Chapter 5 - Broken
"Kaya mo 'yan. Nandito lang ako."
~♡♡♡♡♡♡♡~
KATATAPOS lamang ng dinner ay si Yannie na ang nagprisintang maghugas ng mga pinagkainan nilang apat.
"Yannie?" napatingin siya sa taong 'yon.. si Jerson. Kasalukuyan na niyang binabanlawan ang mga nasabon niyang mga pinggan.
"Bakit?" tanong niya.
"May tanong lang ako." tugon nito kasabay no'n ay kinuha nito ang ilang pinggan na nabanlawan niya at inilagay iyon sa lalagyanan ng mga pinggan.
"Ano 'yon?"
"Yung totoo, gusto mo ba si Ren?"
Napakunot ang noo niya sa tanong na 'yon ng kababata. Bakit nito tinatanong?
"Ba't mo natanong?" tanong niya rin habang ipinagpapatuloy ang ginagawang pagbabanlaw.
"Uhm... ano kasi... napapansin ko lang na... ano..."
"Bakit nga kasi?"
"Napansin ko lang na ang sweet niyo. Kanina, nung nag-swi-swimming kami ni Yuri, nakita kong hawak niya ang mukha mo. Ang close close niyo pa nga eh."
Nagkunot lalo ang noo ni Yannie sa sinabing 'yon ni Jerson. Oo. Totoong hawak nga ni Ren kanina ang mukha niya dahil pinupunasan nito ang luha niya. Pero bakit bigla itong nai-open ni Jerson?
"Jerson, kami ni Ren, walang namamagitan sa amin."
"Talaga?" napansin niya na biglang lumaki ang ngiti nito. Nagtataka na talaga siya sa inaakto ng kababata. Kanina lang ay inaasar silang dalawa ni Ren. Ngayon naman ay parang seryoso ito sa sinasabi nito at hindi siya nito inaasar.
Bigla siyang napaisip. Aamin na kaya siya kay Jerson?
"Jerson, may sasabihin ako." simula niya. Naisip niya na siguro ay ito na ang oras para sabihin niya ang nararamdaman niya dito.
"Hmm?"
"Jerson... kasi... ang totoo niyan..." huminga muna siya nang malalim. "May gus—"
"Jerson?" hindi na natuloy ang gusto niya sanang aminin dahil sa tumawag na 'yon... si Yuri.
"Bakit, Yuri?"
"Excuse me, Yannie. Pwedeng makausap ko muna si Jerson?" tanong nito.
"Ah. O-oo sige." sagot niya.
"Wait lang Yuri. May sinasabi pa kasi Yannie eh." sabi ni Jerson kay Yuri at pagkatapos ay hinarap niya ulit si Yannie. "Ano nga ulit 'yon?"
"W-wala. Nevermind. Sige na, mag-usap na kayo ni Yuri. Mukhang importante eh." 'yon na lamang ang sinagot niya at ipinagpatuloy ang pagbabanlaw.
"O-okay." 'yon lamang ang nasabi nito. "Tara na Yuri."
"Mauna ka na sa labas. Susunod na 'ko." sabi ni Yuri at nauna na ngang umalis si Jerson.
"Yannie?" tawag ni Yuri kay Yannie na katatapos lang sa ginagawa.
Hindi alam ni Yannie kung haharapin niya ba si Yuri o hindi. Alam na niya kasi kung ano ang gustong pag-usapan nito nina Jerson.

BINABASA MO ANG
Taking A Step Towards You | ✔
Teen FictionLanguage: Filipino-English Mahal niya na... ngunit ayaw siyang mahalin. Nagsimula ang lahat sa hopeless na pag-ibig ni Yannie sa kanyang kababata na siya namang nagdulot sa kanya na makita at mahulog sa bagong kaibigan nila sa kolehiyo. At oo, nahuh...