Chapter 9: Music

619 54 24
                                    

Chapter 9 - Music


"Hindi kita pwedeng mahalin..."


~♡♡♡♡♡♡♡~


"KAINIS! Late na naman ako!"

Nagmamadaling tumatakbo si Yannie papuntang silid-aralan nila. Na-late na naman kasi siya ng gising kaya heto, nagmamadali siyang muli na hindi mahuli sa unang subject nila.

Paliko na siya papunta sa isa pang corridor ng kanilang department nang may nakasalubong siyang likod ng lalake. Dahil sa kamamadali at bilis sa pagtakbo ay nabunggo siya roon.

"Aray." Hinawakan niya agad ang ilong niya dahil nabunggo iyon sa likod ng lalake. Inimulat niya ang mata niya para makita kung sino ba ang binangga niya. Nanlaki agad ang mata niya nang makita niyang hahawakan na nito ang ilong niya.


Si Ren.

"Sorry Yannie. Masakit ba?" nag-aalalang tanong nito. Muli na namang naramdaman ni Yannie ang mabilis na tibok ng puso niya nang akma nang hawakan ni Ren ang ilong niya para matingnan kung may sugat o anuman. Agad niyang iniliko sa gilid ang mukha niya, iniiwas niya ang paghawak ni Ren sa ilong niya at iniiwas niya ang mapatitig sa nag-alala nitong mukha.

"O-okay lang ako. K-kasalanan ko naman." Nauutal niyang sagot na hindi tumitingin sa kaibigan. "S-saka ako dapat ang m-mag-sorry, ako ang bumunggo sa'yo."

"No need to say sorry. Saka ikaw naman ang napinsala dito eh. Okay ka na ba?"

Tumango lamang siya.

"Okay then, tara pasok na tayo. Malapit na tayong ma-late." Hinawakan siya nito sa wrist niya para akayin na siyang maglakad papuntang classroom nila. Nagulat si Yannie sa simpleng gesture na 'yon ni Ren kaya agad niyang itinabig ang kamay nito na nakahawak sa wrist niya. Tiningnan niya ang mukha ni Ren... bakas dito ang pagkagulat.

Tinalikuran niya ang lalake at saka siya tumakbo nang mabilis papunta ng classroom nila.

'Shems! Ba't ko ginawa 'yon? Ano bang nangyayari sa akin?'

Buong klase sa umaga ay parang wala sa sarili si Yannie. Hindi kasi siya mapakali. Minsan napapasulyap siya sa katabi niya, kay Ren. Pero 'pag nahuhuli nito ang sulyap niya ay agad siyang umiiwas ng tingin at lagi niyang nararamdaman ang palaging kakaibang tibok ng puso niya.

Hindi na maintindihan ni Yannie ang sarili niya. Palagi siyang kinakabahan 'pag nasa malapit si Ren. At dahil katabi niya pa ang lalake, nakakaramdam siya ng parang kuryente 'pag nadidikit ang balat niya dito.

"Okay ka lang ba Yannie?" tila ay nagising sa realidad si Yannie nang marinig niya si Jerson na nasa harapan niya ngayon. Nakaluhod ito para pantayan ang level niya dahil nakaupo siya.

Hindi niya alam kung dahil ba sa gulat na bigla itong nagsalita o dahil sa mahal niya ito kaya bigla siyang nakaramdam muli ng mabilis na tibok ng puso niya-tibok na parang nararamdaman niya kay Ren. Napatitig siya sa mukha ng kababata at naramdaman niya na mas dumoble ang bilis ng tibok ng puso niya. 'Mahal kita... Jerson.'

"Na-cu-cute-an ka naman sa akin." Nakaramdam siya ng biglang pag-init ng mga pisngi niya ng sabihin iyon ni Jerson. 'Nakakahiya. Ba't ko ba kasi siya tinititigan ng gano'n?'

Mahinang sinampal niya ito sa pisngi. "H-hindi ah! Ang kapal mo."

"Weh? Deny ka pa eh." Sabi nito at saka ngumisi. "Problema mo? Ang lalim ng iniisip mo tapos tingnan mo oh, namumula ang mukha mo. May lagnat ka ba?" tanong nito habang nakaturo sa pisngi niya na namumula raw.

Taking A Step Towards You | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon