Epilogue

345 39 56
                                    

EPILOGUE


ISANG bagong taon ng kabataan... isang bagong yugto ng istorya.

Lahat ay abala sa kani-kanilang paghahanda para sa unang araw ng klase. Ang ilan ay nananabik sa kanilang maaaring muling maranasan sa kolehiyo, habang ang ilan naman ay hindi pa rin handang harapin ang bagong taon at tila'y ninanais na dugtungan pa ang bakasyon. Ang mga bago naman ay tila nakararamdam ng magkahalong pananabik at pangamba sa bagong yugto ng kanilang buhay.

Mangilan-ngilan na lamang ang mga estudyanteng naglalakad sa iba't ibang bahagi ng campus papunta sa kani-kanilang silid-aralan. Halos nakapasok na ang karamihan at sinisimulan ang unang oras para makilala ang lahat.

"Late na 'ko!" sambit ni Yannie habang tumatakbo siya sa hallway papuntang department nila na Department of Arts and Management. First day ng klase nila sa kanilang ikatlong baitang sa kolehiyo ngunit mukhang magkakaroon na naman siya agad ng bad record sa unang araw palang.

Palapit na siya sa pinto ng kanilang classroom nang may umakbay sa kanya.

"Late na naman tayo." Chill lang na sabi ni Jerson.

Umirap na lamang si Yannie. "Tss. Tanggalin mo nga 'yang kamay mo. Ang bigat." Reklamo niya sabay tinanggal ang braso ni Jerson na nakapatong sa balikat niya.

"Ayieee~ Kinikilig ka lang niyan eh." Asar nito at saka pinisil ang pisngi niya.

"Tse!" Hinampas na lamang niya ang kababata sa braso nito at saka siya dire-diretsong pumasok sa bagong silid-aralan nila. Mabuti na lamang at wala pa ang kanilang professor kahit late na siya. Well, sa tingin niya ay hindi na ganoon kahigpit ang mga professors sa mga higher years.

"Hey, guys! Free daw tayo this first period. Bukas pa daw papasok ang prof." Announced ng isang kaklase nila.

Napahiyaw naman sa tuwa ang karamihan at nagsikanya-kanyang mundo na.

"Tara sa rooftop, Yannie." Paanyaya ni Jerson. Ngumiti naman si Yannie at saka tumango.

Sabay silang tumayo at nagmartsa palabas ng classroom. Halos mapaigtad si Yannie nang hawakan ni Jerson ang kamay niya habang naglalakad sila.

Napansin naman iyon ni Jerson. Naisip niya na marahil ay hindi iyon nagustuhan ni Yannie kaya niluwagan niya ang hawak sa kamay ng dalaga at unti-unting binitiwan ang kamay nito.

Ngunit laking gulat ni Jerson nang biglang higpitan ni Yannie ang kapit sa kamay niya. Patago siyang napangiti at naramdaman niya ang parang mga nagliliparang paro-paro sa tiyan niya. Hinigpitan na lamang niya din pabalik ang hawak sa kamay ni Yannie, intertwining their fingers.

Napatingin si Jerson sa kababata—at nakita niya rin ang bakas na ngiti sa mga labi nito habang diretso lamang ang tingin nito sa kanilang nilalakaran.

Nang marating na nila ang rooftop ay bumitaw na sila sa kamay ng isa't isa at saka umupo sa sahig. Buti na lang at hindi pa ganoon kainit at katirik ang araw. Sabay silang tumingin sa malayo—sa kalangitan.

"Birthday niya ngayon. Binati mo na ba siya?" Tanong ni Jerson.

Isang saglit na ngiti ang itinugon ni Yannie. "Oo."

Napangiti si Jerson. "Oh? Nakiki-communicate ka na sa kanya?"

"Basta."

Nag-pout lamang si Jerson.

Taking A Step Towards You | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon