Chapter 2: Cutting

1.2K 159 53
                                    

Chapter 2 - Cutting


He never told me that he already likes someone else.


~♡♡♡♡♡♡♡~



"TARA, cutting tayo." Nagulat sina Yannie at Ren sa sinabing 'yon ni Jerson. Kakatapos lang kasi nilang kumain pero hindi pa rin sila umaalis ng cafeteria. Mga ilang minuto na lang ay magsisimula na naman ang klase nila.

"Baliw ka ba? Cutting? First day of class, cutting agad ang nasa isip mo." Sagot ni Yannie.

"Yon na nga eh. Dahil first day of class, relax relax muna tayo wala pa namang masyadong gagawin." Paliwanag ni Jerson. "Katulad kanina. Puro lang pakilala. What do you expect this afternoon? Lesson agad? Hindi 'yan 'no."

"Kahit na. Alam mo, umiiral na naman 'yang katamaran mo."

"Hmp. Sa totoo lang, ayoko talagang mag-aral. Ikaw at magulang ko lang naman ang nagpilit na mag-aral ako eh. Ginusto lang naman nila 'to dahil gusto nilang ako na ang mag-manage ng negosyo."

"At ba't ako nadamay ha? Kasalanan ko bang ginusto 'yan ng parents mo? Ako ba talagang nagpilit ha?" sunod-sunod na tanong ni Yannie. Sa totoo lang ay medyo naiinis na naman siya dahil sa sinabing 'yon ng kababata. "Ako nga 'tong napilitang mag-business ad eh."

Napatitig si Jerson kay Yannie na siya namang nakatingin sa malayo. Nagtataka siya kung bakit bigla nitong nasabi na napilitan lang din itong kumuha ng Business Ad na kurso. "Eh bakit Business Ad ang kinuha mo? Ano ba talagang gusto mo?" tanong ni Jerson. "Sa pagkakaalala ko, sinabi ng mama mo na kahit anong kurso man ang kunin mo ay susuportahan ka niya."

Hindi makasagot si Yannie sa tanong na 'yon ni Jerson. Oo. Tama nga ang sinabi nito na kahit anong kurso ang kunin niya ay susuportahan iyon ng kanyang ina. Education ang gusto niyang kunin dahil pangarap niya talaga ang maging isang magaling na teacher. Ngunit nagdalawang isip siya nang malaman niyang mag-aaral din sa kolehiyo si Jerson na akala niya'y titigil na't magtatrabaho. Napag-alaman niya sa tito at tita niya, na siyang mga magulang ni Jerson, na mag-aaral ito at kukuha ng kursong Business Administration.

Naisip ni Yannie na ayaw niyang mag-aral ng hiwalay kay Jerson kaya kumuha siya ng Business Ad makasama lang ang tanging lalakeng minamahal niya. Mababaw pero natatakot siya na baka mawalan na sila ng oras sa isa't-isa at baka may makilala itong ibang babae na maaring mas maging close nito.

"Oh ano? Bakit Business Ad ang kinuha mo?" tanong ulit ni Jerson sa kanya.

"Wala." Matipid na sagot ni Yannie.

"Tsk. Ano nga?"

"Wala nga sabi eh. Tara, pasok na tayo." Inayos na ni Yannie ang bag at sarili at pagkatapos ay tumayo na siya para umalis.

Bigla na lamang siyang nakaramdam ng biglaang kuryente sa katawan nang hawakan ni Jerson ang kamay niya. Maraming beses na hinawakan nito ang kamay niya ngunit lagi na lang iyon nagreresulta ng kakaibang epekto sa tuwing gagawin nito iyon.

Tiningnan niya ng matiim ang kababata. "Papasok tayo. No cutting." Sabi niya. Ayaw niyang ipahalata na nagwawala ang loob niya sa tuwing hinahawakan ni Jerson ang kamay niya.

"Please? Sige na. Ngayon lang naman eh. Promise, after this, magpapakabait na 'ko." Pakiusap ni Jerson sa kanya.

Naiinis talaga si Yannie sa tuwing makikiusap sa kanya ang kababata dahil ang lagi niyang naisasagot dito ay...

Taking A Step Towards You | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon