" Ipagdasal nalang natin ang kaligtasan niya, neng. Hindi ko rin naman alam kung ano ang sinasabi mo... " Sagot ni Mar kay Angel. Lito ang kanyang isip. Hindi niya inaasahan na ganu'n ang itatanong nito pagkagising.
Pagdaka'y napatakip ang bata sa bibig nito at naalala ang sinabi ng kausap kanina.
" Ibig nyo po sabihin si kuya Randy ang nagdala s'kin dito? Nahuli din pala nila ako?! " Wika ni Angel nang mapagtanto ang mga sinabi kanina, saka pinanghinaan din ng loob.
Kung gayu'n, nahuli din siya ni Larry! Wala na talaga silang takas pa ng ate Sanda niya. Kamatayan nalang nila ang pwede para makatakas sa impyernong bahay nito.
" Teka, sinong Larry? Ako lang ang nagbabantay sa'yo dito. Si Randy bumalik sa trabaho nya. " sabat na muli ni Mar sa kausap. Naguguluhan siya sa mga pangalan na binabanggit nito. Hindi niya mga kilala.
Napakunot ng noo si Angel. Para yatang hindi sila nakakaintindihan ng kausap. Pinili nalang niya ang manahimik. Hihintayin nalang niya si Randy para makausap ito.
Nang makabalik naman si Randy sa bahay ni Larry ay palihim siyang pumasok. Tamang-tama at wala ito doon kundi ang guard lang na nasa gate, at dalawang tauhan nito na kilala siya.
" O, Randy, bakit ngayon ka lang bumalik? Hinahanap ka ni Boss ah.... " Ani isang tauhan ng makapasok ang binata. Nakatitig pa ito sa mga mata niya at parang naghihinala.
" huh? N-nag-exam k-kase ako sa school.... Katatapos lang namin...kaya matagal ako bago nakabalik. Kamusta na nga pala dito? " Sagot naman ng huli. Ingat na ingat sa mga sasabihin. Medyo kinakabahan kase siya na malaman ng mga ito na nasa poder niya si Angel. Ang isa sa mga nakatakas na alaga nito.
" Ahh...ganu'n ba... Eto' natakasan si Boss nu'ng dalawang alaga nila.... " Ito muli. Bumaling na ng harap papunta sa dating pwesto.
" Huh? Pa'nu? Anong nangyari? " Pagmamaang-maangan naman ni Randy. Kunwari'y wala siyang alam. Pinaseryoso niya ang mukha, at pinaniwala ang kausap.
Sinamantala na rin niya ang pagkakataon na alamin kung nasaan si Sanda ng hindi nito nahahalata. Mabuti nalang at ganado ito magkweto kaya lahat ng impormasyon ay nalaman niya dito. Subalit isang malaking katanungan ang nasa isip niya. " Sino ang tumulong kay Sanda? " iyon ang ibinulong ng kanyang isip. " Nasa maayos kaya itong kalagayan? " Dagdag pa niyang tanong sa isip.
Saka iniba na niya ang topic nila nito at baka magduda pa. Ilang sandali pa silang nagkausap bago niya ipinasyang magpaalam dito. Papasok na siya sa loob ng bahay at gagawin ang mga trabaho niya.
~
Sa bahay kung nasaan sina Cristy at Ronnie ay ginagamot ng una ang daplis na tama sa balikat ng binata na partner niya. Mabuti nalang at kahit pa'nu'y may pinag aralan siya sa pagbibigay ng first aid. Pinahiram na rin muna niya ito ng t-shirt. Yung malalaki na ginagamit niya pantulog.
" Salamat ha....
Kung 'di ka siguro dumating malamang na-corner nila ako at ngayon ay bihag na, or worst bangkay na! " Wika ni Ronnie sa dalaga na kasama sa serbisyo.
" Wala yun! 'Nuh ka ba! What being partners for?! Ha ha! Marami pang pagkakataon, bawi ka nalang! " Sagot naman ni Cristy. Natatawa pa siya dahil napapangiwi ito sa kada pahid niya ng alcohol sa sugat nito.
" Awwwwww! Aww awww! Ako nalang magpapahid! Huhhh! "Sigaw na nito..halos maluha na sa sakit.
Napahagalpak naman ng tawa si Cristy sa ginawang kalokohan, saka ibinigay na dito ang cotton na hawak niyang may alcohol.
" Arte! Hmp! Ha ha ha! " Hirit pang pang-aasar ng dalaga.
Tumayo na ito at pumunta sa harap ng computer. Kailangan niyang mai-submit ang mga nakalap na ebidensya na magdidiin kay Larry Sandoval para maaresto ito ng tuluyan at maipakulong.
Nang maipasa niya ang mga datos sa via email sa kanyang head officer ay nag-ring naman ang kanyang cellphone na nakapatong sa kanya computer table. Si Agnes ang tumatawag. Agad nyang kinuha ito at sinagot. Subalit umiiyak ang bumungad sa kanyang boses nito. Naalarma si Cristy para sa mga kinikilalang magulang.
" Ma', ano po'ng nangyari? B-Bakit—- "
Naputol ang iba pang sasabihin ng dalaga pagkat may halakhak ng lalaki siyang narinig. Nanlaki ang kanyang mga mata at nag alala sa mga magulang.
" Kamusta, Ms. Pulis? " Wika ng tinig sa kabilang linya. Ngising demonyo ito, at nang aasar ang pagkakasabi. Binuntutan pa nito iyon ng tawa.
" Hayop ka Larry! Huwag mong idamay ang pamilya ko!! " Nanggigil na sagot ni Cristy sa kausap. Natatakot siya na baka kung ano ang gawin nito sa mag asawang pinagkakautangan niya ng pangalawang buhay. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nadamay ang mga ito.
" Bakit? Sino ang kausap mo? " Tanong ni Ronnie. Hindi namalayan ng dalaga na nalapit na pala ito, at wala na pala ang kausap niya sa cellphone na hawak.
" Sina Mama! Bihag sila ni Larry! Bakit dinamay pa nya ang pamilya ko?! " Naluluhang sagot ni Cristy sa binatang kaharap.
" Ano?! " Lito namang sagot nito saka nakarinig sila ng mga putok ng baril sa labas ng bahay.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )
RomanceTeaser Biktima si Cassandra Perez ng human trafficking. Huli na nang madiskubre niya na ibubugaw sila ni Aling Trudis. Dinala sila nito sa casa, o bahay aliwan kapag gabi. Walang nagawa ang pagtutol niya. Subalit kung kailan naman na niyakap na niy...