Chapter 10: Misunderstood

501 54 57
                                    

Chapter 10 - Misunderstood


How I wish I never fell so hard in love with you.


~♡♡♡♡♡♡♡~



"YANNIE, anak. Nandito si Jerson. Bumangon ka na diyan." Napamulat ng mata si Yannie nang marinig niya ang boses na 'yun ng kanyang ina. Napatingin siya sa orasan na nasa bedside table niya.

'Ano na naman ba ang pakay niya? Ang aga-aga.'

Hindi na lamang siya kumibo at nagdesisyon na lamang siya na ituloy ang kanyang tulog.

Ngunit hindi niya na magawa pa nang maalala niya ang nangyari kagabi sa 18th birthday party ni Yuri. Muli ay nakaramdam na naman siya ng masakit na pitik sa dibdib niya. Naiiyak na naman siya.


"Nandito na tayo, Yannie. Gising na." Naalimpungatan si Yannie nang marinig niya ang boses na 'yon ni Ren. Naramdaman din niya ang mahinang pagyugyog nito sa balikat niya.

Inimulat niya ang mata niya. Muli ay naramdaman na naman niya ang isang kakaibang pakiramdam nang makita niya ang gwapong mukha ng lalakeng nasa harapan niya. 'Stop this kind of feeling, Yannie!'

"Ren?"

"Nandito na tayo sa bahay niyo. Halika na nang makapagpahinga ka na."

Saglit na nginitian niya ang kaibigan. "Thanks."

Lumabas na si Yannie sa kotse. Bago siya tuluyang nag-martsa papasok ng gate ng bahay nila ay narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Ren. Matipid na ngiti na tiningnan niya ang kaibigan.

"You will be okay." sabi nito at saka sinimulang nagmaneho.

Nakatingin lamang si Yannie sa papalayong kotse ni Ren. Sa ilang ulit na pagkakataon ay naramdaman na naman niya ang tuloy-tuloy na pagbaksak ng luha niya. Naalala niyang muli si Jerson.

'I will be okay. Yes, I will.' Sabay punas ng kanyang luha.


"Yannie..." biglang napabangon si Yannie nang marinig niya ang boses na 'yon. Nakita niya si Jerson na nakatayo sa harapan niya.

"J-Jerson.."

Napatitig si Jerson sa mukha ni Yannie. Napansin niya ang mga mata nito. "Okay ka lang? Anong nangyari sa'yo? Ba't mugto 'yang mata mo?"

Napatalikod si Yannie sa tanong na 'yon ni Jerson. Hindi niya alam ang gagawin. Sobrang bilis na naman ang tibok ng puso niya. Nag-pa-panic siya dahil sa biglaang pagpasok nito sa kwarto niya. Para sa kanya kasi, hindi pa siya handang harapin ang kababata niya. Nasasaktan pa rin siya.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Binibisita ka. Nag-alala ako eh. Bigla kang nawala kagabi." Sagot ni Jerson.

"Sumama lang ang pakiramdam ko kaya nagpahatid na ako kay Ren."

"Nang hindi nagpapaalam sa akin?"

Mariin na napapikit si Yannie kasabay no'n ang pagyukom ng kanyang mga kamay. "Why should I?"

Napakunot ng noo si Jerson. "Ano?"

"Nagpasabi ako sa isang caterer na uuwi na ako. Hindi ba 'yon lumapit sa inyo? Kailangan ko pa bang magpaalam ng personal sa'yo?"

"Of course, Yannie. Gano'n naman palagi 'di ba?"

Taking A Step Towards You | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon