Chapter 28

6.8K 63 0
                                    

 " Ronnie! " ani Cristy sa kasama, saka alisto silang lumabas. Inunang puntahan nila ang kwarto ni Sanda. Subalit pagkakita ni Cristy dito'y may tama na ito ng bala.


" t-tulungan m-mo 'k-ko! " hirap na salita nito. Babagsak na sana ngunit naagapan ito ni Cristy na saluhin.

" Sanda! Sanda! Kayanin mo! Wag kang pipikit! Ronnie, dadalhin ko na sya sa ospital! Cover up mo kami! " Tarantang sigaw ni Cristy sa kasama. Patuloy ang pagdugo sa tinamong tama ng baril sa tagiliran ng katawan ni Sanda. Binuhat na ito ni Cristy. 


Nagmamadaling inilabas nang bahay at derecho sa kanyang kotse. Si Ronnie naman ang bumabaril sa mga tauhan ni Larry. Dalawa na ang napatay nito, nang tumigil sa pagpapaputok at umalis.

Sinalubong naman agad sa ospital sina Cristy ng mga doctor at nurse. Wala nang pakialam pa siya kung nalagyan din ang kanyang damit ng dugo nito. Ang mahalaga'y maasikaso agad si Sanda.


" Dok, gawin nyo po ang lahat mailigtas lang sya! " Nag aalalang wika pa niya sa doktor bago tuluyang isara nito ang emergency room. Isang tango lang ang isinagot nito.


Tumawag naman agad si Ronnie sa mga kasamang pulis, at inireport ang nangyari sa kanila. Nagpa back out din muna siya doon sa bahay ni Cristy. Baka kase balikan siya ng mga tauhan ni Larry.


" Cristy! Ano kamusta ang bata? " Wika ni Ronnie. Tinawagan niya ito sa cellphone.


" Wala pa. Hindi pa lumalabas ang mga nurse o doktor. " Ani naman nito sa kabila.


" Pupunta pa ba ako dyan? " Si Ronnie muli.

" Wag na Ronnie, asikasuhin mo muna dyan, at baka bumalik sila. Kaya ko na dito! " " ok sige. Mag ingat ka. Pag tumawag ulit si Larry i-locate mo, para mapuntahan namin. "


" Oo, sasama ako, sure ko lang ang bata na okey na ang kundisyon!


" sige. " Maikling sagot nalang ni Ronnie sa dalaga, at pinutol na ang linya.


Ibinaba na rin naman ni Cristy ang cellphone na hawak. Nanlalamig ang kamay niya, at kinakabahan sa maaring resulta ng kundisyon ni Sanda.

" Lord, huwag mo po siyang hayaang mamatay. Napakabata pa po niya please! " Tiimtim na dalangin ng dalaga habang nakaupo ito sa upuan.

Nagpaalam naman si Randy na aalis na sa trabaho niya bilang boy sa Casa ni Larry. Wala na rin naman kase si Hanna ang tumanggap sa kanya doon at nagpapa sweldo. Ibinalita ito sa kanya na napatay ito sa shoot out na kinasangkutan, kasama ang ibang tauhan ni Larry. Kaya naisip niya na bago siya madamay at paghinalaan ay aalis na lamang siya.

" Hindi kana ba papipigil, Randy? Wala pa si boss Larry eh... Pa'nu ang tirang sweldo mo? " Wika ng isang tauhan ni Larry, si Mando. Doon ito pinagbantay.

" Konti nalang naman 'yun, tatawag na lamang ako sa kanya kuya. Kailangan kase, masyado na ako abala sa school. Graduating na kase ako. " Sagot naman ng binata. Dala na nito ang kaunting mga damit na gamit niya doon.

" O, sige. Sasabihin ko nalang din kay Boss. Madami pa kase inaasikaso sa ngayon. "


Isang tango lang ang isinapot muli ni Randy dito, at tumalikod na para lumabas ng gate. Mas pinili niya na gumawa na ibang dahilan para hindi siya pag isipan ng kahina-hinala.


Pero nang makalabas siya doon ay isang desisyon ang kanyang pinangako. Ewan, pero pinanabikan niya ang mga halik ng dalaga. At labis siyang nag aalala kung ano na ang kalagayan nito.


Ilang saglit lang ay naroon na siya sa ospital para puntahan si Angel. Kukumustahin niya ang kalagayan nito, at maghahanap na rin ng lead para matagpuan niya si Sanda. Sigurado na magtatanung ito tungkol sa kasama.


" Ano bang kelangan nyo? " Sigaw ng asawang doktor ni Agnes. Si Edward. Kagalang-galang ang anyo nito, at isang tingin mo pa lang ay alam mo nang propesyunal. Sa mga pananamit palang nito at kutis.

Naroon ang mag asawa sa bahay ng mga ito. Nakatali silang dalawa pati ang mga kamay at paa. Piniringan din ng mga tauhan ni Larry ang mga mata ng mag asawa. Lahat ng appliances nila, alahas, at pera sa vault ay nilimas ng mga ito. Pero may kulang pa. Papatayin niya ang anak ng mga ito. Si Cristy. Maging si Sanda at lulumpuhin niya ang mag asawa!


" Ako wala, pero ang baril ko meron! " Sagot ni Larry kay Edward. Pinahagingan pa nito iyon ng putok ng baril.


" Bang! " sabay tumawa ng nakakaloko.

Nakaramdam naman ng ibayong takot ang mag asawa. Wala silang kaalam alam sa nangyayari. Nanahimik na lamang ang mga ito, at nagdasal.

Kinuha muli ni Larry ang cellphone ni Agnes. Kinuhanan nya ng larawan ang dalawang bihag, at pinadala sa dalagang pulis. Kasunod ang mensahe niya para dito.


" Bukas, alas dose ng hating gabi, puntahan mo ang mga magulang mo dito sa bahay nyo, at dalhin mo si Sanda! " iyon ang nakalagay sa text nito kay Cristy.

Napa-igtad naman ang dalaga sa pagkagulat ng tumunog ang kanyang cellphone. Pahiwatig na may nagtext dito. Naroon na siya sa silid kasama si Sanda, na payapang nakatulog muli. Nakaligtas ito sa operasyon, at kailangan na lamang ng pahinga.

Pagkabukas niya sa message na natanggap ay napatakip siya ng bibig. Ang kanyang mga kinikilalang magulang. Bihag ni Larry.


" Napakasama mo talaga Larry! " Nanggigigil niyang sambit. Saka siya napaiyak na ng tuluyan. Ilang sandali bago siya kumalma. Naisip niya ang text ni Larry. Pa'nu niya madadala si Sanda ay bagong opera ito at nagpapalakas pa? " Helo, Ronnie! " Ani Cristy sa kasama na nasa kabilang linya. Tinawagan na niya ito para ipaalam kung nasaan sina Larry. Kilala niya ang lugar na nasa larawan.


" Yes, ano na? Kinontak ka naba ulit? " Sagot ng binata sa kabila. Nandoon ito sa station ng mga oras na 'yun.

" Oo, nag text lang ang animal! Bihay nila sila daddy Ronnie! Bukas ng twelve midnight pinapapunta ako. Dalhin ko daw ang bata! " Nababahalang sumbong ni Cristy sa kasama.


" Ssssht, kumalma ka lang Cristy, mahuhuli natin sina Larry at maililigtas ang mga magulang mo... "

" Hindi ko maiwasan! Please, hindi ko mapapatawad sarili ko kapag napahamak isa man sa kanila! " Umiiyak nang wika muli ni Cristy.


" Oo, paplanuhin natin ang lahat! Ok naman na ang bata di ba? "

" Oo, Ron! Kailangan lang muna niya ng pahinga. " Ani Cristy sa kausap. Subalit napalingon siya sa pinto ng bumukas ito..


Itutuloy...

Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon