Chapter 7

11.5K 88 0
                                    

 "tulungan mo ako, Karyo! Manadali ka.

Dalhin natin sa ospital ang bata!"

"Oo, Trudis!

Teka lang, at kukuha ako nang tricycle!"

"sige, bilisan mo, baka 'di siya umabot?

Mahinang-mahina na, ang kanya pulso."

"sige, sige!

Saglit lang talaga ako!", anito, bago nagmamadaling tinungo ang bahay nitong malapit lang doon.

Naiwan naman si Aling Trudis na pinapandungan si Sanda nang dala nitong payong.

Mabuti nalang pala at inabot siya na gabi sa kanyang pinuntahan, bago siya umuwi.

At dito nga siya napadaan sa kalye kung saan nakilala niya ang batang nakahiga na inaapoy pala ng lagnat.

Si Sanda.

Husto din namang nakita niya si Karyo na kakilala niya, kaya agad siyang may nahingan nang tulong.

Sandali pa'y naisakay na si Sanda sa tricycle.

Maputla na ang mukha nito, at tila wala nang hininga.

Pinabilisan pa ni Karyo ang pagpapa-andar, at nakarating na nga sila sa pinakamalapit na pagamutan.

Agad nila itong ini-admit sa ER-EMERGENCY ROOM.

Inasikaso na ito ng mga nurses , at doktor na nadatnan doon.

Binayaran ni Aling Trudis si Karyo sa pag-service nito sa kanila.

At nagpasalamat. Iniwan na rin siya nito.

Tumawag siya sa bahay nila, at nagpadala nang mga damit na kakasya kay Sanda.

Marami siyang stock nu'n sa bahay nila, pagkat sa mga aplikante na dinadala niya sa Manila.

Pagkatapos nang mahigit tatlong oras, lumabas na ang doktor na sumuri kay Sanda.

Agad itong sinalubong ni Aling Trudis.

"dok, ano na ho, ang lagay ng bata?",tanung niya dito.

"kayo po ba ang nagdala sa kanya dito?", anito naman.

"opo, dok!"

"kung gano'n, kailangan po niya na masalinan ng dugo. Sa lalong madaling panahon.

Ang panghihina po niya, at pagkakaroon ng lagnat na napaka-taas ay sanhin ng kanyang kakulangan sa dugo.

At sobrang pagtitiis ng gutom, sakit sa katawan, saka pagka-pagod!", sabi nito sa kanya sa mahabang paliwanag.

Napamaang si Aling Trudis.

Saan naman siya kukuha ng dugo?

"pero, dok, okey na ba ang kundisyon niya?"

"sa ngayon po stable na siya, pero hindi pa siya pwede i-release sa ER.

Monitor po muna nang kanyang body condition ang kailangan, at ang blood na isasalin sa kanya, before siya ilipat sa regular hospital room."

"ah, eh, dok, ano po ang blood type ng bata?"

"type AB po siya, Mrs.

So, pa'nu? Bukas po dapat masalinan na agad siya, para hindi magtuloy-tuloy ang pagbagsak nang kanyang katawan, at tuluyang mamatay.

Bakit ngayon ninyo lang siya dinala dito? Dapat noon pa po!"

"eh, kase dok, hindi ko naman siya kaanu-ano.

Naawa lang talaga ako sa bata.

Kaya sinugod ko na dito.

Wala naman nang ibang tutulung sa kanya."

"ganu'n ba?

So, ano po ang desisyon nyo, niyan?

Kayo po ang bahala kung reresponsibilihin ninyo ang batang 'yun.

Sa ngayon po, ay 'yan na muna ang magagawa ko sa kanya!", at tumalikod na ang doktor kay Aling Trudis.

Naiwan itong natitigilan, at nag-iisip nang malalim.

"ano kaya?

Tutulungan ko pa kaya siya?"

.

.

.

Itutuloy. . .

Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon