Tinawagan ni Trudis ang kontak niya sa Maynila. Hindi sapat ang pera niya para sa pagpapagamok kay Sanda.
"Hellow, ahm, Larry?!", aniya pagkasagot pa lang nito.
"O, Trudis, anong balita? Madami nang naghihintay sa'yo dito?", sagot naman sa kabila. Pulis ito na ang mudos operandi ay ang paglalagay ng mga tago na Casa sa Manila. At doon pinapasok ni Trudis ang kanyang mga nare-recruit sa probinsya. Kada isang ulo ay nagkakahalaga ng bente mil ang bayad nito. Depende pa 'yun, kung mas bata at sariwa, mas mahal.
"Yun na nga Larry, eh! Di pa kase klaro ang mga nakakausap ko dito, kaya 'di pa ako makabalik d'yan. Gusto ko kase may madala man lang ako, para 'di sayang ang byahe."
"Mmmmhm, kaya pala. O, bakit napatawag ka?"
"yun na nga din, eh! Ahm, baka pwede ako maka-advance payment. Wag kang mag-alala, may sigurado akong dadalhin sa'yo. Batam-bata pa. At titiba ka dito pag-nagkataon!"
Natahimik ang nasa kabilang linya. Batid niyang nag-iisip ito sa pakiusap niya. Alam kase niyang kuripot ito sa pera, pero numero uno na gahaman.
Saglit pa'y tumikhim muna ito, bago muling tumugon sa kanya.
"Magkano ba?", tanong nito.
"ahm, kahit mga kinse mil lang.", agad niyang sagot dito. Napangiti pa siya dahil magpapahiram ito.
"O, sige! Basta sure mo lang na may dadalhin ka dito!"
"talaga?! Yes! Salamat Larry, oo sure talaga 'to!",aniya sa galak.
Pagkapadala nga ng pera kay Trudis ay inasikaso agad niya ang dapat na kailangan ni Sanda.
Naghanap siya ng magiging donor ng dugo para kay sanda. Kinulang pa kaya't no choice siya kundi bumili. Ang lahat ng bill ay sinagot na ni Trudis, at makalipas ang isang linggo ay maayos na ang kalagayan ni Sanda. Nakakalakad na din ito, kaya't dinis-charge na ito ni Trudis sa ospital. Sa bahay nalang muna niya ito magpapagaling mabuti.
Labis ang pasasalamat sa kanya ng bata. Talagang wala pa itong alam, at inosente.
"Ilang taon kana nga pala, Sanda?", tanong niya dito sa gitna nang pagkain nila ng hapunan.
"magka-katorse na po ako, Aling Trudis.", sagot nito na nakangiti sa matanda.
"Bukas luluwas tayo ng Manila, ha? Nakapunta kana ba doon?"
"ho! Hindi pa ho, Aling Trudis, nakikita ko lang sa tv, at mga larawan."
"ganu'n ba? O, eh 'di bukas makikita mo na ito ng personal. Maganda du'n. Naroon ang Jollibee. Kakain tayo doon, ha? Gusto mo ba?", ang pang-aakit pa ni Trudis kay Sanda.
"Gusto ko, ho Aling Trudis. Pero pa'nu ang Tiyang ko. Sana kasama natin siya..", at lumungkot na bigla ang mukha nito. Na kanina'y kababakasan ng kasiyahan.
"ha? Ah, eh, nakakulong nga ang Tiya mo, kaya pa'nu natin siya isasama?
Tayo nalang muna. Pasalubungan mo nalang siya pag-uwi natin. Madali lang naman tayo du'n!"
"mmmmhmm, Sige na nga, po, Aling Trudis. Alam ko naman mabait kayo s'kin.", sagot ni Sanda dito na 'di man lang nag-isip.
"Oo, naman Sanda, 'di ba nga ako ang nagpagamot sa'yo?"
"kaya nga ho, eh. Ang laki ng utang na loob ko sa inyo Aling Trudis. Hulog kayo ng langit s'kin. Sa katunayan nga po, ngayon lang ako nakakain ng mga pagkain na hinahanda ninyo s'kin. Pati po itong mga damit ko binigay n'yo pa. Hayaan n'yo po, kapag bumalik na ako sa panglilimos, makakaipon na ako para mabayaran ko po kayo, kahit pa'nu!"
"Kow! 'Kaw talaga bata ka! Bigay lang lahat 'yan. Huwag mo nang bayaran. Ipunin mo nalang para sa sarili mo.
O, pa'nu? Pagtapos mo kumain, matulog ka na, ha? At maaga tayong luluwas bukas. May dadaaanan pa kase tayo."
"sige po, Aling Trudis."
Nagpatuloy nang kumain ito, at nang makatapos ay tumulong lang siya nang konti sa pagliligpit ng pinagkainan nila, at nag-derecho na din sa kanyang kwarto na binigay ni Trudis sa kanya.
Lihim naman na nagdiwang si Trudis. Sinigurado muna niyang sarado, at tulog na si Sanda bago tinawagan si Larry. Aabisuhan kase niya ito na dadating na sila bukas doon sa casa. Apat ang kanyang dala. Hindi pa man niya nakikita ang kabayaran sa kanyang pera ay nagbibilang na agad siya kung ilan ang kokobrahin niya bukas kay Larry.
.
.
.
Itutuloy. . .
BINABASA MO ANG
Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )
RomanceTeaser Biktima si Cassandra Perez ng human trafficking. Huli na nang madiskubre niya na ibubugaw sila ni Aling Trudis. Dinala sila nito sa casa, o bahay aliwan kapag gabi. Walang nagawa ang pagtutol niya. Subalit kung kailan naman na niyakap na niy...