Chapter 4: Feelings

937 125 54
                                    

Chapter 4 - Feelings


"...May mga bagay talaga ang nasasakripisyo 'pag nagmamahal..."


~♡♡♡♡♡♡♡~


"UY! Gising na!" 'yon ang narinig ni Yannie ngunit 'di niya iyon pinapansin. Napuyat kasi siya sa kakaisip dahil sa ginawang pagtatapat ni Yuri kagabi. Sabado ngayon at wala silang klase kaya ayos lang kahit late siyang magising.

"Gising na! Hoy Yannie!" naramdaman niya na may daliring sumusundot sa pisngi niya pero hindi niya iyon pinansin bagkus ay inilagay pa niya ang ulo niya sa ilalim ng unan. Bali nakatakip ng unan ang ulo niya.

"Yannie! Uy!" naramdaman niya na may kumurot sa braso niya kaya napasigaw siya.

"Araaaaayyyy!! Ano ba!?" sigaw niya pero hindi pa rin siya bumabangon.

"Gising na kasi. 10 AM na oh!"

'Kaaga-aga nang-aabala.'



HINDI malaman ni Jerson kung paano gigisingin ang kababata. Pinuntahan niya kasi ito sa bahay nito dahil mag-aaya siyang umalis kasama ito.

Dahil sa nahirapan siyang gisingin ito ay kiniliti niya ito.

Tumatawa na biglang napabangon si Yannie sa ginawa ni Jerson kaya't sinigawan niya ito. "ANO BA!? ANG AGA-AGA NANG-IISTORBO KA!" Ayaw kasi ni Yannie na kinikiliti siya.

"Aba? May period ka ba? Ba't ka naninigaw eh hindi ka naman ganyan 'pag ginigising kita."

"Nakakainis ka kasi!"

Sa totoo lang ay hindi naman talaga madaling mainis si Yannie 'pag inaabala ang tulog niya. Pinipilit niya lang talagang makaramdam ng inis sa kababata dahil gusto niyang makalimutan ang nararamdaman niya para kay Jerson.

Ngunit kahit anong gawin niya ay talagang hindi niya kayang magalit o mainis man lang dito. Mainis o magalit man siya dito, nawawala rin iyon agad.

"Ano ba kasi 'yon?" tanong niya.

"Tara, out of town." sagot ni Jerson.

"Out of town? Ngayon?"

"Oo nga. Ang kulit."

"Saan?"

"Wag ka ng magtanong. Basta maghanda ka ng masusuot mo good for one day. Beach ang pupuntahan natin kaya mag-ayos-ayos ka na."

"Teka, magpapaalam muna ako kay—" hindi na natuloy pa ang sinasabi ni Yannie dahil tinikom na ni Jerson ang bibig niya.

"Don't worry. Naipaalam na kita kay tita. Malakas ako do'n eh."

"Whatever!"

Mga kalahating oras nang nakapag-ayos na si Yannie.

Isang sky blue na backpack ang dinala niya na naglalaman ng ilang kailangang gamit.

Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto at bumaba na dahil alam niyang naghihintay sa sala si Jerson.

Pagkababa ni Yannie ay nakita niya rin si Ren na may dala ding backpack. Mukhang inaya rin ito ni Jerson.

"Good morning, Ren!" nakangiting bati niya.

"Good morning."

"Gano'n? Sa kanya 'good morning'? Tapos ako, sigaw ang natanggap ko sa'yo kanina." reklamo ni Jerson at ngumuso siya.

Taking A Step Towards You | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon