Chapter 1: Fool

2.2K 202 57
                                    

Chapter 1 - Fool


Kailan mo ba mapapansin na ikaw lang ang gusto ko at walang iba?


~♡♡♡♡♡♡♡~


ISANG bagong taon ng kabataan... isang bagong yugto ng istorya.

Lahat ay abala sa kani-kanilang paghahanda para sa unang araw ng klase. Ang ilan ay nananabik sa kanilang maaaring muling maranasan sa kolehiyo, habang ang ilan naman ay hindi pa rin handang harapin ang bagong taon at tila'y ninanais na dugtungan pa ang bakasyon. Ang mga bago naman ay tila nakararamdam ng magkahalong pananabik at pangamba sa bagong yugto ng kanilang buhay.

Mangilan-ngilan na lamang ang mga estudyanteng naglalakad sa iba't ibang bahagi ng campus papunta sa kani-kanilang silid-aralan. Halos nakapasok na ang karamihan at sinisimulan ang unang oras para makilala ang lahat.

"Ano ba 'yan! Late na 'ko." Pagmamaktol ni Yannie habang tumatakbo siya sa hallway papuntang Department of Arts and Management. It's her first day in college at mukhang magkakaroon agad siya ng bad record dahil sa pagiging late.

 It's her first day in college at mukhang magkakaroon agad siya ng bad record dahil sa pagiging late

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Palapit na siya sa pinto ng kanilang classroom nang may umakbay sa kanya.

"Woh! First day of class, late na tayo." Bigla na lamang lamang siyang nakaramdam ng malakas na pagdabog sa kaliwang dibdib niya nang mapagtanto niya kung sino ang taong 'yon.

Si Jerson Brylle Palmeno o mas tinatawag na lang niya sa pangalang Jerson. Kababata na niya ito simula pa noong anim na taong gulang pa lamang sila. Magkasama sila palagi at sanay na sila sa isa't-isa.

 Magkasama sila palagi at sanay na sila sa isa't-isa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tsk. Tanggalin mo nga 'yang kamay mo. Ang bigat bigat." Reklamo niya sabay tanggal sa braso nito na nakapalupot sa balikat niya.

Sa totoo lang, kahit ilang taon na silang magkasama, she still feels awkward 'pag sobrang lapit sa kanya ng kababata. Lumalakas kasi ang tibok ng puso niya 'pag malapit si Jerson sa kanya at parang nag-ma-malfunction ang utak niya dahil natutulala na lang siya.

Taking A Step Towards You | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon