Nakarating sila sa loob ng bahay ni Larry. Isa ito sa mga hidden buisness ng huli. Piling mga tao, at banyagang mayayaman lang ang nakakapasok doon. Bukod kase sa twenty four hours security sa gate palang ay nakapa libot din ang mga tauhan ni Larry sa buong bahay. Dagdagan pa na malakas ang koneksyon niya sa mga pulis, dahil kabilang din siya dito.
" O, Trudis! It's good you're here. Kanina pa kita inaantay. Sila na ba? " Ani Larry na patungo sa kinauupuan nila Trudis, at dalawang bata na sina Sanda, at Angel.
Napangiti ang matanda pagdaka. Ngiti na kakikitaan ng tagumpay dahil pera na naman tiyak ang kapalit ng mga bata na dala niya.
" Syempre naman Boss. Sino pa ba dadalhin ko sa'yo? Ha ha ha! " Sagot ni Trudis. May kasama pang tawa na nasisiyahan, o nasasabik.
" Hanah, ipaghanda mo ng meryenda ang mga bata. May pag uusapan lang kami sa veranda ni Aling Trudis. At alam mo na kung ano gagawin sa kanila. " Utos ni Larry sa kanyang kanang kamay na si Hanah. Karelasyon niya ito, at nagsisilbing tutor sa mga baguhan na pinapasok doon. Lalo na sa mga bata.
" Yes Babes, ako nang bahala sa kanila. " Ani Hanah naman agad kay Larry. Sanay na siya sa mga ganu'ng senaryo.
Bata pa din naman si Hanah. Nasa edad bente siete pa lang ito. Maganda ang katawan na nakapanghahalina sa mga lahi ni Adan. Nasadlak siya sa ganu'ng trabaho mula nung disi-sais pa lamang siyang. Dahil na din sa kanyang madrasta. Ibenenta siya nito sa halagang dalawang libo. Pero hindi doon natapos ang buhay niya. Pagkat lahat ng naranasan niya'y nagpatibay lang sa kanyang pagkatao, at natutong lumaro sa sugal ng buhayg. Kaya heto siya ngayon. Tanggap kung anumang kapalaran meron siya, at mananatiling nakalubog sa putik kung kinakailangan. Tutal wala na siyang ibang pamilya. Gagamitin niya ang kanyang ganda, at perang tinatamasa sa pansariling kapakanan.
" Anung nangyari? Akala ko ba tatlo 'yang dadalhin mo s'kin? Bakit naging dalawa na lamang 'yan? " Panimula ng usapan ni Larry. Nandoon na sila sa veranda ni Trudis, at nakaupo. May kape na ding ipinahanda doon si Larry para sa kanilang pag uusap.
" huh, k-kase natakasan kami sa daan nu'ng isa. Kaya 'yan! Dalawa lang nadala ko. Pero babawi nalang ako next time boss. Pa-advance na muna. Sure namang mga bagong sibol pa 'yang dala ko, at malaki kikitain mo. " Ani Trudis naman sa kaharap. Medyo kinabahan siya, pero nakaisip din ng dahilan.
" Tsk! Kahit kelan talaga ang isang 'yun! Pahamak! " Hiyaw pa ng isip ni Trudis. Sayang kase talaga si Cristy. Kundi lang sa lover-driver niya, 'di sana tatlo ang nadala niya.
" Advance? Whoa! Thirty thousand lang ang ibibigay ko sa'yo para sa dalawang 'yan. Remember, nag-advance kana s'kin last month, kaya bawas iyon ngayon. So, kukunin mo ba, o hindi? "
" Luh, naman boss, baka pwede makahirit. Lugi pa ako dyan, eh! Malaki naman kitain mo sa mga 'yan. "
" Walang hirit ngayon Trudis. Saka na pag nangyari 'yang sinasabi mo. Heto ang cheque. Nakasulat na 'yan, at 'di ko na babaguhin pa. Pinal na ang usapan. Hanggang sa muli. Sana agahan mo naman ng paghahanap. Ang tagal, eh! Limang buwan bago nasundan. Wala tuloy ako maibigay na mga bago sa mga parokyano na pumupunta dito! "
" Wah! Ang kuripot talaga, oh! Hmp! Sige na nga, mas okey na din 'to, kesa wala.
Mahirap kaya boss maghanap. Buti nga natagpuan ko mga 'yan. "
" O, sige. May aasikasuhin pa ako na transaksyon ngayon, kaya mauna na ako sa'yo na umalis, huh? May mga darating pa kase. Papa ayos ko ang mga silid. " Sabay tayo na ni Larry, at namaalam kay Trudis.
Naiwan naman ang huli na nakaupo pa din. Abala sa pagtingin sa cheque na binigay sa kanya. Pero nang maulian ay nagmamadali na ding inubos ang kape na para sa kanya, at tumayo.
Magara ang bahay na iyon, at walang mag-aakala na bahay-aliwan ito. Aakalain lamang ito sa labas kung makikita ay ordinaryong bahay na pang-mayayaman.
~
Namamangha naman sina Sanda, at Angel sa kanilang mga nakikitang kagamitan sa loob ng bahay. Wala sa isip nila ang kapahamakan na naghihintay.
" Kain lang ng kain mga hija, libre lahat 'yan, at para sa inyo. Ako nga pala ang si Hanah. At simula ngayon dito na kayo titira. Tawagin n'yo nalang ako na Tita Hanah. " Ani Hanah sa dalawang bata na patuloy ang pagkain. Gutom kase ang mga ito sa byahe kaya ganado.
" Opo, Tita Hanah. Salamat po sa mga pagkain na ibinigay ninyo. Ngayon lang kami nakakain ng ganito kasarap. Sa TV lang namin 'to nakikita sa probinsya, eh! Ang swerte naman namin. At dito pa kami titira, 'diba ate Sanda? " Si Angel. May amos pa ito sa bibig, at panay ang nguya.
Tumango lang naman si Sanda. Tahimik lang siya, at nakikiramdam sa mga kilos ng mga tao na nakapaligid sa kanila.
Hindi siya kampante. Parang may 'di magandang mangyayari. Pero pilit niya iyong iwinawaksi sa isip.
.
.
.
I t u t u l o y. . .
BINABASA MO ANG
Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )
RomanceTeaser Biktima si Cassandra Perez ng human trafficking. Huli na nang madiskubre niya na ibubugaw sila ni Aling Trudis. Dinala sila nito sa casa, o bahay aliwan kapag gabi. Walang nagawa ang pagtutol niya. Subalit kung kailan naman na niyakap na niy...