niyang iwanan ang binata'y kailangan para sa kaligtasan ni Angel.
Natigilan naman si Randy. Wala siyang mahanap na sabihin sa dalagang nagtapat na mahal siya. Tumututol ang kanyang isip sa narinig, at bago pa siya nakagalaw ay wala na si Sanda sa kanyang kwarto. Nakalabas ito nang hindi niya namamalayan. Nagulo ang kanyang isip sa nalaman. Alam niya ang planung pagtakas ng mga ito, pero ang nalaman niya na mahal siya ng dalaga'y tila nagpapabagabag sa kanyang pagkatao.
" Ano bang dapat? Ayoko siya dahil sa uri ng kanyang trabaho, pero bakit ganito? " Ani Randy sa sarili. Napaupo siya sa kama at sinapo ang noo ng kamay niya.
Ganap na alas dos ng madaling araw ng makalabas si Angel sa kwarto ni Larry. Ingat na ingat siya sa mga hakbang para hindi makagawa ng anumang ingay. Sandali pa'y narating niya ang kwarto nila ni Sanda. Pagkapasok niya ay handa na ang lahat para sa gagawin nilang pagtakas.
" Ano Angel, mahimbing ba nakatulog si Larry? " Salubong na tanung agad ni Sanda sa kasama.
" Oo ate, uminum din kase siya ng beer... " Sagot naman nito kay Sanda. Pero alisto pa rin ang pakiramdam.
" ok, maganda yun! Tara na at huwag na tayo magsayang ng oras! " Si Sanda muli. Ibinigay na kay Angel ang cellphone, at pera na kalahati ng naipon niya. Saka ipinadala ang maliit na bag na naglalaman ng damit nito.
" Ate! Ano kaya kung h-huwag na...
Natatakot ako! Baka— " ani Angel, pero naputol iyon ng hilahin na siya ni Sanda para lumabas ng kwarto.
Maingat silang nagtungo sa likod bahay na pintuan. May bintana doon na pwede nilang gamitin para makalabas ng bahay.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )
RomanceTeaser Biktima si Cassandra Perez ng human trafficking. Huli na nang madiskubre niya na ibubugaw sila ni Aling Trudis. Dinala sila nito sa casa, o bahay aliwan kapag gabi. Walang nagawa ang pagtutol niya. Subalit kung kailan naman na niyakap na niy...