Chapter 7: First

761 88 37
                                    

Chapter 7 - First


Iniwan mo 'ko nang hindi mo napapansin kung anong nararamdaman ko para sa'yo.


~♡♡♡♡♡♡♡~


"YURI and I... kami na. We're officially dating."

Hindi alam ni Yannie kung ano ang i-re-react sa narinig. Tahimik lamang sila ni Ren na kadarating lang dala ang order nitong lunch para sa kanilang dalawa.

Ngumiti siya. A fake one. "C-congrats guys!" Bati niya. Ano pa nga ba ang dapat niyang gawin? Huli na siya kaya ang gagawin na lamang niya ay magpanggap na hindi siya naaapektuhan. "Have a strong relationship. Buti at naging kayo na din sa wakas." Tumawa siya at saka tinapik si Jerson sa braso. "Hoy! 'Wag mong sasaktan 'yang si Yuri naku malaking pagsisisi 'yon."

"Yannie naman!" poker face na sabi ni Jerson sa kanya.

"Ang daya mo. Haha." Sabi niya.

"Madaya?"

"Oo. First girlfriend mo siya 'di ba? Ang daya mo iniwan mo ko nang wala pang nahahanap na boyfriend. Haha." Sagot niya.

'Oo madaya ka. Iniwan mo 'ko nang hindi mo napapansin kung anong nararamdaman ko para sa'yo.' She was just holding back that time. Pakiramdam niya kasi ay kahit anong oras ay tutulo na ang kanyang mga luha.

Hinarap niya si Yuri na siyang masayang nakahawak sa braso ni Jerson. "Yuri, kahit ganyan 'yang si Jerson, 'wag mo siyang iiwan ha? I know that he sincerely loves you. Sabihin mo sa 'kin 'pag may kalokohan 'yang ginawa sa'yo ha?"

"Thanks Yannie. I'll never leave him." Nakangiting sagot ni Yuri.

Tumingin siya kay Ren na siyang tahimik lang na kumakain. "Ikaw? Wala ka bang sasabihin sa kanila?"

Tumingin si Ren sa bagong magnobyo at saka niya binigyan ang mga ito ng saglit na ngiti. "Congrats." matipid niyang bati at saka tinuloy ang kinakain niya. Sa totoo lang ay nalulungkot siya. Tumingin siya saglit kay Yannie na siyang masayang nakikipag-usap sa magnobyo pero alam niyang sa kaloob-looban nito ay umiiyak na ito. 'You can't fool me. I know that you're pained.'

Hindi na kaya pang magpanggap ni Yannie na ayos lang siya. Gusto niya ng umalis sa lugar na 'yon nang hindi niya muna makita si Jerson. Tumingin siya kay Ren na tahimik lang na kumakain ng pananghalian niya. Sinusubukan niyang hulihin ang tingin nito. Nang bigla itong tumingin sa kanya, tinitigan niya ito sa mata na wari'y may gusto siyang iparating dito. 'Gusto ko ng lumayo ngayon. Ren, please help me.'

Alam na ni Ren kung ano ang ibig sabihin ng tingin na 'yon ni Yannie. Uminom muna siya ng tubig at saka na tumayo. "May pupuntahan pa 'ko." Sabi niya sa tatlo at saka hinarap si Yannie. "Gusto mo bang sumama?" tanong niya rito.

Tumango si Yannie at saka na rin tumayo. "Guys, alis muna kami ha?" paalam niya sa dalawa pagkatapos ay tumingin siya kay Ren na siyang hudyat para umalis na sa lugar na 'yon. Hinawakan siya ni Ren sa may likuran niya para akayin ng umalis sa lugar na 'yon. 'Salamat Ren.'



MAY gusto ka bang puntahan?" tanong ni Ren kay Yannie pagkalabas nila ng cafeteria. "Sasamahan kita."

Nginitian lamang siya nito. "Okay na 'ko, Ren. Salamat pala. Sige, pwede ka ng bumalik sa klase."

Taking A Step Towards You | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon