Chapter 11: Ignore

281 32 25
                                    

Chapter 11 - Ignore


"Kailan na ang isang pagkakaibigan ay mabibigyan ng pagkakataon para ipakita ng isa na nagmamahal siya sa isa?"


~♡♡♡♡♡♡♡~



TUESDAY.

Bagong araw muli. Kahapon lamang ay pakiramdam ni Yannie ay maraming nangyari. Hindi niya mawari kung gusto niya pang pumasok o hindi. Nakakaramdam na siya ng kawalang-ganang pumasok sa school dahil makikita niyang muli ang taong patuloy na nagiging dahilan ng pag-iyak niya.

Ngunit naisip niya, 'Bakit kailangan pang maapektuhan ang pag-aaral ko? 'Di ba dapat tuloy lang ang buhay? Nawala lang naman si Jerson eh. Pero hindi ibig sabihin no'n ay titigil na akong maging masaya para mabuhay.'

"Good morning, ma!" bati ni Yannie pagkapasok niya ng dining area. Kasalukuyang naghahanda ang kanyang ina ng almusal.

Gulat namang napatingin ang kanyang ina sa kanya. Iniisip kasi nito na kakatukin siyang muli nito para lang ayaing kumain. "Oh, anak. Buti at hindi ko na kailangang kulitin ka ulit para kumain."

"Hehe. Sorry, ma." Aniya at saka umupo. "Sarap 'ata ng luto mo ha?"

"Para sa'yo, anak. Hindi ka na kasi kumakain ng matino recently." Rason ng kanyang ina at sabay na ring umupo. "Kumusta? Mag-u-usap na ba kayo ni Jerson?"

Matipid na ngumiti lamang si Yannie at saka nagkibit-balikat. "Sino 'yon?"

"Anak."

"Ma, okay ako. Okay na ako. Don't worry."

"Kailangan ba talagang humantong sa ganito, anak?" nag-aalalang tanong ng ina. "You've been together almost all of the days of your lives. Baka nga mas marami ka pang memories sa kanya kumpara sa amin ng papa mong nasa ibang bansa."

"Ayoko na kasi, ma." Sagot ni Yannie. "Saka, binigyan na rin naman niya ako ng reason para mawala na siya sa buhay ko."

Isang malungkot na expression lamang ang naisagot ng ina. Maging ito ay hindi tanggap sa nangyayari sa pagitan ng anak niya at ni Jerson. "Basta anak, sa mga ganitong sitwasyon, ayokong pinabayaan mo ang sarili mo. Sa tuwing iiyak ka, fine umiyak ka. But don't forget that you have parents who worry for you. Ako, anak. Nag-aalala ako sa'yo lalo na sa tuwing nagkukulong ka at hindi kumakain."

"Sorry, ma. Hindi na po mauulit."

"Well, I don't want to insist pero nalulungkot talaga ako sa inyong dalawa ni Jerson. Ang advice ko lang naman anak, kung may pagkakataon pang maayos 'yan, sana naman maayos na."

"Naintindihan ko po, ma. Pero kasi, hindi po sa ngayon."

"Hindi na mahalaga kung hindi ngayon o bukas o sa makalawa. Basta magkaayos kayo. The sooner, the better."

"Okay, ma. Thanks."



"GOOD morning, Ren." Bati ni Yannie pagkaupo niya sa assigned seat niya. 

"G-good morning." Nagtatakang bati ni Ren pabalik kay Yannie. Tinitigan niyang mabuti ang kaibigan, tila tinitingnang mabuti kung may bahid ba ito ng lungkot o galit.

Napakunot naman ang noo ni Yannie. "Bakit?"

Napaiwas ng tingin si Ren. Tumikhim muna siya. "Kumusta naman?"

Taking A Step Towards You | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon