Chapter 6 - Different
"...Learn to face what hurts you."
~♡♡♡♡♡♡♡~
"ANONG flavor?"
"Hmm. Chocolate na lang."
"Manong isang chocolate at isang vanilla."
Napatitig si Yannie kay Ren na kasalukuyang bumibili ng ice cream sa isang ice cream stand ng isang amusement park. Ilang oras na pala ang nakalipas simula nang humiwalay sila kanina kina Jerson.
Sa totoo lang ay gusto niya ang company na ibinibigay sa kanya ni Ren. Ramdam niya dito na kahit anong mangyari ay lagi lamang ito sa tabi niya at hinding-hindi siya nito iiwan. Dinala kasi siya nito kanina sa arcade para magpalipas ng oras. Matapos no'n ay nanood sila ng bagong labas na pelikula sa sinehan at pagkatapos no'n ay kumain sila sa isang fast food establishment.
Ngayon ay nasa amusement park naman sila at kakatapos lang nilang maglaro ng mga palaro doon at sumakay ng ilang rides.
"Here's your ice cream, pretty lady." nagulat siya sa sinabing 'yon ni Ren. Nakatutok sa mukha niya ang chocolate ice cream na binili nito para sa kanya.
"Wag ka ngang ganyan! Nakakapanibago." sabi niya sabay inabot ang ice cream.
"May mali ba sa sinabi ko?" tanong nito.
"W-wala." bigla tuloy uminit ang mga pisngi niya. Naninibago lang kasi siya sa inakto ni Ren kanina lang. Walang mali sa sinabi nitong 'pretty lady' pero parang isa itong magandang musika sa tainga niya. Sweet and soft. Hindi kasi ganoon ang usual na Ren na nakilala niya. Ang Ren kasi na alam niya ay tahimik, malamig at misteryoso. Oo. Ipinapakita nito ang care nito sa kanya pero sa simpleng way lang nito.
Pero ngayon ay parang pakiramdam niya ay pinaparamdam nito na sobrang espesyal niya at parang iba ang atmosphere 'pag nasa tabi niya ito. Pakiramdam niya ay safe siya 'pag si Ren ang kasama niya.
Nagising siya sa realidad nang biglang ilapat ni Ren ang likod ng palad nito sa noo niya na wari'y tinitingnan kung may sakit siya.
"Bakit?" tanong niya.
"Namumula ka." simpleng sagot nito.
Pakiramdam niya ay lalo siyang namula kaya tinalikuran niya ito. "W-wala 'to." ano na ba talagang nangyayari sa kanya? Namumula? Simpleng bagay lang ang ginawa ng kaibigan sa kanya ay napamula siya nito? Hindi niya na maintindihan pa ang nararamdaman niya.
"Yung tungkol kay Jerson..." nakaramdam siya bigla ng inis nang banggitin nito ang lalakeng bumiyak ng puso niya.
"Please Ren, 'wag mo muna siyang banggitin kahit ngayon lang." hindi na natuloy pa ang gustong sabihin ni Ren nang sinabi niya 'yon.
"Okay. Sorry."
Ilang minuto din naging tahimik ang dalawa. Marahil ay hinihintay nila kung sino ang mauunang magsasalita. Nakuha na nilang maubos ang kinakain nilang ice cream ay wala pa rin silang imikan.
"Gusto mong mag-bike?" sa wakas ay nabasag din ang nakakabinging katahimikan na 'yon nang magtanong si Ren.
Binigyan naman nito ni Yannie ng isang malapad na ngiti. "Sige ba."
Pagkatapos ay nag-arkila sila ng isang bisikleta. Isa lamang dahil hindi marunong si Yannie magbisikleta. Pinilit siya ni Ren na turuan siya nitong magbisikleta ngunit ayaw niya talaga.
BINABASA MO ANG
Taking A Step Towards You | ✔
Teen FictionLanguage: Filipino-English Mahal niya na... ngunit ayaw siyang mahalin. Nagsimula ang lahat sa hopeless na pag-ibig ni Yannie sa kanyang kababata na siya namang nagdulot sa kanya na makita at mahulog sa bagong kaibigan nila sa kolehiyo. At oo, nahuh...