Chapter 3: Confess

1K 143 50
                                    

Chapter 3 - Confess


"Pa'no niya malalaman kung 'di mo sasabihin? Marami kang chance. Kung patuloy mo lang 'yan itatago, baka mahuli ka na at mahulog na siya sa iba..."


~♡♡♡♡♡♡♡~



"GOOD afternoon po." Bati ni Ren sa ina ni Yannie nang makapasok na sila ng bahay nito. Nadatnan niya kasi ito sa sala na nanonood ng TV.

"Good afternoon!" nakangiting bati pabalik ng ina ni Yannie. "Oh? Anong nangyari? Napaliyan ka ba 'nak?" tanong niya nang mapagtanto niya ang paika-ikang lakad ng anak.

"Ayos lang po ako, ma." Sagot ni Yannie at tumingin kay Ren. "Maupo ka muna. Kaya ko nang pumasok sa kwarto nang mag-isa."

"Teka anak, sa taas pa ang kwarto mo. Baka mamaya, malaglag ka diyan." Sabi ng ina.

"Hindi po. Kaya 'yan." Sagot ni Yannie.

"Tulungan na kita." Pagprisinta muli ni Ren.

"Huh? Naku, hindi na. Kaya ko na talaga 'to, swear!"

"Tama. Pakialalayan muna siya ha? Kukuha lang ako ng meryenda." Sabi ng ina ni Yannie kay Ren.

"Ma!?"

"Wag ng maarte. Buti nga't may lalakeng tumutulong sa'yo. Kagwapo pa naman." Sabi ng ina habang papunta ng kusina.

Nag-make face na lamang si Yannie. 'Si mama talaga.'

Nagkibit-balikat lamang si Ren at inalalayan na si Yannie sa pag-akyat ng hagdan hanggang sa kwarto nito.

"Salamat ha? Sige dun ka muna sa baba. Hintayin mo 'ko." Sabi ni Yannie kay Ren.

"Bababa ka pa 'di ba? Hintayin na lang kita dito sa labas." Prisinta muli ni Ren.

"Kaya ko na."

"Maawa ka sa konsensya ko 'pag may nangyari sa'yong masama."

"S-sige na nga." At pumasok na si Yannie ng kwarto niya habang naghihintay sa labas si Ren.

Pagkapasok ni Yannie ng kwarto ay agad siya sumandal sa pinto no'n.

'Nakakainis ka, Jerson! Buti pa si Ren, nagpumilit na tulungan ako. Pero ikaw?'

Bigla na lamang niyang naisip si Ren. Buti pa ito ay naiintindihan ang nararamdaman niya kahit kakakilala lang nila kanina. Ngunit ang kanyang matalik na kaibigan ay parang walang pakialam sa nararamdaman niya at lahat na lang ay trip.

Mga ilang minuto din ang nakalipas nang matapos na siyang makapagpalit ng pambahay ay lumabas siya agad ng kwarto niya dahil alam niyang naghihintay si Ren sa labas.

Tulad nga ng inaasahan, nadatnan niya ang kaklase na nakasandal sa pader pagkalabas niya.

"Matagal ba 'ko masyado?" tanong niya.

"Hindi naman. Tara, baba na tayo."

Tumango lamang siya.

Pagkababa nila ay inalalayan pa rin siya nito hanggang sa pag-upo.

'I didn't expect na ganito pala ka-gentleman si Ren.'

"Oo nga pala, nasa'n si Jerson?" bigla na namang nagbago ang mood ni Yannie sa tanong ng kanyang ina. Kasalukuyan kasi itong naghahanda ng meryenda para sa kanilang dalawa ni Ren. "Hindi 'ata kayo magkasama."

Taking A Step Towards You | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon